Chapter 22

743 35 35
                                    

DAVE


KANINA pa paikot-ikot ang pwet ko dito sa kama. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba kay Ken ang nakita ko kanina sa kinainan namin. Hindi ko na nga nabati si James dahil kasama niya si Kia. Hindi ko rin naman makausap si Ken dahil bad mood 'to, kinatok ko siya kanina sa kwarto niya at sabi wala raw siya sa mood.


Kung anu-ano na ang mga ideyang pumapasok sa isip ko. Ang sabi ni Ken may emergency si Kia, nagsinuwaling kaya 'to sa kaniya tapos nakipagkita siya kay James? Kapag talaga nalaman ko na tinu-two-time nitong Kia-ng 'to mga kaibigan ko, ako mismo ang hihila ng buhok niya pababa sa lupa. Hindi porke't maganda siya at halos walang imperpeksyon sa katawan, e kaya na niyang angkinin ang lahat ng lalaki sa mundo! Magtira naman siya para sa 'kin, chos.


Tumayo ako sa kama ko at palabas ng kwarto, nang buksan ko ang pinto ay tumambad sa 'kin si Ken na akmang kakatok. Nakabihis 'to pang-alis, saan kaya 'to pupunta?


"Magbihis ka," bungad nito sa 'kin.


"Ha?" Nagsalubong ang dalawang kilay ko.


"I said magbihis ka," utos nito. Akala ko ba wala siya sa mood?


"O-okay? Anong damit?"


"Wear a sweater or jacket, I'll wait for you in the living room." Isinara nito ang pinto matapos niya akong utusan magbihis.


Para akong bat ana sinunod ang utos niya. Nagsuot ako ng sweater na may design na sunflower, denim shorts at white shoes. Lumabas ako ng kwarto ko at nakita ko siya na may kinakalikot sa phone niya.


Nang makita niya ako ay agad siyang tumayo at lumapit sa 'kin. Hinawakan niya ang kamay ko at lumabas kami ng apartment. Napansin kong may hawak siyang susi, pinindot niya 'yon at umilaw ang isang nakaparadang SUV.


"Wait, you have a car?" He nodded, "Woah, sana all."


He just snickered. Pinagbuksan niya ako ng pinto at sumakay ako sa shotgun seat. Nang makasakay siya ay agad niya 'yong ini-start at sinimulang paandarin. Ilang minutong katahimikan ay napagdesisyunan ko nang magsalita


"Saan tayo pupunta?"


"Dinner," simpleng sagot niya.


Nawi-wirduhan na ako sa kaniya, kanina pa siya tahimik tapos bigla niya akong hinila dito sa sasakyan niya nang di ko man lang alam kung saan kami pupunta.


"Uhm, be specific?"


"Just wait and see." He smirked.


Mga kalahating oras naming binaybay ang daan, nakita ko sa mga street signages na nasa Tagaytay kami ngayon. Anong naisipan niya't nagpunta kami rito?


Sabay kaming lumabas ng sasakyan at dumampi sa mga binti ko ang lamig ng simoy ng hangin. Nasa tapat kami ng isang overlooking restaurant. Pumasok kami sa loob ng kainan, para akong bata na hawak ng nanay ko para hindi ako makawala sa paningin niya. Pero deep inside kinikilig ako nang malala!

Sexsomnia (PARASOMNIA SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon