Chapter 4

12 0 0
                                    


                     
Umuwi si Chanel sa bahay niya na may ngiti sa labi dahil para sa kanya isa itong mission accomplished para sa araw na iyon. Pero may boses sa likod ng kanyang isip na nagsasabing ang ngiti na nasa likod ng isip niya ay dahil sa kilig na naramdaman niya kani-kanina lang........

Chanel: Chanel ano bang nangyayari sayo!? (saad niya sa frustrated voice)

Siya ay nasa kwarto niya at naghahanda na para matulog. Ngunit kahit ilang oras na siyang paikot-ikot sa kama niya ay hindi siya makatulog.....

Chanel: Bakit hindi ako makatulog! (saad niya sa frustrated voice)

Tumayo siya sa kama niya para kunin ang kanyang laptop dahil manunuod sana siya ng movie. Ngunit bigla nalang niyang naisipan na magresearch tungkol kay Love.

Hindi na siya nagdalawang isip at agad niyang ti-nype sa google ang pangalang Love Acquendo. Madaming lumabas na impormasyon tungkol dito at isa isa itong binasa.

Mr. Love Acquendo, owner of Classic Cars Incorporated that have many branches all over the world because of the uniqueness of their cars, 30 years old, and a playboy.

Chanel: Oh my god! Sino kayang writer ng info na to may nakalagay talagang playboy? (pinindot niya ang image button) Sa bagay pogi naman siya at yummy. (Nagulat siya sa sinabi niya at napahawak sa bibig) Bakit ko sinabi yun, No!, pogi siya pero hindi ako attracted sa kanya! (saad niya sa frustrated na voice)

Aleng Fe: Talaga bang hindi ka attracted sa kanya Chanel?

Sa sobrang gulat niya ay napatalon siya sa kama niya at nakaupo na siya dito...

Chanel: Ano ba yan mama Fe ginulat mo naman ako. (saad niya sa nanginginig na boses at bumuntong hininga para kumalma)

Aleng Fe: Sorry anak. ( lumapit ito at umupo sa kama at inilagay ang hawak niyang gatas sa katabi nilang table) Bago pa tayo lumayo sa pinag-uusapan.... (tumingin siya kay Chanel) Chanel anak, sino yung taong sinabi mo na attracted ka?

Lumaki ang mata ni Chanel at bumilis ang tibok ng puso niya........

Chanel: Wala yun mama Fe. (saad niya sa nanginginig na boses)

Tumingin si Aleng Fe sa laptop niya at ng napansin niya itong nagbabasa agad niya iyong sinara.

Aleng Fe: Sabi na eh, alam mo anak normal lang yan sa mga babae na ma-attract sa lalake ganyan talaga ang buhay. (saad nito habang nakangiti)

Chanel: Hindi ako attracted kay Love, mama Fe. (saad niya sa pagalit na boses)

Aleng Fe: Sinabi mo na yung pangalan. (saad nito sa nanunudyong boses)

Chanel: Hindi ah!, Oh! My! God! (napatakip nalang siya ng bibig dahil narealize niya na nasabi na nga niya ang pangalang Love)

Namumula na ang pisngi ni Chanel at bumibilis na ang tibok ng puso niya.........

Aleng Fe: Ayos lang yan anak, mukha namang maayos si Love at mabait. Bakit hindi mo subukan? (saad nito sa malumanay na boses)

Chanel: Ayoko mama Fe, hindi ko kailangan ng lalake sa buhay ko! (saad niya sa galit na boses)

Aleng Fe: Alam mo Chanel nasa tamang edad ka na naman at maayos na ang buhay mo, subukan mo malay mo hindi pala katulad ng iniisip mo ang ending niyo. (saad nito sa masaya at malumanay na boses)

Namula na naman si Chanel sa mga sinabi ni Aleng Fe. Nagkakaroon na siya ng hope sa kanyang sarili, ngunit mayroong parte sa kanya na pumipigil sa sarili niya at tinatanggal ang hope na nasa heart niya.

Like A B💎ssTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon