Chapter 7Chanel: Magandang umaga Chanel. (pagbati niya sa sarili habang nag-iinat na nakaupo sa kanyang kama)
Pagkatapos mag-inat ni Chanel mula sa kanyang kama. Agad siyang tumayo at tumungo sa kanyang working table para tingnan ang kanyang schedule...........
Chanel: Shit!............inaayos pa pala ang kompanya ko. (saad niya ng narealize niya na under construction pa pala ang kanyang kompanya)
Pagkatapos niyang tingnan ang schedule niya na wala namang kwenta dahil under construction ang kompanya niya, tumayo siya mula sa pagkakaupo sa swivel chair niya at pumasok ng banyo.
Agad siyang pumasok sa banyo para mag-ayos ng kanyang sarili at pagkatapos niyang maligo ay agad siyang tumungo sa kanyang 'Kikay Corner'. Pagkatapos mag-ayos ni Chanel sa kanyang mukha tumungo siya sa closet niya at nagdamit ng common na sinusuot niya. Oversized shirt na walang suot na bra at nagsuot ng cycling na hapit na hapit.
Lumabas siya sa kanyang kwarto at bumaba para kumain ng agahan.......
Chanel: Mama Fe, may breakfast na ba ako? (tanong niya sa mayordoma ng bahay ng makita niya ito sa hardin)
Aleng Fe: Wala pa anak, kasi inuna ko munang magdilig ng mga halaman eh.
Chanel: Nasan po ba si Mang Colas, para siya ang magdilig?
Aleng Fe: Nagpaalam sakin kanina anak, hindi daw siya makakapasok ngayon dahil sasamahan niya daw ang asawa niya sa ob-gyne dahil papacheck-up daw.........Kaya tayong dalawa lang ang nandito ngayon sa bahay.
Chanel: Ahh.....ok......sige Mama Fe ako na dyan sa pagdidilig para makapag-cook ka na.
Aleng Fe: Salamat anak, pasensya na hah. (saad nito sa malungkot na boses)
Hinawakan ni Chanel ang kamay ni Aleng Fe...........
Chanel: Ayos lang ako Mama Fe, dont need to say sorry. Tsaka ano pa bang gagawin ko ngayong araw eh wala naman. So its my "Rest Day". (nginitian niya si Aleng Fe at sabay silang tumawa ng malakas sa hardin)
Aleng Fe: Salamat Chanel. (saad nito habang nakangiti sa dalaga)
Chanel: Sige na Mama Fe, magluto ka na po sa kusina para sabay na po tayong kumain. (ngitian ni Chanel ang mayordoma at pinulot ang hose para sa pagdidilig ng mga halaman)
Aleng Fe: Sa kusina lang ako anak.
(saad ng mayordoma habang naglalakad papasok ng bahay)Chanel: Sige po, Mama Fe. (saad niya habang nakangiti)
Pagkaalis ni Aleng Fe sa hardin, pinihit niya ang gripo para bumukas ulit ito. Pagkabukas ng gripo ay agad niyang tinutok ang dulo ng hose sa mga halaman para madiligan na ito.
Habang nagdidilig siya ay naalala niya ang nangyari kahapon. Ang pagdala kay Blake sa ospital dahil nalaglagan niya ito ng dumbbell sa paa, at ang pagbibigay sa kanya ng trabaho na parang parusa sa kanya ni Love...........
Chanel: Kamusta na kaya si Coach Blake sa-------------
Love: Sana maayos lang siya noh?
Napatalon sa sobrang gulat si Chanel at nabitawan niya ang hose na hawak at nalaglag ito sa lapag.......
Chanel: A-anong g-ginagawa m-mo d-dito? (saad niya habang nanginginig dahil sa sobrang gulat na makita si Love sa bahay niya)
Love: Binibisita ang fiance ko...........bakit bawal ba? (saad nito at kumindat pa sa dalaga)
Chanel: Bakit ka nga nandito hah!? (pasigaw niyang sabi) Alam mo kung wala kang dahilan na maganda para pumunta dito, umalis ka nalang kasi madami pa akong gagawin! (pagsisinungaling niya ng may kasamang pag-irap sa binata)
BINABASA MO ANG
Like A B💎ss
RomanceIsang magulong mundo, isang magulong buhay.Walang espesyal at walang pagbabago. Ngunit lahat ay magbabago pagdating ng isang lalaking nangngangalang Love. Ang magpapakinang ng mga brilyante na nasa mata ni Chanel. Ang magpapalambot sa puso ng isang...