First day High.

281 2 0
                                    

Kath's POV

Haayy June 15 na. Monday. Pff, that means First day of school. Badtrip ako, aga-aga tumunog ng alarm clock, 5:35 yata eh ang school ko is 8 o'clock pa mag-start. Sino bang leche nag-set ng alarm ko? Pag-kakaalam ko hindi ako nag-set ng kahit na anong alarm kagabi. Oh well nevermind, lamunin na sana siya ng lupa kung sino man ang nag-set ng alarm ko. Pagulong gulong ako dito sa bed ko. Di na ako makatulog eh. Na wala na si antok naglakad na pauwi sa kanila, tapos na ang dalaw. [Author : Nye-nye tumayo ka na] Teka lang naman author eto na nga tatayo na eh. Kaya ito tumayo na ako, deretso sa banyo, naligo, nagsuklay, nagbihis, nagmake-up at kung ano ano pa. Makababa na nga at makapagbreakfast na.

Pagbaba ko, nandun na si kuya Neil sa sala, nanonood ng TV. Sitting like a boss lang, nakataas pa ang paa sa lamesita, eh pag-ako nagtataas ng paa tapos may suot pang sapatos galit na kaagad siya. 

"Goodmorning baboy!" pang-asar na sabi ni kuya Neil. Nilagpasan ko siya at nagpunta na ako ng kusina. 

"Goodmorning mom! Sino kausap ni kuya dun kanina?" bati at tanong ko sa mommy ko, habang binubuksan ang ref namin para kumuha ng fresh milk.

"Ikaw" sagot ni kuya. 

"Nahiya naman ako sa'yo ang payat mo sobra." sarkastiko kong sagot.

"Tinatawag mo na akong mataba ngayon?" tanong niyang nakataas ang kilay.

"Wala naman akong sinabing ganon" sagot ko naman habang kumakain ng sinangag with eggs and bacon.

"Masyado kang affected jan Neil, umupo ka na nga at kumain ka na din." natatawang sagot ni mommy, totoo naman eh,  masyado siyang affected.

"Sige mom, gatungan mo pa." sarkastikong sagot niya kay mommy, haha pikon. Naupo na siya at kumain na kami.

"Nga pala Neil at Kath, magpaka-ayos kayo sa school ah. Neil narinig ko sa tita Karla niyo na dun na din daw mag-aaral ang pinsan ni JC, so anak ng kapartner ng business at ng lahat natin." sabi ni mommy habang nakain.

"Onaman mom, magpapaka-ayos talaga ako." sagot ko.

"Weh di nga Kath? Talaga lang ha? De joke lang" sinamaan ko ng tingin si kuya.

"Oh yea mom, about the son of tita Karla, wag kayong mag-alala kami ng bahala dun." sagot ni kuya.

"Wow lang huh? Parang may kakayahan ka para maging okay yung anak ni tita Karla." sagot ko kay kuya.

"Ewan ko sayo, bilisan mo na kumain, iwanan kita jan eh." sabi ni kuya Neil habang nilalagay ang plato sa dishwasher.

"Mom! Narinig mo yun? Kelan ba kasi ako mag-kakaroon ng sarili kong kotse?" pag-iinarte ko, wahaha

"Baby, hanggang pangarap ka na lang." asar ni kuya Neil.

"Ako na dyan Kath, pumunta na kayo sa school, and be friendly dun sa anak ng tita Karla niyo ah." sabi ni Mommy.

"Eh mom, bakit kasi di pa namin yun nakikita?" tanong ni kuya Neil. Oo nga, di pa namin sya nakikita, kilala naman namin si tita Karla and tito Rommel. Tapos yung ibang family nila. Pero sabagay kasi pag-lagi kaming nag-didinner kila tita Karla laging wala pa siya or nasa trip siya.

"Eh kasi busy yun palagi." sabi ni Mommy. "Pero don't worry mabait naman yun at pwedeng pwede sa barkada niyo dahil gwapo din yun." pahabol ni mommy. 

Malditang Princesa at Campus Heartthrob (KATHNIEL) ONHOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon