One...Two...Three...Four... flowers! Woah, the tree has already flowers. Spring just started last month and I'm glad coz' many flowers are blooming again."Ate magkano po ba tong yellow rose?" someone said.
"Ah, goodmoring sir! Tig 20 isa lang po yan!" Masigla kung sabi sa customer namin.
"Miss wala na bang tawad?"
"Naku sir! Bagong pitas lang yan, fresh na fresh"
"Ah wala na bang ibang bulaklak dyan? Ibibigay ko kasi sa girlfriend ko mamaya" sabi niya habang naghahanap pa ng mga ibang bulaklak.
Valentines day nga pala ngayon kaya pala marami rami rin yung mga bumibili ng mga bulaklak.
"Sir since valentines day po ngayon, bakit di niyo po bigyan ng red rose ang girlfriend niyo sir?" tanong ko sa kanya.
"Ayaw niya kasi ang red rose miss. Binigyan ko na dati pero bigla na lang tinapon". Sabi niya na parang nahihirapan na sa pagpili.
"Mahilig siya sa yellow kaya yung may shade na yellow sana yung balak kung bilhin." Dagdag niya."Heto sir, mabenta po itong yellow tulips namin dito pero mas mahal nga lang po ng kaunti sa presyo ng yellow rose."
"Sige yan na lang ang kukunin ko. Bigyan mo ako ng tatlong piraso."
"Sige sir wait lang po kayo" pumunta ako sa lagayan ng mga yellow tulips para kumuha ng tatlong piraso nito. Pabalik na sana ako sa customer ng napadaan ang tingin ko sa bulaklak na gustong gusto ko ngunit hindi napapansin ng mga ibang tao ang ganda nito.
"Uhmm... miss pwedeng pakibilisan nagmamadali kasi ako."
Nabaling ang tingin ko kay sir at humingi ng paumanhin bago ibigay ang bulaklak sa kanya.
"Thank you sir! Come back again" Medyo pasigaw kung sabi dahil agad na siyang naglakad palayo pagkatapos ibigay ang bayad.
I stared again at the basket where the blue flowers are swaying because of the air. I walked closely to flowers, picked one from them and smelled its fragrance. It's so pretty that I can't take my eyes off it, too bad people can't see it.
BINABASA MO ANG
When Autumn Falls
Short StoryAs the autumn starts, my life will.... well the other way around.