PROLOGUE

15.9K 478 46
                                        

"Psalm 46:10 Be still and know that I am God. I will be exalted among the nations, I will be exalted in the earth!"

PROLOGUE

***

"SIGE na, ipasok niyo na sila!" sigaw ng pinakalider ng grupo. Sunod-sunod na ipinasok ng mga armadong kalalakihan ang mga dalagita sa loob ng truck van, at nag byahe iyon patungong Isabela para illegal na itawid papuntang Malaysia para gawing prostitute doon.

Nag-iyakan na ang ilang mga dalagita sa loob.

"Huwag kayong mawalan nang pag-asa, makakalaya rin tayo dito, makakatakas tayo kaya tatagan niyo ang inyong loob!" sabi ng trese anyos na si Alice.

"Pero... pero... ang dami nila," si Belle.

"Oo nga, imposible tayong makatakas dito," si Celen.

"Ako ang bahala sa inyo basta magtiwala lang kayo sa akin," matapang na sabi ni Alice sabay punas sa pisnge ni Belle.

"Pero baka patayin nila tayo pag nahuli tayo," si Delly.

"Mamamatay parin tayo pag hindi tayo gagawa ng paraan, maliwanag ba? Kaya wag kayong umiyak!" si Alice.

"Tama siya, makakalaya tayo dito!" si Elsa. Nagsi-tanguan ang iba. Nag-yakapan sila hanggang sa maramdaman nila ang paghinto ng truck van.

Tumayo si Alice at kinalampag ang pintuan ng truck van, lumingon siya. "Pagkalabas ko iharang mo ang tsinelas mo para hindi tuloyang magsara," sabi niya kay Belle.

"H-hindi ko kaya..." si Belle.

"Ako nalang!" presenta ni Elsa.

Tumango si Alice at muling kinalampag ang pinto. Isang lalaki na may hawak na baril ang nagbukas ng pinto.

"P-pwede po bang maka-ihi? Na-iihi na po talaga ako, eh!" si Alice.

"Oh, sige, pero 'wag lalayo, tas pakibilisan lang," nilakihan nito ang bukas ng pinto at muling bumalik sa mga kasamahan nito. Lumabas na si Alice at kaagad na hinarangan ni Elsa ang pintuan bago magsara iyon.

Sumilip si Elsa sa labas at nakita niya ang pagtatawanan ng grupo habang busy sa pag-iinom ng alak at may pinapanuod ang mga ito sa cellphone.

Senenyasan niya ang mga kasamahan.

"Natatakot ako," si Belle.

"H'wag kang matakot hindi ka namin pababayaan," si Elsa. "Pagbilang ko ng tatlo lumabas kana huwag kang iiyak isipin mo na naglalaro lang tayo," nilakihan niya ang bukas ng pinto. "Isa... dalawa... tatlo!"

Dahan-dahang lumabas si Belle. Pigil ang hininga nila hanggang sa makarating ito sa damuhan kung saan naghihintay si Alice, nakahinga sila ng maluwag.

"Isa, dalawa, tatlo!" si Celen naman ang lumabas.

"Isa, dalawa, tatlo!" si Delly naman. Nilingon ni Elsa ang ibang kasamahan sa likod. "Halina kayo!"

"Ayaw namin mas gaganda pa ang buhay namin sa Malaysia. Doon pwede kaming mangarap, doon pwede kaming mag ka-pera hindi tulad dito na wala na ngang pera wala pang pamilya," sabi ng isang bata. Sumang-ayon dito ang iba.

"Pero bababoyin nila ang pagkatao natin!" si Elsa.

"Matagal ng bina-baboy ang katawan ko," sagot nito.

Nakita ni Elsa si Alice na sumesenyas. "Mag-iingat kayo..." napilitan si Elsa na lumabas. Naiiyak na nag-yakapan silang lima, lakad takbo ang ginawa nila sa masukal at madilim na daan palayo sa impyernong lugar na iyon, pero may mataas na pader na nakaharang sa buong paligid nang lugar kung saan sila naroroon.

WILD ANGELS (PUBLISHED UNDER DREAME)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon