CHAPTER TWO

10.1K 277 14
                                    

"John 7:38 Whoever believes in me, as Scripture has said, rivers of living water will flow from within them."

CHAPTER TWO

***

Elsa: Hired to kill

NANGINGINIG ang mga kamay ko habang nilalapag ang baril sa lababo. Hinubad ko ang itim na jacket at naghilamos, tinitigan ko ang sarili sa salamin at napaiyak.

Pumasok ako sa shower room at hinubad ang mga damit. Nanginginig parin ang buo kong katawan sa takot. Laging ganun ang nararamdaman ko sa tuwing may pinapatumba akong tao. Oo, isa na ako ngayong membyro ng Black Dragonss, samahan ng mga private and professionals hired killers.

Napahagulhol ako sa ilalim ng malamig na tubig. At doon sinariwa ang nakaraan na gustong gusto ko nang takasan at kalimutan.

BANGIN na ang nasa harapan ko, malapit na rin ang mga goons na humahabol sa akin, napapikit ako. "Lord ikaw na po ang bahala sa akin..." at nagpalaglag ako sa bangin.

Akala ko katapusan na ng buhay ko pero nagising ako sa isang kubo habang ginagamot ang mga sugat ko.

"Oh Ineng, huwag ka munang gumalaw at sariwa pa iyang mga sugat mo," sabi sa akin ng may katandaang babae.

"Nasaan po ako? sino po kayo?"

"Andito ka sa bahay, nakita ka ng asawa ko sa gubat habang naghahanap siya ng makakain namin, buti nalang at humihinga ka pa," tumayo ito at may kinuha na dahon at pinalitan nito ang nakadikit sa tiyan ko. Napaigik ako sa sakit. "Malala ang tama mo sa tiyan, ano ba ang nangyari sayo at nahulog ka sa bangin? Mabuti nalang at hindi sa mabatong bahagi ka nalaglag kung hindi wala ka nang buhay ngayon."

Napaiyak ako, muling sumidhi ang takot sa akin. Mula sa 'di kalayuan humihingal na dumating ang isang batang babae.

"Inay! Inay! Si Itay po!"

Napatayo ang matandang babae ng makitang papalapit na sa amin ang asawa nitong nakagapos, habang maraming bugbog ang katawan, putok na putok din ang mukha nito. Nasa likuran nito ang mga nakangising mga kalalakihan.

"Aling Simang, kumusta na po kayo?" nakangising sabi ng isa at tinadyakan ang walang kalaban laban na asawa nito.

"S-simang... t-tumakas na kayo... tumakbo na kayo!" sa nanghihinang boses ng asawa nito.

"Magbabayad naman kami, bakit niyo kailangang gawin sa amin ito?"

"Simang, ilang buwan na at wala na kayong naiibigay?" sumilip ito at tiningnan ako, mas lalong napangisi ito. "Pare, parang matutuwa si bossing sa magiging pasalubong natin ngayon, ah! Sariwang-sariwa."

Nagtawanan ang mga kasamahan nito. Unti-unti itong lumapit sa akin at hinaplos ang pisnge ko. Itinulak ito ni Aling Simang. "Mga walang hiya kayo! Umalis na kayo dito! 'Wag niyo idamay ang anak namin!"

"Aba't ang tapang-tapang mong matanda ka ha!" sinuntok nito si Aling Simang. Napasigaw ang batang babae at kaagad na dinaluhan ang Inay nito.

"T-tama na!" sigaw ko, hindi ko na kaya pang sikmurain ang mga nakikita ko. "Ako ang kailangan niyo diba? Tigilan niyo na sila, sasama ako sa inyo!" umiiyak na sabi ko, nakita ko si Aling Simang na umiiling. Ngumiti ako sa kanya, sa unang pagkakataon sa buhay ko may tumawag sa akin na anak.

WILD ANGELS (PUBLISHED UNDER DREAME)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon