DAVE
INAAYOS ko ang mga gamit na dadalhin ko sa klase ko nang biglang may kumatok. Nang buksan ko ang pinto ay tumambad ang mala-Greek god na nilalang.
"Sakto ang dating mo." I smiled. "There's your room." Turo ko. Mabuti nalang agad may pumalit kay JC, na-chat ko na rin si tita na may pumalit agad sa dati kong roommate.
"Anong oras tapos ng klase mo?" Tanong niya.
"Mga 6, bakit?"
"Magluluto ako ng hapunan as a thank you gift." He smiled.
"Sure. By the way, yung susi nasa ibabaw ng kama mo. Sige, alis na ko."
Sinimulan ko nang maglakad papuntang university. Malapit lang naman, wala pang fifteen minutes ay nasa loob na ako ng university. Habang naglalakad ako ay may yumakap sa likuran ko, amoy palang alam ko kung sino na.
"I missed you." Bulong niya sa'kin
Humarap ako sa kanya. "I missed you too. Pero nasa loob tayo ng campus."
"Ano naman? Nahihiya ka ba sa'kin?" He pouted.
"Sira!" I punched him softly. "Ayoko lang bigyan tayo ng PDA offense. Tska male-late ka na sa klase mo."
"Okay, see you later sa apartment mo." Paalis na dapat siya pero hinila ko ang pulsuhan niya.
"Wait, marami akong gagawin mamaya."
"Oh... okay, bukas nalang." Nagbago ang tono ng pananalita niya.
Ayoko na naman kasing magkaroon ng gulo. One time kasi nakita lang niyang sabay kaming kumakain ni JC, yung dati kong kasama sa apartment, selos na selos na agad siya. Ayoko lang na maulit ulit yung nangyari.
"See you." Paalam ko.
Mabilis natapos ang klase ko at as usual, maraming plates na naman ang kailangan gawin. Ugh, bakit ba ko nag-archi? Shift na kaya ako? Charot!
"Mamsh!" tawag sa'kin ni Daisy. "Tara lunch tayo!"
"Tara, nagcr-crave ako ng burger."
Hinila ko si Daisy papuntang sa isang burger shop malapit sa university.
Nang makaupo kami sa table ay agad niyang nilabas ang credit card niya. "My treat, hehe."
"RK talaga, ampunin niyo na nga ako." Biro ko.
Mayaman talaga si Daisy, iba talaga kapag anak ka ng CEO, sana all! Di naman kami mayaman pero atleast masaya kaming dalawa ni mama. Pero legit, ang sarap ng mayroong rich kid na friend.
BINABASA MO ANG
Sexsomnia (PARASOMNIA SERIES #1)
Narrativa generalePARASOMNIA SERIES #1 Ang gusto lang ni Dave sa buhay ay makapagtapos siya ng kaniyang pag-aaral sa kaniyang napiling kurso sa kolehiyo at mapagawa ang itinayong motel ng kaniyang yumaong ama. Ngunit hindi niya alam na mayroon pala siyang isang sakit...