Chapter 01: What A Day

2 0 0
                                    

Chapter 1: What A Day

"Napagabi tayo ngayon ah," sabi ni Kuya Adrian, isa sa mga guard dito sa school.

"Oo nga po eh. May tinapos lang po kasi kaming requirement."

"Mabuti 'yan. Mag-aral kayo nang mabuti para magkaroon kayo ng mas magandang kinabukasan. Huwag niyo akong gayahin na bulakbol noon at 'di nakapagtapos ng pag-aaral. Kaya eto, guard lang ako ngayon."

"Kuya, marangal po na trabaho ang pagiging guard kaya huwag niyo pong nilalang," saad ko. Minsan talaga nakakalungkot na may mga taong minamiliit nila ang sarili nila dahil lang sa tingin nila napakababa ng trabaho nila. "Atsaka kailangan ko po talaga mag-aral nang mabuti ngayon kasi mahirap na baka mag-season two ako." Napatawa na lang siya sa sinabi ko. "Sige po mauna na ako." Nginitian ko siya bago ako naglakad paalis.

Ang totoo talaga niyan, kanina pa dapat ako nakaalis. After namin mag-shoot sa mini forest para sa isang video presentation namin, nagpaiwan muna ako kasi sabi ko sa mga kasama ko hihintayin ko 'yung pinsan ko dun pero siyempre charot lang talaga 'yun, si Charles talaga ang hihintayin ko. Pero unfortunately, after kong maghintay dun ng higit na isang oras ay hindi siya dumating. Medyo masakit pero keri lang.

Nag-abang na ako kaagad ng jeep na masasakyan pagkalabas ko. Umabot rin ng ilang minuto bago ako tuluyang nakasakay. Halos punuan kasi ang mga jeep na dumadaan.

"Pakisuyo nga po," sabi ko dun sa nasa harapan ko. Kinuha rin naman ng nasa harapan ko 'yung bayad ko pero kahit na naiabot ko na ang bayad ko ay hindi ko pa rin ito kaagad naibaba dahil medyo nawindang ako kung sino ang umabot ng bayad ko. Si Charles. "S-salamat," nahihiyang sabi ko sabay yuko. Grabe naman. Bakit naman ngayong wala na 'yung confidence kong kausapin siya tsaka pa siya nagpakita.

"Sa kanto lang po," rinig kong sabi ni Charles. Agad naman hininto ni manong drayber 'yung jeep. Napasunod pa ako ng tingin sa pagbaba niya.

Pagkababa niya ay agad na ring pinaandar ni manong drayber 'yung jeep. Nang napatingin ako sa labas ay napansin kong parang pamilyar 'yung lugar.

"Shit! Manong para po!" taranta kong sabi. Dahil sa biglaang pagpreno ay para kaming naging mga sardinas sa siksikan.

"Ano ba 'yan!"

"Manong, dahan-dahan naman sa pagpreno!"

"Nakakaimbyerna!"

"Sorry po," rinig ko namang paghingi ng paumanhin ni manong.

"Ikaw naman kasi ate, kung dito ka rin lang pala bababa dapat sumabay ka na kanina dun sa kuya," sabi nung katabi ko. Nag-sorry na lang ako atsaka dali-daling bumaba. Ano ba 'yan! Isa na namang kahihiyan ang nagawa ko tonight. Hay nako!

Pagkapasok ko sa kanto namin ay tsaka ko nagtaka kung bakit dito bumaba si Charles? Eh ang pagkakaalam ko sa kabilang barangay pa siya nakatira. Baka may dadalawin lang siguro. Pero gabi na. Hindi ba siya hahanapin sa kanila? Pero baka nagpaalam naman siya siguro.

"Hayst! Ano ba 'yan. Ako ang malilintikan sa nanay ko nito." Binilisan ko na ang paglakad ko dahil baka nauna nang dumating sa bahay si mama. Mahirap na baka magratatat na naman 'yun.

Napatigil ako sa paglalakad nung nakita kong nakatayo si Charles dun sa light post na malapit sa bahay namin. Medyo lumapit ako nang kaunti para malaman kung ano ang ginagawa niya dun. Napakunot-noo ako kasi nakatingin lang siya sa isang bahay malapit sa amin. Hindi niya ako kita kasi medyo nakagillid siya. Lalapitan ko sana siya pero nung nagsimula na siyang maglakad papunta sa direksiyon ko ay agad akong nagtago sa may maliit na puno malapit sa akin. Bigla akong kinabahan sa 'di ko malaman na dahilan. Medyo madilim naman dito sa pwesto ko kaya kahit papaano ay kampante ako na hindi niya ako nakita.

Love 101Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon