Part 8

11 1 0
                                    


*Rise and Shine* ~~


Balik ulit monday. Buti 8:30 am pa yung time in namin at 6 am pa ngayon.

Now what are we waiting for? lets do the daily routine.

And after 20 minutes sa banyo, yes ganun katagal kasi natures calling me pa, kasama nadin yun.

Bihis na and ready for breakfast. Ok let's see what we have for breakfast, are you also like me who loves milo in the morning?

If no, ok, as if may magagawa ako don.

But you should try it! haha.

Now I have ham here, may apples, may eggs, cup noodles, meron ding hotdogs, yes bumili nalang ako, can goods, and - - - ? THEN THERES A KNOCK ON MY DOOR. 

Who's there?

Cindy? Ana? Elsa?

Anong kailangan nila ngayon? usually busy narin ang mga to kasi may kanya-kanya ding trabaho.

O baka yung owner. I Should check!

"GOOD MORNING!" bungad agad nito ng pagbukas ko ng pinto.

WHAT THE HECK, SEAN???

A- Anong??

"Hayy alam ko magugulat ka. But yeah Hi! Good Morning again" ika niya ng nakangiti. Why is he here early in the morning?

"Kanina Good yung morning ko, ngayon kalimutan mo na. A-Anong ginagawa mo rito? Umagang-umaga andito ka?" but deep inside I was tense about his presence, pano ba kasi natatamaan siya ng rays sa araw at nakikita ko talaga yung brown-eyes niya. Nadagdagan yung kagwapohan niya sa picture nato. Kung ito ba naman makikita ko every morning- - -

luh? bat naaappreciate ko na sya ngayon? erase! erase!

"Ahm yeah about that, Naparito ako kasi gusto ko lang sabihin na hindi mo muna ako makikita ngayon araw hanggan Thursday" sabi niya.

May 1/3 saking feeling na worry, pero sino bang niloloko ko? Ayun I set aside it immediately.

"Anong kinalaman ko? edi mas mabuti para Good na araw ko" akma kong isasara yung pinto pero pinigilan niya. Ano ba Sean nasisilaw nako sa kagwapohan mo!

Eerrrr! bat ba naaappreciate ko sya?

"Wait lang! Kasi pupuntahan namin yong isang branch sa Cebu, kailangan daw talaga na kasama ako. Which is nakakainis nga eh bat ako pa"

Letche to wag syang mag drama diyan ang cute-cute niya tignan. Wag tayong madadala Self!

"Eh trabaho mo yan eh, pasalamat ka at may bumubuhay sayo araw-araw, iba nga diyan gusto magkatrabaho tapos ikaw tong nagrereklamo? Pano nalang yung future mo?" bwelta ko sakanya, di nagiisip eh.

Nagtaka naman ako bat iba siya makatitig sakin ngayon.

"Anong tinitingin mo diyan?" jino-joke time lang yata ako nito eh. Aksaya ng oras.

"Tama ka nga, pano nalang ang future ko.." sagot niya ng nakangiti at di niya parin inaalis yung ibang tingin niya sakin.

"O? edi shoo umalis kana. Ingat nalang kayo don, tsaka bakit ako yung sinasabihan mo? may gc naman tayo pwede naman din don mo sabihin, bat dito pa?" namaaann sana umalis na sya.

"Pasensya na ikaw tong ginugulo ko para lang sabihin yun. Eh kasi naman baka mamiss mo ko" ika niya.

Anong sabi niya??

"Aha-?Ahaha-?Ahahahaha!HANG KAPAL MO DIN ANO?" nakuuu nanggigil ako pigilan niyo ko.

"Nako Joke lang, sorry na hahaha!Di, ano nalang baka may gusto kang pasalubong?" saad niya.

"Bankay mo. Ok ba yun?" oopss sorry naman kung masyadong harsh. Gusto kong malaman niya na ang kulit niya.

"Tsk tsk, sige na nga. Naparito din ako para ibigay to"

then he handed me a jollibee bag.
Oh My Gosh!! don't tell me inside it is my favorite?

Nakita niyang nagdadalawang isip akong kunin.

Bigla nalang siyang pumasok sa room ko at inilagay don yung jollibee bag sa table.

"Ah--?"

"Yes You're welcome. I promise mag iingat kami don sa Cebu gaya ng sinabi mo. And take care, inform me also if my problema sa opisina para habang andun ako natutulongan kita o kayo. Wag kang mag-alala, may pasalubong ka sakin pagbalik" he wink at me before he walks out the door and leave me speechles.





~~.     ~~.    ~~. 

11:11 ng makatanggap ako ng friend request galing kay Sean.

May notification din akong natanggap sa Twitter at instagram na finafollow ako ni Sean.

Anong pinaggagagawa ng taong to.

Ok halos yung mga katrabaho ko dito is friend niya sa fb at tsaka yung mga mahaharot kong friends sa kabilang building.

Eh ano naman ngayong if ayaw ko syang e-follow back o accept.

then suddenly a message appear on my notif.

Its from: ...................... SEAN??

Wala ba siyang ibang magawa sa buhay?

Pero inopen ko naman message niya.

*Those people who accept friends are blessed with beautiful soul, beautiful attitude, and are amazing people*

*I know that you are too. So its impossible to not accept me right?? Accept Nayan please!!*

Nagpapatawa ba to? bahala ka nga diyan. I keep my self busy.

But I was disturb again with another message. E si-silent ko talaga phone ko if si Sean to.

Ang when I check it, Sya nga.

* Is it really bad for you na i accept man lang yung request ko? Ok. Kasama ko naman ngayon si Sir Felipe and I might tell him right now na di mo ako inaccept*

Gago to, ano sya bata? Kainis bat naman niya sasabihin kay Sir. Tsk!

Para matigil kang hayop ka.

Ayan! Accepted.

"MASAYA KANA? 😤" i send him also these with umuusok na ilong emoji, caplocks para intense..

"YESS ANG SAYA SAYA KO! 😄" reply niya na may masayang emoji pa.

Sean reacted to your photo: ❤️

Sean reacted to your photo: ❤️

Sean reacted to your photo: ❤️

Sean reacted to your photo: ❤️

Sean like your photo on Instagram:

Sean like your photo on Instagram:

Sean like your photo on Instagram:

WALA BA TALAGA SIYANG IBANG MAGAWA????

BITAWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon