DAVE
TINIGNAN ko ang oras, alas-singko palang ng hapon. Maagang umuwi kanina sina Daisy at Lia dahil may exam pa raw sila bukas.
Nakahilata ako ngayon sa kama ko habang nilalanghap ko ang bango ng Sandalwood, ginagamit ko kasi ngayon 'tong oil diffuser na binigay niya, infairness nakakakalma siya. Nabasa ko ang note ni Dr. Macy, Sandalwood ang best treatment for people who suffers PTSD or post-traumatic stress disorder.
Tumatak rin sa isip ko ang sinulat niya sa note. It's okay to not feel ready to seek professional help yet. Ang mahalaga tinutulungan mo ang sarili mo to recover. Write what you feel, read some books, and do some research! Take care. Those words made me feel good and gave more validation to my feelings.
Sinunod ko ang sinabi ni Dr. Macy, kumuha ako ng notebook at papel at nagsimulang isulat ang nararamdaman ko ngayon. Huminga ako nang malalim at pumikit para mag-self-reflect.
I'm scared. I'm scared that these wounds may not heal. Kada-oras na naaalala ko ang nangyari parang bumabalik ako sa sandaling 'yon. I'm deeply terrified that I may not be able to fully recover. I'm experiencing panic attacks which really scares me. I'm worried, I might be a burden to everyone dahil sa nararamdaman ko ngayon. Nakakabahala na baka matagal 'tong pag-re-recover ko, na baka hindi na ako maging mentally-stable at baka dumating ang oras na ayawan na ako ng mga taong nakapaligid sa 'kin. In spite of that, I also feel blessed. There are so many people who reach out themselves first, especially si Ken. He held my arms after that incident to calm me down. He was the one who was there for me, kahit ngayon kinu-kumusta niya ako. Those simple acts made me like him more.
Habang nagsusulat ako ay may kumatok sa pinto. Tumayo ako agad, I already anticipated kung sino 'yon. Pinagbuksan ko siya ng pinto at tumambad sa 'kin ang nakakasilaw niyang ngiti. Is he happy to see me? Hindi muna ako mag-e-expect baka ako rin masaktan sa huli.
"Hey." He said while wearing his beamy smile. "I bought you some food."
Sabi ko hindi muna ako mag-e-expect pero paano ko naman pala gagawin 'yon, e sobrang bait niya sa 'kin? Minsan gusto ko na ring sakalin ang sarili ko, alam kong sinabi ko sa sarili ko na isa siyang malaking red flag sa 'kin pero agad ko ring kinain ang mga salita ko dahil alam ko sa sarili ko na nagkakagusto na 'ko sa kaniya. Colorblind ba 'ko?
"Tara! Nagugutom na rin ako."
Kahit busog pa ako sa kinain namin nina Daisy at Lia, nilantakan ko pa rin ang binili niyang pagkain para sa 'kin.
"Kumusta ka? Anong nararamdaman mo?" Iba talaga sa feeling kapag may kumu-kumusta sa'yo 'no?
I smiled. "I'm fine, thank you for asking."
"Kumain ka pa nang marami, you'll need some energy later." And then he winked at me.
Energy for what? Ohhh, tama, for reviewing. Finals week din siguro nila ngayon. Balita ko mahirap rin ang course niya.
"Yeah, I think so too. Ikaw din, kumain ka nang marami para may energy ka rin."
BINABASA MO ANG
Sexsomnia (PARASOMNIA SERIES #1)
General FictionPARASOMNIA SERIES #1 Ang gusto lang ni Dave sa buhay ay makapagtapos siya ng kaniyang pag-aaral sa kaniyang napiling kurso sa kolehiyo at mapagawa ang itinayong motel ng kaniyang yumaong ama. Ngunit hindi niya alam na mayroon pala siyang isang sakit...