Ikaw ang gusto ko

213 5 3
                                    





The usual routine pagkagising ko ay agad akong naghilamos at nag-ayos ng kaonti. Ngayon ay nakasuot ako ng maikling short cycling at cami top na kulay dilaw. These are too shorts. Pero iyon ang gusto kong suotin ngayon.





Naroon si Mang tonyo at abala sa trabaho. Nagtungo agad ako sa ika-apat na kuwadra. Naroon silang lahat. Kompleto.



"Miss Eunice!" Bungad sakin ni elyo. He smiled widely.



"Miryenda tayo Miss Eunice!" Anyaya ni chong.



"Oh sige ba!" Agad kong alok. Kumuha ako ng pandesal sa harapan at isang baso na may kalahating laman na kape.



Pinasadahan ko ng tingin ang kabuon ng paligid. Doon ko napagtantong nandito si Eros. Abala siyang nagtitimpla ng kape. Wala si daphne. Nasa'n kaya ang papansin na'yon?




"Umiinom ka pala niyan, Miss Eunice?" Tanong ni elyo.


Tumigil ako sa paghigop. "Oo naman, ito ang iniinom ko sa umaga." Sagot ko. Fine! I'm lying. Pandesal lang kinukuha ko at juice. Not this kind of drink in the morning. Bawal ako sa kape. Sumasakit ang tiyan ko. Ngunit ayoko namang hindi-an sila.



Tumingin sa direksyon ko si Eros habang hinihigop ang laman ng tasa. Seryoso ang kaniyang mata. It seems so cold and icy.



"Noon halos hindi ako makatulog kapag hindi ako nakakainom ng kape sa gabi!" Ani elyo. Proud na proud siyang sabihin iyon.



Tinawanan siya ni chong. "Syempre, mukhang kape ka, e!" Biro niya. Sinapak siya ni elyo.



"Miss Eunice hindi ka ba uupo? Mangangawit ka niyan." Ani chong.


"Ah, hindi na —"


"Dito ka nalang sa tabi ko, Eunice." Nabigla ako nang magsalita si Eros. Seryoso niya iyong sinambit. Sobrang bilis ng pintig nitong dibdib ko. Shet!



"Ohoy, huwag ka diyan Miss Eunice, baka kagatin ka ni Eros diyan!" Ani elyo at todo tawa pa. Pinanliitan siya ni Eros.


"Hindi nangangagat iyang si Eros ano, kumakain 'yan ng buhay!" Sabat ni chong.


"Hmm, daphne? Ikaw ba'yan?" Ani elyo. Nagtawanan sila dahil do'n. Kumunot ang noo ko. What the heck was that? Totoo?


Nagulat ako nang si Eros na mismo ang tumabi sakin. Tiningnan niya ako nang seryoso. Nanatiling misteryoso ang kaniyang mga mata at tila sinasabing kailangan ko itong tuklasin.



"Huwag kang maniwala sa sinasabi nila. Sadyang mapagbiro lamang ang mga niyan." Salita niya sa mahinang boses. Hindi ako kumibo at ibinalik ang atensyon sa harap.





"Ang sweet nga noong isang hapon ni daphne at Eros, e! May pa hug pang nalalaman. Psh!" Sabi ni elyo.




Napuno ng tawa at hiyawan ang paligid. Ngunit ang isip ko ay nanatiling tumatakbo at naghahanap ng kasagutan. Bakit iyon nasasabi ni elyo? Ibigsabihin, totoo?



Hinawakan ni Eros ang kamay ko. Iwinaksi ko agad ito. Ano bang ginagawa niya? Alam ko 'yon! Narinig ko mismo! And now he will hold my hands like nothing really happens? Damn!




Natapos ang asaran at tawanan nila. Nagsi-tungo na sila sa kaniya-kaniyang trabaho. Ngunit ang mata ni Eros ay nanatili sakin. Nag-iiwas ako ng tingin.



"Alis na'ko." Ani ko. Tirik na ang araw. Ayokong malate sa klase. Tsaka, there's a deep reason for this. I can't find it out.



"Mahaba pa naman ang oras. Bakit hindi mo muna ako tulungan maglagay ng bulaklak?" Anyaya niya bigla. Tipid akong ngumiti.



"Hindi na, Eros. Hindi ako magaling do'n, iyong si daphne nalang kasi —"


"Anong mayroon sa kaniya? Ikaw ang gusto kong tumulong sakin, hindi siya. Ikaw ang gusto ko." Nabigla ako sa pagbanggit niya ng mga salitang iyon. Napakaseryoso ng pananalita niya.




Umiling ako. "I have to go, Eros. Marami pa akong gagawin." Iyon ang naging rason ko bago siya iwan doon.




Ayokong mag-isip ng kung ano sa sinabi niya kanina. It was soothing seriously. Ngunit ayokong umasa. Papaano si dapne? Iyong pinag-usapan nila? Damn! It really hurts!






"Masyado kang tulala these past days anak, ah? What happened?" Nagulat ako sa tanong ni mama. Puno ng pag-aalala iyon.



Tumikhim ako. "Uh, nothing mom. It's just the school and study stuffs." Ani ko. Napa-ubo si mama dahil do'n. Ano?




"Pwede ba anak. Pwede namang sabihin mo samin na may nagpapatibok niyang puso mo, you don't have to lie." Aniya at pati si papa ay natawa narin.




"Mom! I'm serious! Nag-aaral ako ng mabuti." I stated. Tumango-tango lang sila ngunit bakas ang pagpipigil ng tawa.

























"Naku! Ang gwapo no'ng naka-tuxedo na blue kagabi!" Bungad ni trexie. Nag-uusap sila tungkol sa party do'n sa Medieves.



"Well, he's hot. Panay din ang tingin niya sayo!" Suporta ni clair. Panay ang kilig ni trexie dahil do'n. The heck!



"Eh kasi naman, ang galing mong dumiskarte!" Ani gwen. Natatawa siya.


"Ako paba!" She proudly said.


"Sayang kung nando'n si Eunice baka lahat ng lalaki mo clair nakuha na ni Eunice!" Biro ni felicity. Pinanliitan ko siya ng tingin. Dah!



"Bwesit nga itong si Eunice, e! Ang ganda-ganda! Ayaw magdonate!" Natawa ako sa sinabi ni trexie.




Nauna akong umalis do'n. Nag-uusap pa sila ngunit kailangan ko ng magtungo. Eros is waiting for me!




"Oh, napa-aga ka ata ngayon?" Iyon ang unang bungad niya. Nandito na kami sa loob ng kotse.



Ang babaeng nakabangga ko noong isang hapon ay nasa labas at panay ang tingin samin. Ganyan niya ba kagusto itong si Eros?




"Hindi moba talaga ako kakausapin?" Nagulat ako sa tanong ni Eros. Nabalik ang atensyon ko sa kaniya.



"Kailangan ba iyon?" Agara kong tanong. Nagmura siya. Panay ang mura niya. Ngayon ko lang narinig iyon! Parang naiirita siya!




"Naniwala ka naman sa sinabi nila, huh?" Aniya. Nagmamaneho na siya.



"Hmm, siguro. Para kasing totoo." Sagot ko. Napatingin siya sa direksyon ko gamit ang salamin sa harap.



"Tss. Huwag kang maniwala, okay?" Deritso niya.


"At bakit naman hindi? Pa'no mo masasabing hindi dapat sila pagkatiwalaan —"



"Kasi wala akong nararamdaman kay daphne. Sapat naba iyon sa'yo?" Nagulat ako sa sinabi niya. At bakit namumula ang pisnge ko? Bakit hindi ako makapagsalita?!




Hindi ako kumibo hanggang sa makarating sa bahay. Panay ang tingin ni Eros sakin ngunit hindi ako makatingin. Nahihiya ako. Lahat ng akala ko'y tama, mali pala. He has no feelings towards daphne! Iyon ang nasa isip ko. Goodness!

















Fire and AffectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon