Introduction

8 1 0
                                    

Part I

Ako si Rhian Del Mundo , 25 taong gulang. Kasalukuyang nakatira dito sa A&A Apartment ng kilalang lugar sa Batangas. Nakapagtapos ako ng kolehiyo sa kursong Business Management sa edad na 21. Sa Ngayon nag ta-trabaho ako dito sa kilalang Villa bilang Receptionist ng Pamilyang Fuertes at tumatayong kanang kamay ng may-ari ng Villa kung sila ay narito. Sa aking pag kaka alam mayroon silang 6 na branch sa iba't-ibang parte ng Pilipinas.

Mula noong ako'y naging alila dito na ako nag trabaho. Mula 13 taong gulang pa lamang ay kumakayod na ako at mag-isang namumuhay at lumalaban sa dagok ng buhay. Kilala ako ng mag-asawang Fuertes at sila mismo ang kumupkop sa akin. Kaya ganoon na lamang kalaki ang kanilang tiwala sa akin. Tinanggihan ko ang pagiging Manager na inalok ng mag-asawa dahil ayaw ko ng responsibilidad na siyang sinang-ayunan ng mag-asawa. Gayun pa man sa dami ng trabaho ko rito sa Villa ay talo ko pa si Ate Candy na siyang kinikilalang Manager ng Villa. Katulad nga nang sinabi ko, ako ang kanang-kamay ng mag-asawang Fuertes kaya lahat nga kanilang trabaho ay aking sinusuri mula sa pinaka maliit hanggang sa pinaka malaking responsibilidad sa Villa ay aking sinusuri at sinisigurado na maipi-presinta ko sa mag-asawa ang report ng Villa buwan-buwan.

Lahat ng trabahador sa Villa ay kilala ako at siyang pinagpapasalamat ko sa respetong binibigay nila sa akin. Miss Yan kung ako ay tawagin ng mga tao roon. Saksi sila sa aking pinag daanan at pag ti-tiyaga sa buhay. Hindi ko na nais alalahanin ang aking pinagdaanan dahil masalimuot ito at nais ko nang kalimutan. Sa pamamalagi ko dito sa Villa ay siyang nagpabago ng aking buhay.

Buong akala ko normal lang ang magiging pamumuhay ko dito sa Batangas. Ang makapag tapos at makapag trabaho ang siyang pinaka pangarap ko na siyang nakamtan ko. Ang akala ko ay ganito lamang ang buhay. Gigising - Magtatrabaho - Magsasaya. Inakala ko na normal lang, ngunit unti- unti kong napapansin na may mga bagong karakter sa aking buhay na siyang nagpapatakbo sa bawat araw na aking kinakaharap. Hanggang sa tumatak sa aking isipan na hindi na ito ang normal na buhay na aking inaakala.

‐----------------------------
A/N: Expect the grammatical errors 😂😂. Thank you. Please vote comment your insight but please no harsh comment. LoveLots.

Keep Holding OnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon