Chapter 05: Terrible Day

3 0 0
                                    

"Charles?!"

Bakas rin sa kaniyang mukha na nagulat rin siya.

"A-anong ginagawa mo rito?" Grabe 'yung kabog ng dibdib ko.

"May... Wala. Alis na ako." Agad siyang lumiko at naglakad papaalis. Tatawagin ko pa sana siya kaso ang bilis niyang nakalayo.

"Sino 'yun, ate?"

Nagulat naman ako nung biglang may nagsalita sa tabi ko.

"Naligaw lang. Tara na nga sa loob," sabi ko atsaka tinulak-tulak papasok sa loob pero hindi naman 'yung malakas na pagtulak.

"Sa kabilang bayan mo ba tinawag 'yang kapatid mo? Ang tagal niyo naman bumalik. O baka naman-"

"Tumawag po pala si lola kanina," pagputol ko sa sinasabi ni mama.

"Anong sabi?"

"Wala naman; nangamusta lang. Tapos tinanong rin kung saan ko balak mag-college. E sabi ko hindi ko pa alam at nagsimula rin siyang magratatat. Mama mo talaga siya 'no ma?"

Tinaasan niya lang ako ng kilay. "Yhaney!"

"Kain na po tayo at baka lumamig ang pagkain," sabi ko atsaka nagsimula nang kumain. Totoo naman, eh. Grabeng combo kapag si mama at lola ang nagsama.

---

"Yhaney, mag-usap nga tayo."

Nangunot-noo naman ako. Ang weird lang kasi na seryoso 'yung tono ni mama. Kinakabahan tuloy ako. Pakiramdam ko may nagawa akong mali at papalayasin na niya ako.

"Para saan po?"

"Sino 'yung kausap mong lalaki kanina sa harap?" seryosong tanong ni mama. "Manliligaw mo ba 'yun?"

Potek! Nakita niya ba 'yun kanina?!

"Hindi po ah," deny ko.

"Eh sino 'yun?"

"Schoolmate ko po."

"Ah schoolmate... Bakit siya nagawi rito? Di mo man lang pinapasok dito sa bahay. Napakainit sa labas."

Ano ba 'tong mama ko. Napakarami namang tanong.

"H-hindi ko po rin alam."

"Anong 'di mo rin alam?"

"Hindi ko... Ma, andami mong tanong," medyo asar kong tanong.

"Pananalita mo Yhaney ah," tinignan niya ako na para niya akong lalamunin ng buhay. "Ano bang magsama kung magtanong ako nang magtanong sa'yo. Malay ko ba kung nakikipagharutan ka na na di mo man lang sinasabi sa akin. Tapos mamaya biglang nagdadalang-tao ka na pala na 'wag pa naman sana pero anong malay natin. Iba na ang pag-iisip niyong mga kabataan ngayon. 'Yung ngang si Kikay, 'yung anak ni Mareng Cely, ayun buntis na e hindi pa nga nakakapagtapos ng highschool. Kamalas-malasan pa dahil ayaw panagutan nung nobyo niya.

"Kaya ikaw Yhaney ha, iiwas-iwasan mo muna ang pakikipa-boyfriend. Pero kung talagang hindi mo mapigilan eh at least naman sana gumamit kayo ng protection. Mahirap mag-alaga ng sanggol. Hindi lang-"

"Ma!" napatigil siya sa sinasabi niya. "Ang exagge na. Schoolmate ko nga lang 'yun," paglilinaw ko. Minsan talaga hindi ko makayanan 'yung imagination ni mama.

"Sa ngayon. Malay ba naman natin sa future. Napansin ko pa man ding mukhang habulin 'yung isang 'yun. Naku! Diyan ka mag-ingat-ingat sa mga ganyang klase ng lalaki. Sweet sa umpisa pero sa huli biglang manlalamig. Makikipaghiwalay dahil daw nawalan na ng spark. Eh siraulo pa-"

"Gaya ng ginawa ng papa ko sa'yo," pagtutuloy ko. Napatigil siya sa sinasabi ko at napaiwas ng tingin.

"Basta ang gusto ko lang naman sabihin ay-"

Love 101Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon