DAVE
PINEKTUSAN ko nang malakas si Ken dahil ang rason pala kung bakit siya galit ay nakita niya si Nate na may binubulong sa 'kin, tapos nakita niya akong ngumiti.
"Fuck! Babe, ang sakit!" Saad nito habang hinihimas yung part na pinektusan ko.
"Deserve mo 'yan! Akala ko naman kung ano na ang ginawa kong masama para hindi mo ko pansinin!" Inis na saad ko. "Napaka-petty ng reason mo."
"But I can't help it, 'Di ko talaga gusto na umaaligid 'yung lalaking 'yon sa tabi mo!" Hindi ko alam kung kikiligin ba 'ko dahil nagseselos siya o maiinis dahil sobrang petty ng reason niya.
"His name is Nate, and he's my friend," Madiin kong sabi, "Wala ka talagang tiwala sa 'kin, 'no? Do you think ipagpapalit ki—" Napigil bigla yung sasabihin ko dahil bigla niya akong hinalikan. Hindi ko namalayan na nakabalot na pala ang dalawang braso ko sa leeg niya, at ang dalawang braso niya sa bewang ko.
The kiss was deep and passionate. Nagtagal 'yon ng ilang segundo at pagkatapos ay pinutol namin ang halik para humigop ng hangin.
Sobrang lapit ng mukha namin sa isa't-isa, nagtititigan ang mga mata namin, at amoy na amoy ko ang hininga ni Ken na amoy mint.
"I do trust you, and I'm sorry," Puno ng sinseridad ang mga salita niya. "Okay from now on, I'll be more rational."
"A-ako rin, I'll try to think before I act para hindi ka na magselos nang malala," Ngumiti ako at muli siyang hinalikan. "Tara sa dagat?"
He smiled and nodded. Nauna akong lumabas ng kwarto namin para hindi nila mahalata na magkasama kami sa isang kwarto ni Ken. Gusto low-key lang ang relasyon namin ni Ken, bukod sa maraming mandidiri sa 'min dahil hindi pa masyadong open-minded ang mga Pilipino, lalo na ang mga straight, sa mga ganitong uri ng relasyon, ayoko rin na masira ang reputasyon niya dahil totoong maraming mga Marites sa university.
"Sis, bakit parang layo naman ng kwarto mo?" Tanong ng isa kong ka-team.
"Ahhh... oo sa 'kin napunta yung malayong room," Sagot ko, "Ano nilalaro niyo? Sali ako!" Pag-iiba ko ng usapan.
"Beach volleyball, may dalang bola si coach!" Sagot ng captain namin, "Tska titignan niya rin kung pwede tayong sumali sa beach volleyball competitions."
Naging competitive ang laro namin dahil pipili si coach na mga pwedeng isali kapag nagkaroon ng beach volleyball. Syempre, 'di rin ako nagpahuli, magandang opportunity kaya makasali sa mga competitions lalo na do'n sa mga pili lang ang pwede isali.
TANGHALI na nang matapos ang laro namin, pawis na pawis kaming lahat. Pawis pero masaya. Ngayon lang ako nakapag beach volleyball. Ibang-iba siya sa indoor volleyball kaya bago pa sa katawan ko 'tong beach volleyball.
"Awat muna kayo d'yan, masyado niyo namang sinaseryoso," Natawa si coach dahil halos pawis na pawis kaming lahat, "Hindi 'to training, bakasyon 'to. Tara magtanghalian na tayo!"
BINABASA MO ANG
Sexsomnia (PARASOMNIA SERIES #1)
General FictionPARASOMNIA SERIES #1 Ang gusto lang ni Dave sa buhay ay makapagtapos siya ng kaniyang pag-aaral sa kaniyang napiling kurso sa kolehiyo at mapagawa ang itinayong motel ng kaniyang yumaong ama. Ngunit hindi niya alam na mayroon pala siyang isang sakit...