Linggo na ngayon. Ito ang araw na aalis kami ni Eros upang magtungo sa kaniyang probinsya. Unfortunately, hindi kami maka-usad dahil sa mga pinsan ko na kakabalik lang.
"Ghad! Can't believe that you were falling for his grecian-looks, Eunice!"
Kanina pa ako naririndi sa boses ni lumiya sakin. Naiirita ako sa panliliit niya kay Eros. Kesyo gwapo lang daw ang mabibigay niya sakin hindi daw yaman. Gosh? Mayaman na kami, I don't need money at all.
"So you were attracted to him, do you?" biro ko kaya bumulusong ang galit niyang mukha.
"Dah! Mataas standards ko, no! Korean-type hindi pinoy!" she panted.
"Ows? Koryanong pisot!" ani ko.
"What? Hindi sila pisot, no! Tsaka, ang gagwapo nila!" hindi siya nagpatalo.
"So hindi gwapo si Eros?" I teased her.
"Exempted siya!" natawa ako sa sagot niya. Kahit anong bagay natatawa talaga ako sa preference ng babaeng 'to.
Nasa kusina kami ni lumiya at nagtitimpla ng juice. Nasa kuwadra si Eros. Pupunta siya dito maya-maya. Mayroon lang siyang inasikaso.
"Sister lumiya, hindi basehan ang pera sa pag-ibig, okay? Tsaka, are you sure na majojowa mo 'yong si lee min ho?" tanong ko.
Pinanliitan niya ako ng tingin. "May problema ba tayo sa ganda, Eunice? Hmp?" aniya.
Humalakhak ako. I looked at her as if I'm trying to scan her features. Maganda si lumiya. Kasing-tangkad lang kami. Pang-korean ang istilo ng buhok niya pati damit. Day and night dream pati wet dream niya ang sikat na korean star. Marami sila pero 'di ko na matandaan. Hirap kaya ng pen name nila!
"Kung ako sa'yo, huwag kanang mag-assume." sabi ko tsaka nagtungo sa labas.
"Dah! Walang masama do'n!" rinig kong sabi niya kahit nasa malayo na ako.
"Oh, anong pinag-usapan niyo?" nakisali naman si jonathan.
"Eh si Eunice, oh! 'Di daw kami bagay ni lee min ho!" naabutan ko si lumiya na panay ang pagmamaktol.
"Dah! Totoo naman, e!" sabat ni auriel sabay tawa nang nakakaloko.
Kumuha ako ng mansanas sa lamesa tsaka ito kinagat.
Natanaw ko si Eros ilang metro ang layo samin. Nakasuot siya ng green sweater at jeans. Bakas ang kagwapuhan.
"Good morning!" bungad niya sakin sabay halik saking pisnge.
I saw max stood up. Lumapit siya samin. "Hi bro. Sorry sa nasabi ko no'n." nagulat ako sa sinabi niya. Is he asking forgiveness to him? Wow!
Kinamayan niya si Eros at bumalik sa pagkaka-upo.
"Himala max! Nakapag-sorry!" asar ni jonathan at tinawanan siya.
"Wala ba kayong lakad ngayon? Mayroon kasi kami, e." segunda ko.
Rinig ko ang boses ni max. "Uhoy! It's okay, Eunice! Kami lang muna magbabantay sa mansion!" suhestyon nito.
BINABASA MO ANG
Fire and Affection
General FictionIKATLONG TUKSO! [COMPLETED] Will you believe that an arrogant and demanding girl can be a slave of a boy who is down-side different from her?