Chapter 9Wala masyadong ginawa si Chanel pagkatapos ng breakfast nila ni Love kaninang umaga. Pumunta siya sa hardin sa kanyang kwarto at sa lahat ng sulok ng bahay dahil iniisip niya kung pupunta ba siya mamaya sa dinner na inalok ng binata sa kanya kaninang umaga.
Pero, hindi lang yun ang iniisip niya. Iniisip din ni Chanel ang halikan nila kanina ng binata sa kusina. Hindi mawala sa isip niya ang init at lasa ng halik na yun na lumapat sa kanyang labi kani-kanina lang.
Buong buhay niya ay hindi siya nakalasap ng halik na katulad ng nangyari kanina. Siguro dahil masyado siyang nakakatakot kaya walang nangliligaw sa kanya.
Binaba niya ang magazine na hawak niya. Nasa sala na siya ng kanyang bahay at nakaupo sa sofa..............
Chanel: Ano ba Chanel! Umayos ka nga! Maging matapang ka, lalake lang yan. At tsaka dinner lang yun. Kayang kayang mo yun. (pagkausap niya sa kanyang sarili para lumakas naman ang loob niya)
Rochelle: Soooooooo......may pa dinner na pala hah!
Napatalon siya sa gulat ng makita ang kanyang bestfriend na si Rochelle sa pintuan..........
Chanel: Rochy!!!!!!!!!!! (sigaw niya habang napapatalon pa sa sobrang galak na makita ang kanyang bestfriend)
Sinugod ni Chanel ng yakap ang kanyang bestfriend na kakapasok palang sa kanyang bahay........
Rochelle: Na miss mo ko noh?
Chanel: Syempre naman. Welcome back. Kailangan sinabi mo na uuwi ka na sa Pilipinas para nasundo kita sa airport.
Rochelle: Nako, hindi ko talaga ginawa kasi alam kong maghohorementado ka sa airport kapag nakita mo ko, katulad ngayon. Kailangan talaga may pasigaw, Channy!
Chanel: Sorry na. Namiss lang kita talaga eh. Halos 2 years na din ng lumipad ka papuntang UK eh.
Rochelle: Nako, masyado palang nangulila ang baby egg cell ko sa akin. Nakakaawa ka naman. (panunundyong sabi nito kay Chanel)
Chanel: Nasan pasalubong ko?
Rochelle: Hindi mo ba muna ako papa-upoin.
Chanel: Ayyy sorry, tara na sa kusina nandun si Mama Fe.
Rochelle: Tara na.
Dumiretso na sila ni Rochelle sa kusina at natagpuan nila si Aleng Fe na naghuhugas ng plato.
(Warning: ang sunod na pangyayari ay medyo pang-mmk)
Rochelle: Sandali nalang......maaari bang pagbigyan.......aalis na nga........maaari bang hawakan ang iyong mga kamay.........sana ay maabot ang langit.......ang iyong mga ngiti..........sana ay masilip........
Napatigil si Aleng Fe sa paghuhugas ng mga plato at tumingin ang teary eyes nito sa anak nito at sumabay sa pagkanta ng "Torete"..........
Aleng Fe: Wag kang mag-alala....di ko ipipilit sayo......kahit na lilipad......ang isip ko'y torete sayo.........
Naiyak na si Aleng Fe sa sobrang saya na makita niya ulit ang anak nito. Napahagolgol ito na papatakbong yumakap sa anak nito.........
Aleng Fe: Na miss kita anak.
Napapaluha na din si Rochelle dahil sa nanay niyang umiiyak na din sa sobrang sayang makita siya.........
Rochelle: Ano ba yan Ma! Walang iyakan, matapang tayo eh!
Patuloy na nagyayakapan ang mag-ina ng maramdaman ni Chanel na may tumulong luha galing sa mata niya. Sa totoo lang, gusto niya ng umuwi sa mga magulang niya kahit may galit siya sa mga ito. Namimiss niya na ang nanay niya pati ang tatay niyang sabongero. Gusto niya na ng mamuhay ng masaya habang buhay kasama ang kanyang pamilya.
BINABASA MO ANG
Like A B💎ss
RomanceIsang magulong mundo, isang magulong buhay.Walang espesyal at walang pagbabago. Ngunit lahat ay magbabago pagdating ng isang lalaking nangngangalang Love. Ang magpapakinang ng mga brilyante na nasa mata ni Chanel. Ang magpapalambot sa puso ng isang...