Page 3

15 1 2
                                    

After ipakilala ni Sir si Mr. Real Estate Broker samin at pinakilala kami ni Sir sakanya nagsipag lafangan na ang lahat libre na daw ni Sir Felipe.

Ako yung nag-aalala para kay Sir Felipe. Siguro masesermonan ito ng asawa pag uwi. May other way naman para ipakilala niya si Mr. Sean samin ah, di itong napapagastos pa si Sir.

kasalanan tong lahat ni June eh, ngayon may pasulyap sulyap pang nalalaman kay Mr. Real Estate Broker, kala niya diko napapansin.

Haay ewan.

Tinignan ko naman ang iba naming kasama at lahat sila ay nag eenjoy.

Nahagip ng mata ko si Mr. Sean at nagkataon na napatingin din siya sakin.

He flash a smile at me.

I smiled back, ayoko lang magmukhang suplada mabait akong tao noh.

Gusto ko ngang tusukin tong katabi kong kanina pa gigil ng gigil dahil nagwagwapuhan sa may harap.

"Ohmygossh~ he smiled at me, he smiled at me!" sabi niya sabay hampas hampas pa sakin.

Ok, baka sakanya nga nag smile baka guni guni ko lang yun.

Nauuhaw pa ako. Wala nakong drinks, at di ako masyadong umiinom gaya ng iniinom nilang hard drinks.

Nagtawag ako ng waiter pero walang pumansin sakin, busy silang lahat kaya ako nalang ang pumunta sa counter para mag order ng soft drinks.

"Yes maam?" bati ng nasa counter.

"Isa ngang Cola please"

"Right away po" at dumiretso siya sa may ref para don kumuha ng inorder ko.

"Make it two please"

Nabigla ako ng makita si Mr. Sean sa tabi ko.

At di lang yon, dalawang dangkal lang yung distansya niya sakin kaya tuloy naamoy ko yung pabango niya.

mmmm not bad.

Huh? A- Ano? Aiiish! Therese not bad ka jan umayos ka nga.

Jusmeyo, Sinusundan niya ba ko?

Bigla tuloy akong nakaramdam ng kaba ng tumingin bigla siya sakin.

"Ah, sorry I run out of drinks also" sabay ngiti.

Bakit nakakaintimidate yung pagngiti niya. Ngumingiti naman sakin si June pero bakit sakanya parang... ewan diko maintindihan.

Ano ba to. .

So ito ngiti rin yung ginanti ko. Tipid nga lang di katulad sakanya, genuine smile.

Eh Yun pala rason niya kaya andito, ayan ka na naman self eh, nangunguna ka na naman.

Inabot na samin yung order namin. Handa na sana akong magbayad kaso nang mauna syang umabot...

"Ako na magbayad"

Anla??

At yun wala nakong nagawa. Nag thank you nalang ako nabayaran na niya eh. He just smiled again.

Pala ngiti siya masyado.

At pag ngumingiti siya lalo siyang gumagwapo.

Anooo??

Hoy! Dear self, wag magpakaapekto sa charms ok. You need to focus sa ibang bagay wag muna to.

I decided to stay muna dito sa stole near sa counter. Ayoko munang bumalik sa table namin kasi nga may part sakin na gusto ko munang mapag-isa.

I thought na babalik na siya sa table namin nang umopo din siya sa katabing stole.

Oy pano to? Help!

bigla tuloy akong nahirapang kumilos at nahihirapan ding huminga.

Bat dipa siya bumalik don kainis!

Ok, kung ayaw niya, ako. Ako nalang!

"b-balik muna ako sa table natin Sir" tumayo nako pero napahinto ako nang magsalita siya muli.

"You forgot something" ika niya.

Nilingon ko siya at nakita ko na naman yung pamatay na ngiti niya.

bago niya inabot sakin yung phone ko na nakalimutan ko pala letcheng sariling to Ulyanin na.

Napatingin siya sa wallpaper ko don kasi nakaopen yung phone ko nkalimutan ko yatang i-close. No scratch that, Nalimutan talaga! 

OHSHOOT!!

Hinablot ko agad nang makita niya ang nakita niya.

"Ah.. Thank you!" sabi ko nalang sabay diretso balik sa table. Damn it!

My god, si Chanyeol pa ng EXO na nka topless yung wallpaper ko.

Gusto kong e salvage ngayon si June dahil alam ko siya lang yung may hawak ng phone ko before kami nag out sa trabaho.

At kami lang din yung kpop lover sa grupo at oo crush ko si Chanyeol, pero di ako nag wa-wallpaper ng ganito putek naman oh!

BITAWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon