Part 13

7 0 0
                                    

Hindi matahimik yung kaluluwa ko nong sinabi niya yun. Pero nag isip ako hindi pwedeng malunod tayo sa sobrang nararamdaman baka nga sa sobrang pafall nito bigla nalang itong mang-iiwan. Hindi ako tanga kung hindi ko alam tong ginagawa ni Sean towards me, nagdodoble ingat lang ako sa sarili ko. Alam ko gaano kagago ang maloko at masaktan.

"Hindi basta-basta ang sagot nayan" ika ko. Basta, wag tayong basta-basta mahuhulog, advise ko sa sarili ko.

Napakamot naman sya sa batok sabay sabing "Hindi nga, kaya paghihirapan ko"

Tong lalaking to sino ba ako para pag aksayahan niya ng oras.

"Bati na tayo please..." pakiusap niya.

Ayan na naman yung tingin nayan I quickly avoided my eyes.

"AYIEEEEEEEEE!!" rinig kong kantsaw ng mga kaibigan ko.

Agad ko naman silang sinamaan ng tingin, humanda nalang sila sakin mamaya lulunurin ko sila sa dagat.

"Magkakakilala pala kayo ni May?" pag-iiba ko ng topic.

"Yes, nong college pa" sagot niya.

"Bat di nalang sya"

"Anong ibig sabihin non?"

Tama ba talaga tong itatanong ko?

K sige nalang para maliwanagan tayo.

"I mean maganda naman si May, mabait, cheerful, funny, sexy, di boring kasama, hard working, bat di mo sya niligawan? di mo ba sya type?"

Natawa nalang sya sa sinabi ko. Sabi ko na nga ba eh, bat tinanong ko pa yun? napayuko nalang ako.

"For the record lang ha, hindi lahat ng lalaki hanap sa isang babae kailangan maganda, sexy, etc.. iba-iba din kaming tao at iba rin hanap ko pero sa tingin ko natagpuan ko na yung hinahanap ko"

Tch! iba-iba raw pari-pariho lang kayo. Saad ko sa isipan ko. Nakayuko parin ako pero nang nag angat ako ng tingin.

Agad naman akong napalunok ng sakin nakagawi tingin niya.

Huh? bakit? A-ano bang? ano nga uli huling sinabi niya?

'sa tingin ko natagpuan ko na yung hinahanap ko'

H-huh?

E-Eeeerr!! bat ba sa lahat ng ganitong sitwasyon nagaassume tayo na tayo yun? O ako lang ba? Haaayst! naman talaga oh'

Pero hindi ko na inabsurb yun, winakli ko agad sa isip ko yun. Baka nilalaro lang niya feelings ko, at hindi naman niya sinabing ako ah? umayos tayo Therese ha! umayos tayo self, easy lang pakiligin mga babae. Wait What!? Eh Hindi Naman Ako Kinikilig Ah???

Aiiiiiiish!!!

"Ahm, ahh...Well congrats sayo, ako kasi wala akong balak maghanap mapapagod lang ako. Kaya congrats sayo, pagbutihan mo nalang para sakanya"

O ayan, hindi ko na sya sinusuway ha. Tinatry ko talaga hindi maging suplada.

"Wag kanang maghanap andito nako. Kaya nga paghihirapan ko ang OO mo eh"

O___O

B-bwesit tumatalon yung kaba ko. Ayy ah? meron bang ganun? Bigla bigla kasing bumabanat eh. Marami nakong napapanuod na ganitong mga ganap sa mga pelikula, pero di ako sanay sa reality.

"M-mapagbiro ka talaga noh, sige diyan ka- -"

Agad niya akong pinigilan ng ako sanay lalayas na.

BITAWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon