~ Disguise 101 ~"Manong driver? Sure kang ito 'yong lugar?" Tanong ko sa driver nitong taxi nang iparada niya ang sasakyan sa tapat ng napakalaki at napakatirik na pulang gate.
"Ito na nga iyon ma'am, 32 street sa Redville east."
Sabagay ito lang naman ang nag-iisang bahay na makikita sa street na 'to. Hindi lang siguro ako makapaniwala dahil halos inuukupa na ng bahay itong buong lugar. To tell you that house is more like a palace with modern architectural design.
"Manong ito po ba ang bahay ni Senator Mandangoa?"
"Oo ma'am. Kaanu-ano mo ba si Senator?"
"Um.. Kakilala ko lang po ang anak niya."
"Ah, magkaklase kayo?"
"Kilala niyo po siya?" I feel something fishy.
"Ay oo naman. Tagarito ako kaya nasubaybayan ko ang paglaki ng batang 'yon. Mabait 'yon!"
Nakangiting komento niya tungkol kay Regine. Or are we talking about same person? Malay ko bang hindi pala si Regine ang tinutukoy niya.
"Opo, mabait nga po! Ito na po ang bayad ko. Salamat," at lumabas na ako ng taxi. Baka kung saan pa mapunta ang usapan namin.
"Mayaman!" Aside kasi sa size ng bahay, napapalibutan ng CCTV ang gate!
I was about to ring the doorbell nang may biglang humablot sa akin mula sa aking likuran at tinakpan ang aking bibig nang akma akong sisigaw para humingi ng tulong.
Nagsisimula na akong magpanik dahil sa sobrang lakas niya ay nagagawa na niya akong hilahin palayo sa bahay ni senator. Mas lalo akong kinabahan sa part na hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin.
His hold may be tight but knowledge is more powerful than physical strength! Doctors cure people. Pero hindi dyan nagtatapos ang lahat. We also know what part of the body is vulnerable, medically speaking kaya rin namin ipahamak ang aming pasyente.
Buong lakas ko siyang inapakan sa kanyang kaliwang paa! He loosen up his grip kaya nagkaroon ako ng pagkakataong sikuhin siya sa kanyang tagiliran. Nang tuluyan niya akong mabitawan, I turn around to face him. Tatampalin ko na sana ang leeg niya kung saan naroroon ang carotid artery so I can knock him out nang magsalita siya. His voice seems familiar.
"Ako 'to, si Detective DeMata," paika-ika niyang pagpapakilala.
"What are you doing here?" Sabay naming tanong sa isa't isa.
"We can't be here. Let's go somewhere far!"
He said and pushed me away. Akala ko kung saan nya ako dadalhin teh. Sa tapat lang pala nya ako kakaladkarin, doon sa convenient store.
BINABASA MO ANG
El Kadeti
ФанфикDr. Aji Lyn Laparan is haunted by the mysterious death of her sister, Janna. In her relentless pursuit of the truth, Aji goes undercover as college student transferee Jia Syjuco at Redville Institute of Science and Technology, where Janna once studi...