Chapter 04: Surprised

3 0 0
                                    

Andito kami ngayon sa canteen ni Diane. Katatapos lang ng pictorial namin for the yearbook at suspended na rin ang morning class namin. Ewan ko ba kung ba't sobrang aga. First week of February pa  lang naman.

"Nakita mo ba si James kanina? Ang gwapo niya talaga 'no tapos ang talino niya pa. Hindi na ako makapaghintay na siya ang una kong makikita pagkagising ko sa umaga," sabi niya sabay ngiti nang malapad.

"Daydream pa."

"Ah basta! Kung hindi rin lang siya ang mapapangasawa ko mas mabuting mamatay na lang akong single," sabi niya sabay sipsip sa milktea niya.

"Tsk!" Inirapan ko nga siya.

"Kaya siguro wala pa rin siyang jowa hanggang ngayon kasi hinihintay niya akong ligawan ko siya. Hihi!"

Hindi ko na lang siya pinansin at hinayaan na lang sa pagd-daydream niya. Ginawa ko na lang busy 'yung sarili ko sa pag-browse sa FB ko.

Habang nagb-browse ay nagpakita sa feed ko 'yung video namin ni Charles na kumakanta noong program three days ago. Pinost 'yun ng page ng school namin at marami na rin ang reactions, comments at share. Napangiti naman ako do'n.

"Aray!" reklamo ko nung sinipa niya ako sa paa. "Bakit ka naninipa diyan?" asar kong sabi. Pinahaba-haba niya 'yung nguso niya na parang may tinuturo sa likod ko. Kinunutan ko nga siya ng noo atsaka tinignan 'yung nginuguso niya.

"Ay potcha," mahinang sabi ko.

"Frenny, ba't feel ko dito papunta si Charles sa table natin."

Sinenyasan ko siya na umalis na kami pero dahil mabuti siyang ay kaibigan ay hindi niya ako pinansin.

"Pwede ka ba makausap?"

Halos manlamig ako no'ng marinig ko ang boses niya.

"Ano nga ulit 'yung pinapagawa sa atin ni Ma'am La Corda?" tanong ko kay Diane, evading 'yung tanong ni Charles.

"Wala naman na. Di ba nasubmit na natin sa kaniya kahapon 'yung reaction paper?"

Pinanlakihan ko siya ng mata. Ba't ba hindi na lang 'to makisama.

"Meron pang isa, eh. Natatandaan mo ba?" sabi ko at binigyan ko siya ng makisama-ka-na-lang look.

"Luh! Next week pa kaya ipapasa 'yun."

Napapikit na lang ako. Parang gusto ko biglang manakal, eh.

"Sige alis na ako. May gagawin pa pala ako," agad na siyang tumayo. "Ikaw na bahala dito kay Yhaney, ha," sabi niya kay Charles atsaka mabilis na umalis na.

Ang senyas ko dalawa kaming aalis. Bakit niya ako iniwan dito?

"So, pwede ka bang makausap?" pag-uulit niya.

Kinalma ko muna sarili ko. "Ano bang pag-uusapan natin?" This time ay tinignan ko na siya. Halos kumawala naman sa dibdib ko 'yung puso ko pagkakita ko sa kaniya. Given na 'yung kagwapuhan niya pero ngayong nakaayos siya ay mas lalong lumakas ang dating niya.

"Salamat!"

Napakunot-noo ako.

"Para sa – Ah! 'Yung sa necklace ba? Wala 'yun." Nginitian ko siya. "'Yun lang ba sasabihin mo? May gagawin pa kasi ako, e." Hinintay ko siyang sumagot pero wala naman akong nakuhang sagot. "Sige, alis na ako."

Hindi pa ako nakakalayo no'ng narinig ko siyang nagsalita.

"I'm sorry din."

Nilingon ko siya. Tinuro ko 'yung sarili ko para makasigurado kung para sa akin ba 'yung sorry niya.

Love 101Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon