Chapter 06: Nakakairita

2 0 0
                                    

Tatlong araw na ang nakalipas mula nang mangyari 'yun at tatlong araw na rin na matamlay si Diane. Tahimik lang siya sa klase which is very unusual. Pati nga mga kaklase ko ay nagtataka na rin kung bakit ang tahimik ni Diane these past three days at sinasabi ko na lang na linggo ng buwanang dalaw kaya gano'n.

Andito kami ngayon sa playground sa park habang kumakain ng pinamili naming ice cream. Well, ako lang talaga 'yung kumakain dahil hindi naman niya ginagalaw 'yung pagkain niya; tinititigan lang niya.

"Literal na natutunaw na 'yang tinititigan mo, gurl," sabi ko. "Akin na nga. Aksaya ka sa pera."

Binagalan ko 'yung pag-swing ko atsaka kinuha ko 'yung ice cream at hindi naman siya umangal.

"Frenny," saad niya pero tunog nagta-tantrums.

Tinaasan ko siya ng dalawang kilay para ipakita na interested ako sa sasabihin niya. Hindi kasi ako makapagsalita dahil sa kinakain ko pa 'ung cone nung ice cream ko.

"Ang sakit-sakit pa rin." At parang may nagbabadyang na namang luha na tumulo sa mga mata niya.

"Well, normal naman na ganiyan maramdaman mo. Nasaktan ka, eh."

"Bakit kasi hindi na lang ako? Bakit sa iba pa? Bakit kay Daniela pa?" sunud-sunod niyang tanong.

"Eh baka may ibang nakalaan para sa'yo." Tinigil ko 'yung pag-swing ko atsaka siya tinignan. "Alam mo kasi, mas lalo ka lang masasaktan kapag lagi mong iniisip 'yung nangyari. Subukan mo kayang i-distract ang sarili mo para naman mabawasan 'yung sakit. Hindi 'yung dinidibdib mo."

Tumahimik siya ng ilang sandal atsaka niya ako tinignan rin. "Eh ano bang ginawa mong distraction para makalimutan mo 'yung ginawa sa'yo ni Charles?"

Na-caught off guard ako sa sinabi niya. Buti na lang at naubos ko na 'yung kinakain ko nung tinanong niya kundi baka nabulunan pa ako.

Ikaw ba naman magkaroon ng rataterang mama tignan na lang natin kung hindi mabaling 'yung lungkot mo sa inis. 'Yan sana ang gusto kong isagot kaso hindi ko na lang tinuloy.

"Sa totoo lang, hindi pa rin ako move on dun. Andoon pa rin 'yung sakit pero hindi na ganun kalala. Tolerable naman na," sagot ko.

"Nasaan 'yung sagot sa tanong ko dun?" medyo sarkastiko niyang sabi.

Sinamaan ko nga siya ng tingin.

"Inis ka na niyan?"

Hayp na 'to! Akala ko ba brokenhearted ang peg niya? Ba't wagas naman kung mambara.

"Sapak you want?" Ipinakita ko sa kaniya 'yung kamao ko.

Inirapan niya lang ako. "Ano nga?"

Tumingin ako sa kalangitan. "Sinusubukan ko lang gawing busy palagi ang sarili ko. Minsan effective, minsan hindi. Pero dumidepende rin kasi 'yan sa tao e at sa lalim ng sakit."

Hindi siya sumagot. Maya't maya ay tumayo na siya. "Simula ngayong araw na 'to, a new Diane is born. Hinding-hindi na ulit ako magiging super duper in love sa isang lalaki kapag walang assurance. Say yes to relationship with label!"

Napangiti na lamang ako dahil kahit papaano nararamdaman ko na 'yung Diane na kilala ko.

Napatingin kami sa kotse na tumigil sa medyo di kalayuan sa amin.

"Mukhang andiyan na 'yung sundo mo," sabi ko.

"Sige, babye na. Sawa na rin akong makita pagmumukha mo sa maghapon, eh," sabi niya na may halong biro.

"Tse! Kapal nito. Huwag kang iiyak-iiyak sa akin next time ha," kunwaring pagbabanta ko.

Napatawa siya sinabi ko atsaka tuluyan nang umalis. Pagkaalis nung kotse ay agad na rin akong tumayo at naglakad opposite sa kung saan direksyon papunta sila Diane. Habang naglalakad ay naramdaman kong may pumatak sa kamay ko. Tumingala ako at may pumatak naman ngayon sa noo ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 26, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love 101Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon