"Mark 5:36 Overhearing what they said, Jesus told him, "Don't be afraid; just believe."
CHAPTER FOUR
***
Celen: Lady in Red
"Kumapit ka sa akin Belle!" sigaw ko ng maputol ang kahoy na nakaharang sa bato kung saan lulan si Belle. Napaiyak kami ng tangayin na ng rumaragasang tubig si Delly at ngayon naman pati si Belle ay nanganganib na ring matangay.
Nanginginig narin kami sa lamig! Malapit ng mag umaga kaya mas delikado sa amin ang maabutan sa ilog dahil may maghahanap na sa amin pag sikat ng araw. Pilit akong tumayo sa bato at iniabot ang kamay ni Belle.
Hinila ko siya at kaagad na niyakap. "H-hindi k-ko na k-kaya..." nanginginig na siya sa lamig. Hinubad ko ang damit namin at niyakap siya.
"'Wag kang susuko, Belle!" kinuskos ko ang mga palad ko at idinampi iyon sa magkabilang pisnge ni Belle.
"C-celen s-save your l-life..." anas niya.
"No! Hindi kita iiwan dito Belle. Wake up!" tanapik tapik ko ang pisnge niya. "Wake up! Please! No Belle..." niyugyog ko siya, dahil nawalan na siya ng malay.
"Tulooooooong!" sigaw ko. Wala akong pakialam kung marinig man kami ng mga goons, basta ang mahalaga mailigtas ko si Belle.
"Tulongan niyo kami!" muling sigaw ko. "Belle gumising ka, pakiusap!" niyakap ko siya ng mahigpit. Napatakip ako sa mukha ng may nag ilaw sa amin.
"Diyos kong mga bata kayo!" nawala ang ilaw at naramdaman ko ang ano mang bagay na iniabot nito sa amin. Kawayan iyon na pilit nitong inihaharang sa bato kung nasaan kami ni Belle, nasa gitna kasi kami ng ilog.
"Bilisan niyo na mga Ineng!" sigaw nito sa amin.
Pinahid ko ang luha at pilit na kinarga si Belle. Lumusong ako sa tubig papunta sa gilid habang kumakapit ako sa kawayan at inaalalayan si Belle. Hindi na masyadong malakas ang agos ng tubig dahil tumitila na ang ulan. Iniabot ng Ale si Belle na wala ng malay at hinila nito pataas. Ako naman ang hinila nito at tinulungan sa pag angat sa tubig.
Kinarga ng Ale si Belle habang sumusunod ako dito. Hindi kami nito sa loob ng bahay dinala kundi sa kulungan ng mga alaga nitong baboy! Kumuha ito ng dahon ng saging para isapin at inihiga si Belle.
Umiiyak din ito. May narinig kaming huminto na motor, nakita ko ang takot sa mukha ng Ale. "Shhh... wag kayong gagawa ng ingay, babalikan ko kayo dito."
Nakita ko ang pagsalubong nito sa dumating. Napatakip ako sa bibig ng makilala ang taong sinalubong nito, ang lalaking isa sa humahabol sa amin.
"Buweset na mga batang 'yun! Binibigyan pa kami ng problema!" nagwala ito. Tiningnan ako ng Ale at sumenyas ito para magtago ako. Napaupo ako at niyakap si Belle, inaapoy ito ng lagnat!
"Kumain kana ba? Ipaghahain kita," narinig kong sabi ng Ale.
"Gawin mo nalang! Marami pang satsat, tumabi ka nga!" asik ng goon at pumasok na ito sa loob, muli akong sumilip at kitang kita ko ang pananakit nito sa Ale.
Pagkatapos nitong kumain ay muli itong sumakay sa motor at pinaharorot iyon. Binalikan kami ng Ale at nakita ko ang maraming pasa nito sa braso.
"Ale..."
"Okay lang ako, itong kaibigan mo ang isipin mo, halika tulungan mo akong ipasok siya sa loob para magamot natin, mamayang gabi pa ang balik ng asawa ko o di kaya bukas pa."
BINABASA MO ANG
WILD ANGELS (PUBLISHED UNDER DREAME)
ActionMost impressive overall ranking #1:difficulties June 2019 #1:triumph March 2019 #1:foreverisreal March 2019 #2:lifelesson June 2018 #1:Freedom July 2018 April 2019 - under Dreame #1: triumph 2020-2021 A group of youths flees from syndicates and p...
