Chapter 02: Partner

3 0 0
                                    

Ilang araw na ang lumipas simula nung mangyari 'yun pero 'yung sakit gano'n pa rin hanggang ngayon. Hindi naman 'yung tipong para ka nang mamamatay pero 'yung tipo na ang hirap ngumiti at tumawa na hindi pilit.

"Hoy frenny, pansin ko ang tamlay mo lately. May pinagdadaanan ka ba? Gusto mo bang pag-usapan natin?"

"Ayos lang ako."

"Neknek mo." Tinignan ako ni Diane na parang nag-aalala. "Alam mo ikaw, junior high pa lang magkaklase na tayo kaya alam ko kung may pinagdadaanan ka o wala. So ano nga? O kung gusto mo tarang Guidance Office."

Nginitian ko siya. "Okay lang talaga ako. Nag-o-overthink ka lang," sabi ko. "Bilisan mo na nga maglakad. Baka napansin na tayong wala tayo dun."

Binilisan namin ang paglakad. Actually, may klase kami ngayon pero dahil boring na boring kami sa teacher namin, lumabas kami ni Diane para bumili sa canteen. Wala naman kasing pakialam 'yung teacher naming 'yun. Basta nagtuturo lang siya sa harap. Wala siyang pakialam kung may makikinig o wala.

Nag ala ninja kaming pumasok sa classroom. Kinuntsaba pa namin 'yung mga nakaupo malapit sa back door para pagbuksan kami.

"Asan na 'yung tubig ko?" bulong ni John.

Agad ko namang iniabot sa kaniya 'yung tubig na pinabili niya. Discreet din ang pagbigay ko sa mga iba pang pinabili ng mga kaklase ko. Pagkatapos kong mabigay lahat ay balik sa normal na naman kami na parang walang nangyari.

"That's all for today. Prepare for a quiz next meeting. Goodbye."

Pagkalabas pa lang ni Ma'am Shae ay agad nang pumunta sa harap 'yung dalawang kolokoy kong kaklase.

"So as you can see, noh, when solving for the, ano, this one," sabay turo sa variable na nakasulat sa board," make sure that, ano, it is..." at ginaya-gaya na nga naman nila si ma'am. Tawanan lang kami dahil sa galing nila sa panggagaya. Wala silang pinapalampas na kahit pa 'yung School Director namin ginagaya-gaya rin nila.

"Yhaney!"

"Kailangan talaga sumigaw?" sabi ko. Makasigaw din 'to si Diane akala mo sobrang layo ng agwat namin eh nasa harap ko lang naman siya.

"Nag-chat..." tinanggal niya 'yung earphones niya atsaka niya ako nilingon.

"Sinong nag-chat?" tanong ko pero hindi siya agad sumagot. Biglang lumawak ang ngiti eh habang nakatingin sa screen ng phone niya. "Hoy! Sino ba?"

Ngiting-ngiti siya habang nagta-type sa phone niya.

"Hoy, Diane! 'Yung pisngi mo punit na."

"Ha?" Tsaka niya ako binalingan ng tingin.

"Hallelujah," sarkastiko kong sabi. Sinamaan niya nga ako ng tingin. "Sino ba 'yang ka-chat mo at sobrang lawak ng ngiti mo?"

"Si James," sabi niya na sabay ngiti nang malawak. Kaya naman pala. Crush niya 'yun eh simula palang noong junior high.

"Anong sabi?"

"Pasakal na raw kami!" Binatukan ko nga. "Aray ko, ah. Masakit 'yun frenny."

"Seryoso nga."

"Tsk! KJ talaga kahit kailan," reklamo niya. "Tinatanong niya kung pwede ka daw ba kumanta sa program bukas."

"Ako talaga? Eh akala ko ba si Mia na 'yung nakatoka dun."

"Eh bigla raw minalat. Naulanan daw ata kahapon. Ano, game ka ba? Pero no choice ka na kasi um-oo na ako."

"Talaga lang ha."

"Oo kaya tumayo ka na diyan dahil hinihintay ka na niya sa SSG office. Practice na raw kayo ng ka-duet mo."

"Akala ko ba..."

"Wala nang maraming tanong. Bilisan mo na diyan at 'wag moong paghintayin ang bebe ko. Bilis!" Tinulak na niya ako palabas ng room.

"Hoy may klase pa tayo."

"Ako na magde-decide. Wala na tayong klase kaya bilisan mo na."

Wala na akong nagawa dahil tuluyan na niya akong pinagtulakan. Dumiretso na rin ako dahil fifteen minutes na rin lang namang wala si ma'am.

Pagkarating ko doon ay si James lang ang naabutan ko nandun na mukhang busy.

"Andiyan ka na pala. Upo ka muna at parating na rin si Charles."

Nanlaki ang mga mata ko. 'Yung bang Charles na sinasabi niya ay 'yung Charles na nasa isipan ko? Bigla tuloy akong kinabahan.

"Charles? Si Lorenzo ba 'yung tinutukoy mo?"

"Oo. Si Charles Lorenzo nga. Iisa lang naman ang Charles na alam kong nag-aaral dito. Bakit?"

"W-wala." Tumahimik na ako. Bigla tuloy akong nagsisi na tumuloy pa dito. Si Diane talaga kahit kailan pahamak. Tatayo na sana ako para umalis nang sakto namang bumukas ang pinto.

"Sakto," sabi ni James sabay tayo lumapit sa amin.

"So alam niyo naman na siguro kung bakit ko kayo pinatawag. Suppose to be dapat si Mia ang ka-duet ni Charles pero dahil nga sa hindi inaasahang pagkakataon ay hindi na siya pwede kaya ikaw na lang Yhaney."

"Uhm, a-ano bang kanta 'y-yung kakantahin?" tanong ko. Sinusubukan kong isipin na wala si Charles sa paligid ko para hindi ako kahaban pero hirap na hirap ako.

"Can't take my eyes off you," agad naman niyang sagot.

Tumango-tango naman ako. Mukha na akong timang kasi hindi na talaga ako mapakali. Kating-kati na ako lumabas kasi pakiramdam ko sobrang awkward ng paligid.

"So bale may practice kayo mamayang 5 sa gym. Wala naman na kayong klase sa ganung oras, 'di ba?"

Tumango ako. Nakita ko rin sa aking peripheral vision na tumango rin si Charles.

"Okay. May tanong pa ba kayo? Kung wala na pwede na kayong bumalik sa klase niyo."

Pagkasabi pa lang ni James nun ay agad na akong lumabas. Wala na akong pakialam kung anong sabihin nila basta gusto ko na lang makalabas sa room na 'yun. Sobrang awkward!

"Oh, anong sabi?" agad na tanong ni Diane.

Hindi ko siya sinagot.

"Ay, ang gaga hindi man lang sumagot. Hoy Yhaney, kinakausap kita."

Inuntog-untog ko 'yung ulo ko sa mesa ko.

"Bwiset! Bwiset! Bwiset talaga! Aaargh!"

Paano ko siya haharapin mamaya? Aaargh! Gusto ko na lang maging patatas.

Love 101Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon