Pagkauwi ay nadatnan ko sina mama at papa. They were talking. Halatang seryoso ang pinag-usapan.
"Mom. Where's Eros? Bakit hindi niya ako sinundo?" Iyon ang bungad ko. Natahimik sila at umupo.
"Hindi ba nasasabi sa'yo ni Eros, anak? He's leaving. Bumalik siya sa probinsya nila. Didn't he told you that?" Anunsyo ni mama. I'm in the mid-way of confused and disoriented.
"What are you talking mom? Ang sabi niya ay hihintayin ko siya!" Bahid sa tono ko ang inis.
"No'ng isang gabi palang niya sinabi samin, Eunice. I thought it's nothing for you 'coz he ain't even important, so why giving concerns?" Natulala ako sa sinabi dad. No'ng isang gabi? That was the time he brought me to mansion!
"No dad! Can't you see? I'm affected by his leaving! It's already a hint to say he's important to me!" Alingawngaw ko. Kita ko ang pagsiklab ng galit ni dad.
"Is that what you get from him? Being respectful? Huh!" Halos mapapikit ako sa galit ni dad. Hinawakan ni mama ang kamay ni papa upang hindi dumapo sa pisnge ko.
Hinarap ko si dad. "At mas lalo akong magwawala dad kung hindi niyo siya pababalikin dito!" Ani ko sa paghahamon na boses.
"Siya ang nagdesisyon no'n, anak! It's not us! We don't know the reason behind. Bigla nalang siyang nagpa-alam samin!" Sumigaw narin si mama. Nasindak ako hindi dahil sa boses kundi dahil sa rason. He just left me like nothing happened to both of us?!
Pinakalma ko ang sarili. I took a deep breathe. "Where is he now, mom? Saang probinsya si Eros ngayon?" Tanong ko.
Sinapo niya ang noo. "Don't tell me you'd follow him?" her question fluctuate between confusion and disgust.
Itinaas ko ang mukha. I don't want them to see I'm afraid of my decision. "Yes mom." I simply said.
"Asshole! Anong pinakain ng lalaking 'yon sa'yo, Eunice? Nahihibang kana ba?" Hindi makapaniwalang tugon ni papa. Kinagat ko nalang ang pang-ibabang labi.
"Dad, I'm serious. I can't stand here while he's away. You know that." parang nabiyak ang kaninang matigas kong sigaw. Namumuo ang luha sa mata ko.
"Okay fine. Ibabalik ko si Eros dito bukas na bukas —" pinutol ni papa si mama.
"Yuline! Don't tolerate your daughter!" Ani papa ngunit mababa ang boses.
"I didn't, lauriel." Hinarap ako ni mama. "She had matured." Ani mama.
Hindi ko mapigilang mapangiti. "Thankyou mom." Hinarap ko si papa. "Dad, please?" I asked his approval.
He took a deep breathe. "Fine. Just don't hesitate to —" hindi kona siya pinatapos at niyakap ko agad. Mom supported.
"Tss, we're having a drama here." Ani papa sa gitna ng pagyakap. I chuckled.
Kinabukasan ay nagtungo ako sa hardin. Sa ika-apat na kuwadra. I saw elyo and chong busy with their jobs. Nandoon din si daphne.
"Wala po rito si Eros, Miss Eunice." bungad sakin ni elyo. He gave me a sad face.
"Sinabi niya ba sa inyo na aalis siya?" I asked without giving attention to his question.
Tumayo si chong. "Uhm, sa totoo lang po, sinabi niya samin na huwag sabihin sa inyo na aalis siya. Siguro ay ayaw niya kayong masaktan." sagot ni chong. Kumunot ang noo ko.
"Sana naman ay sinabi niyo sakin." huminga ako. "Alam niyo ba ang address niya?"
Pinasadahan ko ng tingin si daphne. Hindi siya makatingin sakin tila may itinatago.
"Hindi Miss Eunice, e. Kahit sino samin wala talaga." sagot niya. Napayuko ako. Now what should I do?
Nagpa-alam ako sa kanila na aalis na ako. Nagtungo ako sa kwarto at naligo. Nagsuot ako ng maayos na kasuoton. Bumaba ako sa ibaba na parang walang gana.
"Uhm, magandang umaga Miss Eunice." nagulat ako nang makita si daphne sa loob ng pinto. She still wore her job shirt.
"Anong ginagawa mo dito, daphne?" medyo tumaas ang boses ko.
Lumapit siya. "Huwag po kayong mag-alala, hindi ako naparito para mang-gulo. Ang nais ko lang ay ibigay ito." she explained.
Inabot niya sakin ang isang papel. Nagdadalawang-isip akong tanggapin ito ngunit inalok ko rin.
"Ano 'to?" I asked in the midst of reading the context. When I read it, nakasulat doon ay petsa at pangalan ng isang lugar. Inangat ko ang mukha sa kaniya.
"Tama kayo. Address iyan ni Eros sa probinsya nila. At ang petsa nandiyan ay ang araw no'ng hinatid ka niya sa bahay niyo." nagulat ako doon. Anong pinagsasabi niya? Ibigsabihin —
"Sinundan ko kayo no'ng araw na'yon. At alam kong sa oras na'yon, mahal na mahal ka ni Eros." Sabi niya. Hindi ako makapaniwalang ginawa niya 'yon!
"Pa'no kung hindi 'to totoo? What if you're deceiving me?" bahid sa boses ko ang duda.
Umiling-iling siya. "Hindi po, Miss Eunice." nagulat ako nang may landas ng luha sa pisnge niya.
"Noon paman, nagseselos ako sa atensyon na binibigay ni Eros sa iyo. Ang sakit po. Kasi ako 'yong nauna. Ako 'yong nandiyan no'ng mga oras na walang-wala siya. Ako po ang nando'n. Tapos nung dumating ka, wala na. Ikaw na ulit. Ikaw 'yong pinili." Yumuko siya at pinahid ang luha. Napakagat ako sa labi ko. I can't believe this!
Hinawakan ko ang balikat niya. Niyakap ko siya. Kahit mas matanda siya sakin ay alam kong karapat-dapat siyang suklian ng yakap. Hindi ko inakalang makakasakit itong pagkagusto ko kay Eros. Marahil ay ganito ang tadhana.
"Don't worry, hindi ko sasayangin 'yang luha mo para sa wala. I'll keep Eros." I said and smiled widely.
Hinarap niya ako suot ang namumugtong mata. "Puntahan niyo po siya Miss Eunice. Mahuhuli po kayo." aniya. Kumunot ang noo ko.
"Anong mahuhuli? Anong mangyayari?" napatanong ako.
"Hindi ko po iyon masasagot. Tanging si Eros lang po." Sagot niya.
Nagpa-alam sakin si daphne. Babalik siya sa trabaho.
Anong sinasabi niyang mahuhuli ako? Anong ginagawa ni Eros? Bakit siya umalis?
BINABASA MO ANG
Fire and Affection
General FictionIKATLONG TUKSO! [COMPLETED] Will you believe that an arrogant and demanding girl can be a slave of a boy who is down-side different from her?