Part V

3 2 0
                                    

Autumn's POV

"Unang paraan na naisip ko ay idikit itong bulaklak sa mga mata mo." Kumuha ako ng dalawang petals ng bulaklak at idinikit sa mata niya. Well, ang gwapo niya talaga mas lalo na kapag malapitan.

Buti nalang di niya ako nakikita na titig na titig sa kanya.

"Hintayin natin ng mga 5 minutes" sabi ko ulit sa kanya.

Dumating ang 5 minutes at hindi naging effective.

"Uhmmm dagdagan pa natin ng 5 minutes. Baka di gumana kasi baka kinulang lang sa minutes."

Ting! May 5 minutes na pero di pa rin gumana.

"Dagdagan ulit nat-"

"Fvck! Wala ka na bang ibang maisip? Kanina pa ako naiirita." Reklamo niya

"Pwede ba! Maghintay ka nga! Marami akong plano noh."

"Plan B, pakuluan ang bulaklak at inumin ito." Kumuha ulit ko ng bulaklak at pinakuluan.

Nandito kami sa shop ko at buti nalang may mini kitchen at cr kami dito.

"Yan kumulo na" isinalin ko ito sa tasa at ipinainom sa kanya.

"Ang baho naman ng amoy! Ayoko!" Pilit kong pinapainom sa kanya.

"Ang arte naman kung sirain ko kaya yang shades mo" inis na sabi ko sa kanya.

"Tsk. Kung hindi lang talaga ako bulag." Bulong nito pero narinig ko naman.

Ininom niya ito at kita sa mukha niya na napipilitan siya.

Naghintay kami ng mga ilang minuto pero hindi pa rin epektibo.

Okay heto na siguro baka effective na.

Kumuha ako ng maraming piraso ng bulaklak at ipinalibot sa kanya na parang albularyo.

"Ave Maria! Napunpunno ti gracia! Es teledes! Mama mia de amo-"

"Ano ba! Are you playing me around?!" Tumayo na siya at naglakad palabas syempre kasama ang mga alipores.

Cyd's POV

"Is that true?" Mom asked.

"Yes ma, she said that only chosen people can see that flower" I said.

I can't still believe it na ganoon ang bulaklak na iyon. Well, I expected that my mother will not believe on me.

"I see" nagtataka ako bakit hindi man lang siya nagtanong o nagulat sa nalaman niya.

"Son, since you said that she's the only one who can see the flowers can you invite her here in our house?"

Autumn's POV

"Oh akala ko di ka na babalik" sabay tingin ko kay Cyd na tahimik lang na nakaupo.

"May bagong naisip  na naman ako" sabi ko sa kanya.

Nilista ko pa kagabi yung mga iba't ibang paraan-

"My mother wants to meet you and I want you to come with me now." Diretsahan niyang sabi sa akin.

Huh?! Bakit kailangan ko pang i-meet ang mama niya. Nakakahiya kaya.

"She said that she needs to check and investigate the flowers for her to  know the ways on how to cure my eyes using those flowers. Unlike you na kung ano-ano ang pinaggagagawa sa mga bulaklak na yon."

" Ay, sorry walang magbabantay ng shop ko-"

"Besh, tapos ko na yung bouquet na pinapagawa mo. Oh si Mr. Sungit nandito." Biglang singit ni Mirna na napatakip sa bibig niya.

When Autumn FallsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon