Part 10

12 1 4
                                    

OO NA!

Ala Una na yata ako nakatulog kagabi, di talaga maayos gising ko pag kulang ng tulog eh parang lahat naman tayo ganun noh? pero ako talaga minsan sumasakit ulo ko o di kaya ang dami kong mali sa work kasi minsan wala ako sa sarili ko, sabaw ganern.

Kasalanan mo to Sean Rodriguez sa lecheng pa abs mo na yan, kahit binabaling ko na pag-iisip ko sa ibang bagay unti unti ring bumabalik sakanya.

Eww! I sound like a love sick person.

And thats what I'm concerned about in life. I'm living in a modern time where consistency is very rare. Sa mundong ginagalawan ko ngayon ang daming pwedeng makakuha ng attention. Maybe this day you love the taste of coffee na binibili mo sa isang shop, but then one day theres a new open cafe lumipat ka and you say its a nice one. Ano ba talaga?

get me?

Like isang araw nasayo pa sya but one day you wake up nasa iba na pala sya.

Sinabihan ka ng I love you, pero sasabihing joke lang pala. Pinakilig kalang tangina.

Ang daming pwedeng lumaro sa ating feelings. Kaya kung hindi tayo mag-iingat tayo rin masasaktan. Ginawa mo, pinagsisihan mo, ayosin mo. Kalat mo, linisin mo.

Kaya ang hirap.

Ang hirap humanap ng kung sino mo ipagkakatiwala ang sarili mo. Kasi pwede rin kaibigan kita ngayon, bukas inaahas mo na ako.

"Hoy Therese! Gising!" pukaw ni Mich sakin.

Luh? bakit masyado na naman bang akong nalulunod sa pag-iisip?

"Haayst, di ka na naman nakatulog ng maayos noh? ano namang gumugulo diyan sa isip mo? lalaki naba?" ngiting aso ni Mitch. Ito sinisimulan na naman ako nito eh. Pero actually ganun nga.

Iba talaga tong mga kaibigan ko mas concerened pa sa love life ko.

"Wala, iniisip ko kailan ba darating yung new employee natin" I reason out. And ya you all know its a lie. Baka pagsinabi ko kong sino gumugulo sa isip ko ngayon magwawala to.

"OMAYGOSH!!!! Speaking Of That My Friend!!!!"

gosssh! wait lang bakit ba siya tumitili?

"Anong meron?" I ask, kasi yung mata niya nag spa-sparkle na eh. Parang mga bituin sa langit na nagungusap.

"Andito na siya!!" tili na naman niya. Buti wala pa dito si Miss Jen ayaw niya ng maingay sa office kundi pinalabas nato ngayon.

"Oh andito na pala siya edi sisimulan ko na orientation ko sakanya, asan ba siya sa labas na?" ika ko.

"Yiiiiiz! Papapasokin ko naba? Baka magulat ka eh. Kyaaaah!! Baka siya na ata ang sagot sa aming panalangin eeeeeeeiiihh"

ok grabe na yung energy niya ah di ko na mareach. And speaking of 'panalangin' parang alam ko na ano tong new employee. Lalaki to for sure at irereto nila to sakin... mga punyeta.

"Tsk, ano ba Mich business is business at hindi ko pa siya kilala. Kaya pwede ba umayos tayo" baka mamaya nito mukhang ganster lang yung new employee.

Mich just shrugged.

"Kakainin mo rin yang mga sinasabi mo. Kaya papasokin ko na siya" she then walk through the door, and before she open it tinignan niya mo na ako.

"Ok Mich enough for the stare just let him in"

"Hmmp! Talaga."

Aba't maldita to.

BITAWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon