MARVIE
EKSAKTONG alas dose ng tanghali nang matapos ang working hours namin rito sa coffee shop. Napaupo na lamang ako kasabay ang pagpunas ng pawis ko.
"Grabe 'no? Madami pala ang costumer ngayong umaga," nasabi ko na lamang. Tumabi namn sa akin si Ate Eula. Katulad ko, halata rin ang pagod sa mukha nito. "Binawi ata noong mga nakaraang araw." Pailing-iling na sabi pa nito.
Napabaling naman ang tingin nito kay Flin na kasalukuyag nakaupo rin sa isa mga table ng coffee shop. Nagce-cellphone ito na bahagya pang nakakunot ang noo.
"Sir Flin!" pagtawag pansin naman ni Ate Eula.
Napadako naman ang tingin nito sa amin. "Dapat siguro mag-hired na kayo ng mga bagong crew. Apat lang tayo dito e---ay tatlo pala hindi pala kayo kasali, hehe. Kayo may-ari nito e."
Napakunot naman ang noo ni Flin sa sinabi ni Ate Eula.
"Why?"
"Kasi sir, medyo dinudumog na tayo ng mga tao. Kaya oras na siguro para maghired ng mga crew," proud na sabi pa nito. "At tsaka kapag hapon, dadalawa lang tayo, kasi may pasok itong si Leguine at Marvie."
May point naman si Ate Eula. Bakit kasi ayaw maghired ng bagong crew itong si Flin?
"Nah, I think it's unnecessary," kalmado naman nitong sagot. Muli nitong ibinaling ang tingin sa hawak na cellphone.
Napanguso na lamang si Ate Eula.
"Ay, Sir bakit naman? Ok sana kung gawin niyo 'yong suggest ko e. Di ba Marvie?"
Ha?
"Ah. Ahm... oo," pagsang-ayon ko kay Ate Eula. Sa tingin ko naman kasi ay kailangan talaga ng bagong mga crew para mas mapabilis ang service dito sa coffee shop.
Napatingin naman sa akin si Flin na ikinagulat ko.
"You think so?"
Teka... kapag sinabi ko bang 'oo'? Papayag siya sa suggestion ni Ate Eula?
"Oo? Ah, I mean, oo naman," nakangiti kong sabi. "Para hindi na tayo medyo mahirapan dito sa coffee shop."
"Hmm."
Napahawak na lamang siya sa kaniyang ilong at halatang pinag-iisipan nito ang mga sinabi ko.
"I think it's not a bad idea. So let's go for---"
"Sang-ayon na kayo sir? Waah! Dapat Sir, i-hired niyo naman iyong mga lalaking gwapo at bata. Iyong mga malalaki ang katawan," kinikilig na sabi ni Ate Eula na bahagya pang nakatingin sa itaas. Iniimagine pa ang mga sinasabi niya. "Dapat mas madami ang mga lalaking crew para 'di na kami mahirapan ni Marvie. Ay, Sir dapat mga gwapo ah? 'Yong mapuputi tapos nakakalaglag panga! Dagdag points iyon sa coffe shop natin. Ay oo nga pala Sir, dapat iyong mga may abs tapos ka-edad lang ni Marvie, waah! Excited na ako---"
"Forget it," malamig na saad namn ni Flin na nagpalungkot sa mukha ni Ate Eula. Akala ko pa naman, sang-ayon na si Flin.
Muntik na akong matawa sa naging reaksyon ni Ate Eula. Parang gumuho bigla ang mundo niya. Paano ba naman kasi, mukhang hindi talaga sang-ayon si Flin sa suggestion nito. At isa pa, mga crew na lalaki? Naku, napaka-imposible. Parang hinahanap mo lang ang dulo ng bahaghari. Nakakapagtaka nga e, si Leguine lang ang tinanggap niya sa lahat ng lalaking nag-apply.
Napabuntong hininga na lamang si Ate Eula. "Sayang naman, hmp." Napa-pout na lamang ito. "Oh siya, kain na lang tayo." Tumayo naman ito tsaka kinuha ang bag niya. "Ay oo nga pala, iyong mga basura." Napatingin naman siya kay Leguine na kasalukuyang nagbabasa. "Uy, ikaw! Dali, dalhin mo sa labas iyong garbage bag," utos nito kay Leguine. Pero tininingnan lang siya nito ng blanko pagkatapos ay muling ibinalik ang atensyon sa binabasa.
BINABASA MO ANG
Dangerous Allure
Mystery / Thriller• [COMPLETED] Mystery Marvie, a college student and a part time service crew at a famous coffee shop owned by his boyfriend Flin, finds herself trapped in a web of accusations and deadly secrets. Blamed for the tragic deaths of her friends, Marvie i...