Introduction 10

36 5 0
                                    


~ Salmonella ~


"Masyadong maikli! Miss, bigyan mo sya ng pormal, yong may sleeve at lampas-tuhod." Tugon ni Jay sa sales lady nitong boutique.


I'm having a teenage make over right now para naman kapani-kapaniwala ang aking itsura. Plus, kailangan kong tumuloy sa dorm kaya dapat lang na convincing ang mga gamit ko lalong lalo na ang mga susuotin ko.


"Yes, sir. Meron po kaming latest nyan."


Saglit syang umalis at pagbalik niya ay may bitbit na syang tatlong damit na magkakaiba ang kulay at design.


"Ito po ang uso ngayon sir para sa mga kabataan na nag-eedad 18 hanggang 20." Pagpapaliwanag ng saleslady. 


"Sige. Kunin ko lahat ng ganyang style"

"Yes sir." Then she retreated.

"Gusto mo magmukha akong muslim?"

"What's the problem with that? They all look gorgeous and sexy!"  

"Oo nga naman... Anyway, d'you have any info?"

"About El Kadeti? Yep, ako pa!" Then he handed me a paper.

Akala ko about El Kadeti ang nakasulat doon pero nang tingnan ko, ito pala'y pinunit na page sa isang magazine.

"Ano to?"

"Hindi 'ano' kundi 'sino'... " Tinuro niya ang isang sexy at magandang babae na nasa picture.

"Her name is Sabrina. Model. Actress. Singer. And she's a well known member of El Kadeti."

"Really?"

"Yep, napag-alaman kong legal ito at isang prestigious sorority sa Pilipinas. Maraming mga babae ang gustong mapabilang dito because it's helping its members live a luxurious life. Lahat ng kasali ay binibigyan ng opportunity to work, to gain more connections and access in different fields, and to have a solid bond with other members around the globe. In short, they're a group of crazy witches who hunt together."

"Paano naman makakasali dyan?"

"According to some girls I've asked, a student must have a qualifying GPA and an outstanding skills. Kailangan mo raw mapatunayan na karapatdapat ka sa title."

"Common."

****************

"Jay, sabi mo noon may feelings ka sakin." Pag-oopen up ko sa kanya nang makaupo kami.

Pagkatapos namin mamili, agad kaming pumunta rito sa ihaw-ihawan para kumain ng barbeque at uminom ng san mig beer. 

"Yes, why?"

Binuksan niya ang dalawang san mig gamit lang ang mga kamay.

"Do you still have?"

Instead inumin yong alak, tinitigan niya ako nang napaka-seryoso.

"Honestly?"

"Yes, honestly! Curious lang naman ako. Jin's my immediate family kaya I understand why he's gettin' mushy and pushy all the time. Pero ikaw, I don't know why you're here with me. Sinasabayan mo lahat ng kalokohan ko, you've even supported me on this impossible mission. Why?"

"Well, to clarify that, my dear, Jia. It seems like you're my one and only cheese," sabay laklak ng beer! 

"Ayan na naman tayo sa cheese! Ano bang ibig sabihin nyan?" Ako naman ang lumaklak.

El KadetiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon