Part 14

12 1 0
                                    

After that inihatid ako ni Sean papunta sa cabin.

Hoy wag magulo ang utak ha! magbibihis nako ayoko nang magtampisaw at ayoko narin suotin tong suot ko ngayon magpapalit nako.

At ng nasa hamba na kami ng pintoan.
"Sean okay nako salamat nalang, pwede ka nang bumalik don sa mga kasama mo"

Hindi siya umimik bagkos pinagmasdan niya lang ako mula ulo hanggan paa. "Hoy Ano ba! kung saan saan nakatingin eh"

Huminga sya ng malalim. "Sa susunod pag may nag-aaya ng outing wag kana magsusuot ng ganyan ha" ika niya pero bakit ganun yung tono niya. Its more like a command.

"Excuse me lang ha, batas kaba? tinatanggalan mo ako ng karapatan bilang babae makaexpress sa sarili eh"

"Hindi kita tinatanggalan ng karapatan ang akin lang concern ako sa danggal mo bilang- -"

"Wow, sino kaba ngayon para pagsabihan ako ng ganyan? ngayon lang ako makakaenjoy ng ganito tas ito ka- -"

"Nageenjoy?? Are you not aware sa mga tao nakapalibot sayo, mamaya niyan may balak na palang gawin sayo"

"Bat ako lang tong pinagsasabihan mo? Bat hindi mo rin sila sinita? So ako lang tong makasalanan ngayon? Ako lang mali sa paningin mo? Ayy sorry ha hindi po ako perfect nagpapakaperfect lang ako. Ano masaya kana?"

"Walang mali sayo okay, makinig ka nga muna sakin magpapaliwanag ako"

"Eh magpapaliwanag ka naman pala bat nagagalit ka?"

"What? Eh ikaw tong nagagalit eh. Ang problema masyado mong pinapairal ego mo, try mo kayang intindihin rin yung kabilang side ng makakausap mo o sa ano mang bagay. Yung mind set mo nakatuon lang sa isang bagay nakatuon lang sa sarili mo, alam mo yun? sa sobrang nakatuon ka lang sa isang bagay minsan di mo na nakikita ang ibang bahagi. Binabaligtad mo ang storya, ikaw mismo ang tumatanggal ng karapatan sa iba na ipahayag ano man ang nakikita nila. Specially pag yun ay tungkol sa sarili mo pano mo malalaman sa sarili mo na ganito ka pala, yung hindi mo nakikita pero kita ng iba At- - -" Napahinto sya nang pagsasalita nang makita niya siguro ako.

Eh hindi nako nakasagot pa, unti unti ng lumalabas mga luha ko sa mata. Tinatamaan ako sa sinabi niya. Truth hurts ika nga.

Hinahawi ko ngayong yung mga luha na umaagos sa pisngi ko. Feeling ko nanliit ako eh.

"Shocks, Therese I'm sorry" hindi sya makapaniwala sa sarili niya.

"Di ok lang, makakaalis kana" ika ko.

"Therese look I'm really sorry" aakma syang lalapitan ako pero umiwas agad ako sakanya.

"O sya sige na, sorry din makakaalis kana" tinatry ko maging wala lang pero deep inside gusto nang umiyak pa.

"I'm so sorry hindi ko sinasadya- -"

"Gusto mo maging okay tayo diba?"

"Oo naman, gustong gusto"

"Sundin mo ang sasabihin ko. Makakaalis ka na! at pag di mo parin ako sinunod iiwasan na natin ang isa't isa habang buhay! at kung maaari wag na tayong magkita pa, mag usap o ano pa kasi nga Ang tindi ng Ego ko diba? Hindi mo gusto yun, kaya bye!"

Pumasok nako sa cabin at diretsong inilock ang pinto. Narinig ko pa na kumakatok si Sean sa labas pero diko sya pinagbuksan.

Pero ilang segundo nawala na. Baka umalis na nga sya.

BITAWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon