The Villa

8 1 0
                                    

" Attitude is a choice. Happiness is a choice. Optimism is a choice. Kindness is a choice. Giving is a choice. Respect is a choice. Whatever choice you make makes you. Choose wisely. " --Books of Life by Roy T. Bennette

At sinara ko ang libro na aking binabasa. Napatingin ako sa orasan na nakasabit sa pader (5:20 AM). Kumunot ang aking noo. Napaka aga pa! Nag simula na akong gumayak upang maka alis na papuntang trabaho.

" 8:00 AM ang shift ko ngayon. Shemay! Ang aga ko magising. nakaka inis naman "

Eksaktong 6:30 AM ay umalis ako ng aking bahay. Madalas akong naka motor pag pumapasok sa trabaho. Wala lang. Bukod sa iwas traffic. Maangas kasing tingna.

VILLA

"Oh Miss Yan. Ang aga mo naman yatk koa ngayon? Lalo po talaga kayong gumaganda." nakangiting bati ni Kuya Allan na siyang naka duty bilang gwardiya ng Villa.

"Kuya Allan talaga binobola mo naman ako eh! Baka maniwala ako niyan" sabay tawa.

"Naku Miss Yan hindi po. Alam mo namang hindi ako sinungaling." Kilala ko si Kuya Allan at sampung taon na siyang naninilbihan dito sa Villa. Mula nung dumating ako tinuring niya akong anak-anakan maging ang kaniyang asawa na si Tita Juliet na siyang reyna ng kusina ng Villa. Naging matalik na kaibigan ko naman ang kanilang anak na si Jelly na siyang namamahala sa mga kailangan sa bawat Room ng Villa.

"Alam ko po yun. Sige ho at ipaparada ko pa itong si Mustang. Baka ho magasgasan." Bungisngis kong pagpapa-alam na siyang pag tango niya. Ang tinutukoy ko ay ang aking motor na akala mo ay lalaki ang gumagamit. Regalo ito ng mag- asawang Furtes nung ako ay nag Debut.

"Oo nga ano! Napaka gwapo pa rin ni Mustang. Mukhang bago at napaka kintab" na siyang nagpa halkhak sa aming dalawa.

Pagkatapos kong iparada si Mustang ay dumiretso na ako sa locker room upang mag palit. Maaga pa at tiyak kong nandun pa ang mga kolokoy kong kababata/katrabaho. Saktong pag bukas ko ng pinto ay naabutan ko silang nagkukulitan at nagtatawanan.

"Yannnnnnnnn" sigaw ni Ara. Isa sa matalik na kaibigan namin ni Jelly. Saktong kolehiyo ko siya nakilala at hanggang ngayon ay matalik ko siyang kaibigan. Ako ang nagpakilala sa kaniya kay Jelly. Si Ara ang accountant ng Villa. Lahat ng may kinalaman sa mga billing ay si Ara ang nag aayos at pinapasa niya sa akin. Si Ara ay halimbawa ng maingay at masayahing babae.

"Oh kamusta? Ang aga pa para mag ingay ka! " ngiti ang naiganti ko sa kanilang lahat.

"Duh as if naman na may mag babago jan sa kaibigan mong yan no!" sabay irap nito kay Ara.

"Hindi kita napansin Jelly." Yinakap ko rin sya at nakipag beso. Si Jelly naman ang babaeng masungit at maarte. Pero dahil nga malambing si Ara madalas ay nawawala ang sungit niya. Si jelly ang nag aasikaso sa lahat nang may kinalaman sa internet. Mula sa advertisment at online inquiries and online booking.

Yinakap at hinalikan siya ni Ara "iloveyou Jelly. napaka bait mo talagang kaibigan" sabay tawa.

"CHEEEE" wika ni Jelly.

"Sandali lang at magbibihis ako. Malapit na mag 8:30 AM papalitan ko na si Minda"

Keep Holding OnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon