~ Meeting the king and queen ~At exactly twelve, I zip down to the cold, dimly lit hallways of my dorm. Kahit walang flashlight, I silently venture to the main building's first floor, where the computer laboratory lies.
Smooth lang naman ang pangyayari. Because the whole campus is secluded, I easily made it up to the first floor.
When I got inside, the corridors and stairwells looked unfamiliar. It has a grave and melancholy ambiance, which makes me shiver. Nasanay kasi ako na namumulaklak ng mga studyante ang buong hallway.
Kinikilabutan tuloy ako. I don't hear anything except the flickers from the wide array of fluorescent lamps. Parang nasa haunted place ako.
And that's it. There's a great sense of restless serenity in the whole place, so I thought I was alone. But...
I was wrong.
A wave of terror swept over me when I saw three people inside the computer lab who had disguised themselves as ninjas and who looked like they were about to kill someone. Jusko, ano bang klaseng skwelahang ito? Pinamumugaran ba ito ng masasamang tao?
Sa takot ko pati paghinga ko ay natigil.
Dahil wala sa plano ko ang mga pangyayari, agad kong itinigil ang balak na suriin ang mga footage na nakuha ng crittercams. I did not dare wait to know who they were kaya imbis na sa Com Lab, sa faculty office ako pumasok. Bukas kasi ito.
Kaso lang akala ko safe na, hindi ko alam na sa loob pala ay may anino ng tao akong maaninag sa dilim. Dali-dali akong napatago sa ilalim ng mesa.
Ilang hakbang sa pagitan namin dalawa, sya ay nasa harap ng isang mesa sa kaliwang bahagi naghahalughog ng mga papelis. Pinag titingnan niya yong mga kumpol-kumpol na papelis doon sa table.
Ilang papelis din ang tiningnan niya bago sya tuluyang umalis. He could be looking for a certain paper. Who knows?
Pagkaalis niya, tsaka ako lumabas sa tinataguan ko. Nagkaroon ako ng ample time to check who owns the table. Pamilyar ang pangalan niya nang suriin ko. Miss Nicky Macabecha.
Strange.
Whoever that person was probably has a grudge against Miss Nicky. Hindi sya kasama nong tatlong ninja. Bakit ko nasabi? Simple lang. Hindi kasi sila pariho ng attire. Yong tatlo sa com lab ay naka ninja attire samantalang sya ay simpleng black jacket lang na may hood.
Babalik nalang siguro ako sa dorm. Sa susunod nalang siguro. Besides, I don't know how crittercams work. Wala akong alam sa kung papaano kuhanin o burahin ang mga footage.
Bubuksan ko na sana yong pinto kaso may nakatawag pansin sa'kin. Sa sahig may kung anong bagay na kumikinang doon. Marahil ay nagre-reflect ito sa sinag mula doon sa labas ng bintana. That's when I realized there's a window na hindi nasara nang maayos. Kaya pala hindi masyadong madilim dito sa loob, naaaninag ko pa rin kasi ang kasulok-sulukan nitong kwarto.
I check to see what that thing is at nalaman kong isa pala iyong singsing. It's a beautiful ring made of gold with a ruby stone on top.
BINABASA MO ANG
El Kadeti
FanfictionDr. Aji Lyn Laparan is haunted by the mysterious death of her sister, Janna. In her relentless pursuit of the truth, Aji goes undercover as college student transferee Jia Syjuco at Redville Institute of Science and Technology, where Janna once studi...