Part II

11 3 0
                                    


"Autumn! Halika ka at tumulong kang mamitas ng bulaklak na ibebenta natin" tawag sa akin ni nanay na pumipitas na ng bulaklak kasama ang ibang mga trabahador.

Nandito kami sa sarili naming bukid na may iba't ibang tanim na bulaklak. Minana ng nanay ang bukid na ito sa lola ko na namayapa na at naisipan na gawin nalang itong taniman ng mga halaman. Ito rin ang naging dahilan kung bakit naging mahilig na rin ako sa mga halaman.

Pinuntahan ko na sina nanay at tumulong na sa pagpipitas.

Tumataas na ang sikat ng araw ng matapos kami.

Malapit ang bukid sa aming bahay kaya nilalakad lamang namin ito.

Habang naglalakad kami pauwi, nakita ko ang napakagandng paru- paro na pinapalibutan ako.

"Anak bilisan mong maglakad at may pasok ka pa"

"Sige nay mauna ka na may gagawin lang ako" sabi ko na sinusundan pa rin ng tingin sa paru - paro.

Di ko na hinintay pa ang sasabihin ni nanay at nagsimula ng sundan ang paru - paro dahil nagsisimula na itong lumipad papalayo.

Sinundan ko ito hanggang sa dumapo ito sa isang maliit na halaman.

Bagong tubo pa lamang ito at di ko malaman kung bakit ko ito kinuha at inuwi.

"Anak saan ka nagpunta" bungad sa akin ni nanay pagkarating sa bahay.

"Ah nay, nakita ko po itong halaman, heto po malay natin namumulaklak po ito at maganda ang bulaklak nito."

Kumunot ang noo ni nanay.

"Anak, pinagloloko mo ba ako? Wala ka namang dala. Wala ka na naman bang dahilan kaya kung anu-ano nalang ang nirarason mo. Hay naku maligo ka na at may niluto na ako dyan at kumain ka na. Bilisan mo may pasok ka pa at ibebenta pa namin tong mga bulaklak." At agad siyang umalis para ayusin ang mga bulaklak.

Kinusot ko ang mga mata ko pero naroon pa rin ang halaman sa kamay ko.

Pinakita ko ito sa kapitbahay namin, kay Mirna na kaibigan ko at sa mga trabahador ni nanay ang halaman na kinuha ko pero hindi rin nila makita ang halaman nito. Pero bakit?

Inalagaan ko pa rin ito at ng lumaki ay inilipat ko ito sa bukid at ipinuwesto sa may gilid na parte.

Makalipas ang ilang buwan ay lumaki ito at naging puno ngunit walang bulaklak. Nawalan ako ng pag-asa na baka sakaling may tumubong bulaklak. Hinayaan at pinabayaan ko ang puno dahil wala rin lang namang nakakakita dito.

Ngunit isang araw, napagdesisyunan kong bisitahin ang puno pagkauwi galing sa paaralan, nagulat ako ng makitang may isang bulaklak na tumubo sa puno.

Hanggang ngayon ay wala pa ring nakakakita sa puno na iyon at ang bulaklak nito. Kinuha ko ang bulaklak na iyon at aking inamoy.

Hindi ito nalalanta kahit ilang buwan pa ang lumipas at hindi rin nawawalan ng bulaklak ang puno.

Gayunpaman, nilalagay ko pa rin ito sa tindahan kasama ng mga iba pang mga bulaklak at nagbabakasakali na may makapansin at makakita sa bulaklak na tanging ako lamang ang nakakakita.

When Autumn FallsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon