Sabado. Ito na ang araw na ikakasal si Eros at nathalie.
I glanced when I saw these children innocently sleeping. Ang maamo nilang mukha ay nakakabigay ng ngiti. They are tol young for this. Too young to witness such betrayal.
"Tara na. Bago pa sila magising."
Sinundan ko si Eros mula sa labas. Bitbit niya ang dalawang bag na may lamang damit namin. Halos lahat nang iyon ay pag-aari ko. Ilan lang kay Eros.
"Nakokonsensya ako, Eros. Pa'no kung may mangyaring masama sa inay mo? Hindi dapat tayo —"
"Makinig ka sakin, Eunice." pinutol niya ang sasabihin ko.
Deritso ang mata niya sakin. "Mahal na mahal kita. Hindi ko hahayaang mapunta ka sa iba kase kasal na ako. Alam ko, matatanggap din ito ni inay. Magtiwala ka sakin." puno ng kompyansa ang boses niya.
I can't help but to nod. Pinikit ko ang aking mata at tsaka bumuntong-hininga. I know this is something betrayal. Hindi dapat kami tumakas. Ngunit ito ang natatanging paraan upang hindi matuloy ang kasal mamaya.
Hawak-hawak niya ang kamay ko habang naglalakad kami. Minsan ay binubuhat niya ako kapag maputik ang daan. I can't help myself to smell his hair. A mixture of mint and gel. Nakaka-lalaki. Parang gusto kong dumaosdos sa buhok niya at langhapin ito buong byahe.
Nakarating kami sa paradahan. I saw the same man who brought me to Eros house. Bahid ang ngiti sa labi niya.
"Uuwi ka naba, hija?" tumingin siya sakin. "Oh kaloy, ihahatid mo ba ang itong dalaga?" he asked him.
"Opo manong." sagot niya.
Bubuhatin sana ako ni Eros papunta sa tricycle ngunit umayaw na ako. Nakakahiya naman, ang bigat ko pa naman!
"Ilang araw ka palang diyan diba?" napalingon ako kay manong. He is looking for my answer.
"Hm, opo. Anim na araw." simple kong sagot.
Hinawakan ni Eros ang kamay ko at marahang hinalikan. Tinitigan niya ako. Puno ng kagalakan ang mata niya. Like they are telling something alluring.
Tahimik kami buong byahe hanggang sa naka-abot din. Nagbayad kami ngunit kagaya no'ng una ay hindi iyon tinanggap ni manong. Nagpasalamat kami bago nagtungo sa sakayan ng bus.
"Ang lakas mo kay manong, ha?" rinig kong biro si Eros.
"Dalaga nga kasi." biro ko kaya natawa siya.
"Oh tatlong tao pa! Tatlong tao pa!"
Agad naming narinig iyong konduktor na bumaba sa bus upang isigaw 'yon. Tumungo kami do'n saka pumasok.
Sa pinakadulo kami umupo. Katabi ko ang isang matandang babae na may headset sa taenga. Okay, I need to force myself not laugh! Eh kasi, nakakatawa talaga!
Pinisil ni Eros ang pisnge ko bilang tanda na huwag akong tumawa. Kinagat ko nalang ang labi ko. Okay, move on self.
Ilang oras ang byahe papunta samin kaya hindi ko namalayang nakatulog ako sa bisig niya habang hinahaplos ang aking buhok.
BINABASA MO ANG
Fire and Affection
General FictionIKATLONG TUKSO! [COMPLETED] Will you believe that an arrogant and demanding girl can be a slave of a boy who is down-side different from her?