Autumn's POV
Mag-isa na lamang ako sa buhay dahil namatay ang aking nanay noong labing pitong taon ako dahil sa sakit sa baga. Ang tatay ko naman ay biglang hindi nagpakita at hindi na bumalik sa amin noong nagtrabaho siya sa ibang bansa.
At ang tanging bilin ng nanay ay alagaan at panatilihin ang mga bulaklak sa bukid at hanapin ang tatay ko. Nagtaka nga ako kung bakit niya nalang biglang gustong ipahanap ang tatay dahil matagal-tagal na ring hindi binabanggit ni nanay si tatay.
Lumipas ang apat na taon ay napalago ko ang negosyo namin ni nanay. Tumigil ako sa pag-aaral at hanggang sekondarya lamang ang aking natapos.
Ngunit di ko pinagsisihan ito dahil napalago ko ito at natupad ko ang isa sa bilin sa akin ni nanay.
Nandito ako ngayon sa tindahan, nagaayos ng mga bouquet at naghihintay ng mga customer.
May isang assistant ako dito at ito ay walang iba kundi si Mirna, ang ultimate bestfriend ko na hindi ako iniwan noong naglukluksa ako sa pagkamatay ni nanay.
"Autumn may customer tayo pero hindi ko maintindihan kung anong bulaklak ang gusto niya. Pinaamoy ko na ata lahat ng mga bulaklak na tinda natin pero hindi daw iyon ang hinahanap niya " reklamo ng bestfriend ko.
"Sige ako ng bahala sa kanya Mirna, pakituloy nalang itong ginagawa ko"
"Sige, sige nastress ako dun, gwapo nga pero ang sungit sungit naman hindi kinaya ng ganda ko" asik pa niya.
Pumunta na ako doon at nakita ko ang isang lalaki na nakashades kahit hindi naman mainit at may kasamang dalawang guard. Mukhang mayaman to ah. Kailangang magpakabait ako baka sakaling marami siyang bilhin.
"Goodmorning sir! Anong bulaklak po ba ang hanap niyo?"
"How many times did i heard that question? Paulit - ulit. I want the flowers that smell like this" may binigay siya sa aking panyo.
Kinuha ko ito at w-what?!
Kaamoy nito ang secret flower ko!
Pero imposible dahil wala pang nakakakita nito."Uhmm excuse me sir, wala po kaming ganito, sa iba- "
"Liar" putol niya sa akin.
"I know that the flowers are here naaamoy ko mula dito"
Sige I'll try. Tutal matagal ko naman nang hinintay na mangyari ito kaya susubukan ko. Kinuha ko ang isang piraso nito at tinignan ang reaksiyon nila.
Ang dalawng guard na nakakunot ang noo habang nakatingin sa kamay ko at ang lalaking seryoso lang at hindi ko alam kung saan siya nakatitig dahil sa shades niya.
Nahihiya nga ako kasi para akong baliw na nagbibigay ng invisible na bulaklak sa customer. Hinayaan ko nalang ang tingin ng dalawang guard sa akin at pinaamoy kay shades man.
"This is what I'm saying miss" kinuha niya ito at hinawakan.
"I'll buy all of these" agad na nanlaki ang mata ko.
"Nakikita mo po ito sir?" tanong ko sa kanya.
"Y-yeah" sagot nito at agad na tumalikod.
"Get the flowers and pay them twice the price of it" utos nito sa mga guard niya at dumiretso na sa kotse.
Sinunod nila ang utos ng kanilang amo kahit na naguhuluhan na sila sa nangyayari. Well, hindi ko sila masisisi.
Balak ko sanang ibigay ito ng libre dahil ito ang unang pagkakataon na may nakakita ng secret flower pero pinilit pa rin nila na bayaran ito ng doble dahil yun daw ang utos sa kanila.
"Oh, autumn ayos ka lang ba? Ba't ka natulala? Natulala dahil sa kasungitan niya o natulala dahil sa kagwapuhan?"
"Ano ka ba Mirna, oh sige punta lang ako saglit sa malapit na coffee shop bigla kasing kumalam ang sikmura ko " sabi ko sa kanya.
"Kanin besh ang kainin mo. Purgang purga ka na sa kape na yan ha" sobrang swerte ko sa bestfriend ko kasi para ko na kasi talaga siyang kapatid at minsan nagiging nanay din tulad ngayon.
"Sorry po nay, nasanay na kasi ako na kape lang tuwing umaga".
BINABASA MO ANG
When Autumn Falls
KurzgeschichtenAs the autumn starts, my life will.... well the other way around.