She is SUZANE

11 1 0
                                    

Mainam akong nag jo-jogging malapit sa aking apartment. Tahimik ang lugar dito at may mga puno. Masarap ang simoy ng hangin at magaganda ang mga bulaklak. Madalas akong mag jogging tuwing Huwebes ng hapon dahil Biyernes ang aking day-off, tuwing ala- sinco ng hapon ako nag sisimula at natatapos ng 6:30 PM. Patuloy lamang ako sa aking pagtakbo ng may narinig akong sigaw. Sigaw ng pagka-inis. Bihira lang ang taong naglalakad dito sa lugar namin dahil sa may dulong parte ito. Gayun pa man makakasiguro kang ligtas ang paglalakad dito.

"Ahhhh.... I hate the this freaking day. I hate this. Ahhh " galit na sigaw niya habang sinisipa ang gulong ng sasakyan.

Lumapit ako upang malaman kung anong problema "Hi. Bago ka ba dito? Kailangan mo ba ng tulong?"

"Oh God. Thank you. Oo kailangan ko ng tulong. Please help me. But wait. What is your name?" Takhang tanong nya.

"Ahh pasensya na. Ako nga pala si Rhian. Pwede mo akong tawaging Yan. Taga dito ako at madalas ako dito." Pagpapakilala ko.

Kumunot ang noo niya at parang may inisip. "Rhian? What is the last name?"

Nagtaka naman ako sa tanong nya. Kailangan pa ba ang apiliyedo?
"Rhian Fuertes yan ang pangalan ko. Wag ka mag alala. Di ako masamang tao. Tutulungan kita para makarating ka na sa pupuntahan mo. Anong pangalan mo?"

Siya namang liwanag ng mukha niya.
"Great. Yesss! Ahm ako si Zia" nakangiting pagpapakilala ni Zia.

"Okay ano bang nangyari sayo? At ano ba ang problema at saan ka pupunta?" Mahabang tanong ko.

"Ah sa totoo lang magbabakasyon sana ako. Kaso nasiraan ako ng battery ng sasakyan at gulong. Ewan ko din kung bakit di gumagana ang phone ko. Wala pa akong matitirhan for my vacation." Malungkot na paliwanag niya.

"I see. Kaya pala mukha kang dayo. Anyway pwede mong iwan jan ang kotse mo at ipapa ayos natin yan bukas sa kakilala kong may-ari ng talyer. Sa ngayon ay pwede kang tumira sa akin." Pag-aalok ko sa kaniya.

"Wow. Talaga? I can pay you. Just name the price." Masayang sabi ni Zia.

Napangiwi ako. Talagang mayaman siya at halata naman sa kutis at pananamit niya. "Di na kailangan. Masaya na akong tulungan ka. Sandali lang."

Nagtaka siyang tiningnan ako. Kumatok ako sa tapat ng bahay kung saan napahinto ang sasakyan ni Zia. At nakiusap ako na iiwan ko muna ang sasakyan at ipapakuha sa mekaniko dahil nasiraan ito. Pumayag ang may-ari ng bahay dahil namumukhaan niya ako. Nanghiram din ako ng tsinelas dahil naka takong si Zia at mukhang di nya kakayanin ang paglalakad papunta sa bahay ko.

Nilingon ko siya at inabot ang tsinelas. "Tara na. Dalhin mo ang maleta mo at importanteng gamit. Ito magpalit ka dahil sure ako na sasakit ang paa mo pag pinanglakad mo yang hills mo."

"Thanks Rhian. You are such an angel. Di ko alam ano gagawin ko kung wala ka." Masayang sabi niya.

"Oyy grabe ka. Wag naman angel, good samaritan lang. Ano tara na? " Yaya ko sa kaniya.

Keep Holding OnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon