Ika-9 ng Marso, 2020-- Lunes


Tumunog ang alarm mo sa cellphone. Pupungas pungas kang tumingin sa screen nito at pinatay ang alarm. Muli kang pumikit ng limang minuto na palagi mong ginagawa, tuwing umaga, simula Lunes hanggang Biyernes.

Pinilit mong bumangon sa pagkakahiga pagkatapos ng limang minuto, dumiretso sa kusina, nagtimpla ng kape. Ginawa mo ang routine mo sa araw-araw bago pumasok sa eskwela.

"Eto na naman" bulong mo sa sarili noong nakita mo ang haba ng pila sa LRT. 

Ano ba ang bago? Lagi namang ganito ang eksena ng mga estudyante, empleyado, at simpleng mamamayan ng bansang ito. Kailangan mo munang suungin ang mabagal na trapiko sa EDSA, o pumila ng napakahaba sa MRT o LRT bago makarating sa iyong pupuntahan, hindi ka rin makakaiwas sa polusyon at usok ng mga tambutso ng sasakyan. Para kang may initiation bago pumasok sa trabaho o paaralan. 

Isang ordinaryong araw lamang ito para sa iyo. Nag tap ka ng ID papasok sa eskwelahan at dumiretso sa silid-aralan ng una mong subject. Iilan pa lamang kayo, ang iba ay naglalaro ng Mobile Legends, yung iba natutulog, yung iba gumagawa ng project ng ibang subject at ikaw pumunta muna sa canteen para mag agahan. Abala ang lahat sa kani-kanilang ginagawa, sumasabay sa pag-ikot ng mundo, paulit-ulit. 

Nakakaumay.

Kinuha mo ang planner sa bag mo at nagsulat dito ng "AYOKO NA". Wala ka ng plano sa buhay mo simula noong binagsak ka ng prof mo sa isang major subject. Graduating ka na ngayong sem pero kulang ka ng isang major subject kaya hindi ka makakapag suot ng toga. 


"Pinapaalalahanan ang mga mamamayan na magsuot ng mask tuwing lalabas ng kanilang tahanan upang maprotekyunan ang sarili sa kumakalat na virus." 

Ito ang narinig mo sa malakas na radyo ng canteen. 

ResetWhere stories live. Discover now