Ilang segundong katahimikan ang namagitan sa aming dalawa ni Margareth. Nakangiti lang ito sa akin habang ang dalawang kamay ay nakatago sa kaniyang likuran. Diretso ang tingin at naghihintay lang ako sa kaniyang sasabihin. Sa totoo lang, nanginginig ang buo kong katawan sa kaba. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang kailangan niya sa akin pero, sigurado akong tungkol ito kay Ayan.
"Narinig mo na siguro kung anong meron kami ni Ayan, Beu." iyon ang mga katagang lumabas sa kaniyang mga labi.
Napayuko ako sa kaniyang sinabi dahil pakiramdam ko, makikita niya ang kakaibang ekspresiyon sa aking mukha. Tama nga ako. Kaya siya nakipaglapit sa akin ay dahil kay Ayan.
"O-oo." tipid kung saad.
"Hmm... Sa totoo lang, magmula noon pa man ay palakaibigan na iyang si Ayan. Marami na rin ang nagkakagusto sa kaniya. Pero, ako ang pinili niya." bawat salitang lumalabas sa bibig nito ay tila karayom na tumutusok sa aking dibdib at hindi ko nagugustuhan iyon. "Pero, ngayon ko lang siya nakitang halos bukambibig ang pangalan ng isang tao. Kapag magkasama kami ay walang humpay ang pagkwento nito tungkol sa taong iyon ng may galak sa mukha. Kung kaya napagdesisyunan kung kilalanin ang taong iyon. At ngayon nga, ay kaharap ko na."
Napatingin ako sa kaniyang muli dahil sa kaniyang isiniwalat. Nanatili itong nakangiti pero nakikinita ko ang kakaibang galit sa kaniyang mga mata. Ako ang tinutukoy niya? Masama ba na magkwento si Ayan tungkol sa akin sa kaniya? Bakit? Kahit sa mga kwento manlang ba ni Ayan ay hindi ako maaaring magkalugar?
"Pero magkaibigan kami. Mali ba iyon?" tanong ko dito na ikinawala ng ngiti sa labi nito.
"Hindi. Hindi mali at hindi ko din sinasabi sa iyo na huwag lang lumapit sa kaniya," naglakad ito palapit sa aking harapan at mahinang tinuro turo ng kaniyang daliri ang aking noo "gusto ko lang na ilagay mo diyan sa kokote mo na AKIN SIYA. Walang sa iyo, Beu. Ayan is mine. Nagkakaintindihan ba tayo?"
Binalik nito ang palakaibigang ngiti sa kaniyang mukha bago ako nito nilagpasan at iniwan na nakatulala sa gitna ng field. Walang sa iyo. Iyon ang mga salitang pinakatumatak sa aking isipan. Ang mga araw na kasama ko si Ayan, ang mga ngiti nito habang nakatingin sa akin, ang mga matatamis nitong salita na ipinapahayag sa akin, hindi din ba akin iyon? Buong buhay ko, lahat ng gusto ko ay nakikita ko lang sa malayuan. Hindi malapitan, hindi mahawakan. Ngayon lang. Sa unang pagkakataon ngayon ko lang naramdaman na sa wakas ay may matatawag ako na akin, na para sa akin. At si Ayan iyon.
Pero kahit pala nalapitan at nahawakan ko na siya, hindi ko pa rin pala siya matatawag na akin. Wala pala talaga sigurong para sa akin. Kahit kaibigan. Kahit kaisa isang kaibigan.
"H-huh?"
Napakurap kurap ako ng madama ko ang ihip ng init ng hangin sa aking mata at kasunod noon ay ang panlalabo ng aking paningin dahil sa mainit na tubig na nagsimulang mamuo doon. Sunod sunod at walang tigil sa pagpatak ang mainit na luha sa aking mukha at kahit anong palis ko noon ng aking mga kamay ay hindi mawala wala. Sumasakit ang aking dibdib. Tila ay nawawalan ako ng hininga. Tila pinipiga ang aking puso.
"Beu?"
Nahugot ko ang aking hininga sa boses na aking narinig mula sa aking likuran. Kagaya sa mga palabas, tila nagkaroon ng pause button sa paligid at maging ang oras ay tumigil. Marahas kong pinunasan ng aking kamay ang aking mukha. Ayokong makita niya akong umiiyak.
"Bakit naandito ka pa? Akala ko ay umuwi ka na." sabi ni Ayan at naglakad pa papunta sa aking harapan. "Anong nangyari? May prob--teka umiiyak ka ba?!"
Marahas nitong hinawakan ang dalawa kong braso at ini-alis iyon sa aking mukha. Nakita niya ang luhaan kong mga mata at nakita ko ang galit na namuo sa kaniyang mukha. Ayaw ko na makita ako ni Ayan na ganito. Ayaw kong mag-isip at mamroblema ito dahil lang sa akin. At higit sa lahat, ayaw kong malaman niya na si Margareth ang naka-usap ko kanina dahilan ng aking pagluha. Ayaw kong malaman niya ang aking damdamin.
"Sinong nagpaiyak sa iyo? Sabihin mo sa akin Beu!" galit na talagang sigaw nito kung kaya kinabahan ako.
"W-wala! Walang nagpaiyak sa akin, Ayan. N-napuwing lang ako." kabado kong tanggi.
"Puwing? May napuwing bang ganito karami ang luha? Huwag kang magsinungaling sa akin. Sino ang nagpaiyak sa iyo, ha?" bahagya na itong kumalma at pinunasan ng kaniyang magkabilang hinlalaki ang kakaunting luha na natira sa aking mga mata.
Inalis ko ang aking mukha mula sa kaniyang pagkakahawak. Narinig ko siyang bumuntong hininga at marahan na hinimas ng kaniyang kamay ang aking ulo. Walang salitang namutawi sa aming mga bibig hanggang sa nakauwi na kami sa kapwa naming mga bahay.
"Beu, anak?"
Natigilan ako sa pagbabasa ng aking libro ng pumasok ang aking ina sa aking kwarto. Oras na ng pagtulog, pero dahil hindi pa ako inaantok ay nagbasa muna ako ng libro. Tinago ko sa aking mukha ang malungkot na ekspresiyon at pinalitan iyon ng isang masiglang ngiti. Pero sabi nga nila, walang nakakatakas sa mata ng isang ina.
"Bakit po?"
"Anak, may problema ka ba? Kamusta sa paaralan?"
Umiwas ako ng tingin dito. Pinagsiklop ko ang aking mga kamay para mapigil ang panginginig noon.
"Wala naman pong problema. Masaya po sa paaralan." pilit ang pinakawala kong ngiti habang tinitignan ang aking ina.
Bumuntong hininga ito at ngumiti din sa akin pabalik. She started to stroke my hair. Ramdam ko ang pangingilid ng aking luha, pero hindi ko hinayaang may tumulo kahit ni isang butil mula sa aking mata.
"Patawarin mo kami anak kung simula ng maliit ka ay hindi ka na nabigyan ng kalayaan. Gusto ka lang namin na maging maayos anak. Bilang ina, ako ang unang nasasaktan kapag nakikita kong nahihirapan ka dahil sa iyong kundisyon. Pakiramdam ko ay kasalanan ko kung kaya dinadanas mo ang lahat ng ito ngayon." madamdamin nitong saad.
Mabilis ko siyang niyakap. Kahit kailan hindi ko sinisi ang aking ina sa kundisyon na meron ako ngayon. Lahat ng bagay na bigay ng Diyos sa atin ay mayroong dahilan. Pakiramdam ko, kaya ibinigay ito ng Diyos sa mahina na kagaya ko ay para malayo ako sa mga mapanakit na tao. Sa mga taong mas malakas kaysa sa akin.
"Ma, wala po kayong kasalanan. Hindi ko kayo sinisisi ni Papa. Maswerte nga po ako at kayo ang naging mga magulang ko. Kahit sa ikalawang buhay ay hihilingin ko pa rin na kayo ulit ang maging mga magulang ko."
Mas humigpit ang yakap sa akin ni Mama at paulit ulit itong nagpasalamat sa akin. Sinabi din nito kung gaano niya ako kamahal. Ang kanina na sakit at bigat sa aking dibdib ay tila nawala. Doon ko napagtanto na mas mabuti na lang siguro na bumalik ako sa dati kong buhay. Nakakulong at mag-isa. Habang inaalala ko ang mga sinabi sa akin ni Margareth kanina, pakiramdam ko ay tama lang na manatili na lang ako sa dati kong estado. Na walang karapatan ang isang kagaya ko na maging malapit sa iba at magkaroon ng kaibigan. Siguro ay naging kampante din ako sa kakarampot na kasiyahan na naibigay sa akin, kung kaya, baka ito ang kapalit noon.
Wala akong karapatan, kahit pa kay Ayan.
Napakurap kurap ako ng madama ko ang ihip ng init ng hangin sa aking mata at kasunod noon ay ang panlalabo ng aking paningin dahil sa mainit na tubig na nagsimulang mamuo doon. Sunod sunod at walang tigil sa pagpatak ang mainit na luha sa aking mukha at kahit anong palis ko noon ng aking mga kamay ay hindi mawala wala. Sumasakit ang aking dibdib. Tila ay nawawalan ako ng hininga. Tila pinipiga ang aking puso.
BINABASA MO ANG
🌈 It Started One Summer (BL Short Story) ✔
Short Story[Available at Booklat] COMPLETED Bughaw na langit. Luntian na paligid. Tuyong dahon. Huni ng ibon. Init ng hangin. Tunaw na ice cream. Amoy ng damo. Ikaw at ako. Isang kwentong nabuo sa tag-init. Ang ating distansiya, malayo ba o malapit? Short Nove...