Chapter 3

11 0 0
                                    


Umuwi si Chanel ng bahay niya na bagsak ang mga balikat dahil sa kondisyon na binigay ng ama niya. Dumiretso siya sa kwarto niya at nagbihis ng pantulog at ginawa ang kanyang skin care night routine.

Chanel: Lalong pinapasakit ni papa ang ulo ko!

Pumasok si Aleng Fe na may dalang gatas para kay Chanel.

Aleng Fe: Chanel anak, ito oh nagtimpla ako ng gatas para ma-relax ka naman.

Chanel: Salamat mama Fe, paiwan nalang po sa table.

Aleng Fe: Sige anak, pahinga ka na. Nasa baba lang ako.

Chanel: Maraming salamat mama Fe.

Agad namang tumango si Aleng Fe at lumabas na ng kwarto niya. Pagkatapos niyang gawin ang kanyang skin care night routine,  tinungo niya ang kanyang table na kaharap ng sofa na kung saan nakalapag ang gatas na tinimpla sa kanya ni Aleng Fe. Habang ininom niya ang gatas nag-iisip siya ng paraan kung paano ang gagawin niya bukas kay Love. Kilala niya ito dahil nung college palang siya ay pinakilala na sa kanya ng kanyang ama si Love.

Chanel: Ano kayang magandang gawin para matapos na tong problema na to. (pagkausap niya sa sarili)

Nag-isip siya ng nag-isip hanggang nakatulog nalang siya sa sofa.

Kinaumagahan, nagising si Chanel sa ingay ng alarm clock. Agad siyang nag-inat ng katawan mula sa pagkakabangon. Tumayo siya sa sofa na kanyang tinulogan at tiningnan ang kanyang schedule ngayong araw. Nakalagay doon na ito ang araw na kailangan niyang  mag-workout. Tiningnan niya ang orasan na nasa tabi ng kanyang pintuan at nakitang ala-sais palang ng umaga.

Chanel: Maaga pa Chanel. Kailangan muna nating mag-workout.

Agad siyang nagbihis ng sports bra na pink at black na leggings at pinaresan ng Nike rubber shoes na kulay pink. Tinungo niya ang kanyang whole body mirror.

Chanel: You're ready Chanel for workout.

Agad niyang kinuha ang kanyang workout bag at bumaba. Agad niyang tinungo ang garahe.

Mang Colas: Need driver madam?

Chanel: No I can handle (sabi niya kay Mang Colas ng may ngiti sa labi)

Agad siyang sumakay sa kanyang Ferrari at pinaharurot sa Emerald's Gym. Na-park niya na ang kotse niya at pumasok sa loob ng gym. Agad siyang dumiretso sa ladies room/locker at inayos ang mga gamit niya sa locker. Pagkalabas niya ng locker ay nakita niya si Coach Blake. Agad siyang binati ni Coach Blake at nginitian. Si Coach Blake ay matagal niya ng coach sa Emerald's Gym. Si Coach Blake ay maputi at mayroong pang-coach na pangangatawan.

Coach Blake: Chanel! magandang umaga. (saad nito sa masayang boses)

Chanel: Magandang araw coach.
(agad niya itong nginitian) Anong gagawin natin ngayon, coach? (sabay tapik sa malaki at matigas nitong dibdib)

Hindi na nagulat si Coach Blake sa ginawa ni Chanel dahil lagi namang ginagawa nito na tapikin ang malalaki niyang dibdib.

Coach Blake: Ang gagawin natin ay more on leg and butt workout.

Chanel: My favorite workout. (saad niya sa masayang boses)

Coach Blake: Simulan na natin? (aya niya kay Chanel)

Chanel: Sige po coach!

Agad silang nagsimula ng workout na more on leg ang butt. Natapos si Chanel sa workout niya ay 8:30 na ng umaga. Agad siyang umuwi at  kumain ng breakfast para may energy siya at naligo. Pinaghandaan niya ang araw na ito para mapa-ibig ang lalaking nasa kondisyon ng ama niya na si Love. Pagkatapos niyang maligo ay dumiretso siya sa kikay corner at nag-ayos ng sarili. Naglagay siya ng magandang eye shadow at kinilayan ang sarili at naglagay ng eye lashes and eye-liner and final step nag-lipstick siya na nude ang kulay. Sinunod niya ang kanyang buhok at nilagyan ito ng konting curl sa dulo at naglagay ng magandang cliff sa kanang banda ng buhok. Tiningnan niya ang sarili niya sa salamin.........

Like A B💎ssTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon