Prologue

1.7K 36 0
                                    

Prologue

Tin's POV

"SI XANDER VELAZQUEZ, ANDYAN NA!!!!!"

Mabilis pa sa mga animo'y gutom na leon, na nagsitayuan ang mga estudyanteng nasa Cafeteria, matapos may babaeng sumigaw ng ganyan sa may pintuan. Halos karamihan, puro babae ang tumatakbo, at nag-uunahang makalabas dito sa cafe.

Kahit 'yung mga babaeng kanina kasiksikan ko dito sa mesa, bigla na lang parang bula na nagsiwalaan. Hindi ko naman maiwasang magtaka dahil sa nangyari.

"Ano kayang meron?" takang-tanong ko sa sarili ko, bago nagpasyang ipagpatuloy ang pagkain ng in-order 'kong lunch.

"Newbie ka dito?"

Napaangat ako ng tingin at napatigil sa pagsubo ng pagkain, nang matagpuan ko ang isang babaeng may kulay red na buhok, nakasuot ng salamin, at may nakataas na kilay habang nakatingin sakin. "Ako ba ang tinatanong mo?" naninigurado ko namang tanong.

She nodded twice, before dropping her both palm on the table, and sat across me. "Oo. Ikaw at ako na lang naman ang natitirang babae dito." may pagkamataray na sagot nito, "And as if namang sasayangin ko ang laway ko sa pakikipag-usap sa mga manyak na lalaking 'yon." anito, sabay nguso sa isang kumpol ng lalaki, na nakaupo di kalayuan samin.

And actually, sila na lang din ang mga kasama naming natira dito. Mukhang umalis 'yung ibang lalaki dahil nagsi-alis na 'yung mga babae. "Teka nga, hindi mo pa sinasagot ang tanong ko." muling pagsasalita nito, na muling nakakuha ng atensyon ko. "Newbie ka?"

Tumango naman ako, "Oo."

Napatango-tango naman 'yung babae, bago tumayo mula sa pagkakaupo sa kaharap 'kong upuan, at may pagmamadaling lumipat sa tabi ko, at agad na ngumiti. Nawala bigla ang mataray na expression sa mukha nito kanina. "Pareho pala tayo! Yes. May kasama na akong bagong salta!" puno ng kagalakang hiyaw nito, bago ako tinignan, na tila ba ako ang sumalba sa kanya mula sa pagdurusa.

Napangiwi naman ako nang mahigpit niyang hinawakan ang braso ko, gamit ang mga kamay niya. "S—so ibig sabihin, newbie ka din?"

Tumango naman ito ng mabilis. "Oo. Actually, kanina pa nga ako pagala-gala dito e. Wala kasi akong makausap. Para kasing ang susungit ng mga tao dito, tapos grabe pa kung makatingin sa buhok ko. Hayst. Akala mo naman may kakaiba sa buhok ko para pagtinginan nila." tila matagal na kaming magkakilala, kung magkwento ito sakin. Feeling close? Pero, ayos na lang din ito. Atleast may makakasama na ako dito sa bago 'kong school.

"Alam mo, totoo naman kasi. Kakaiba naman kasi talaga ang kulay pula 'mong buhok." wika ko naman, na ikinangiwi nito, sabay haplos pa sa buhok. "Eh kasi naman. Paborito ko kayang kulay ang red, tapos wala naman sa rules and regulations ng School na ito na bawal ang may kulay ang buhok, so I assumed na ayos lang." paliwanag naman nito.

Sumang-ayon naman ako dahil tama sya. Wala naman talagang nakasulat sa manual book ng school na bawal ang may kulay. Masyado lang sigurong catchy ang napili niyang ikulay sa buhok nya.

"Anyways, maiba tayo, narinig kita kanina na nagtatanong 'kung bakit nagtakbuhan 'yung mga babae palabas ng Cafeteria. Alam mo, feeling ko mala-wattpad story to e. 'Yung tipong, dumating na 'yung hot campus crush, kaya naman agad na nagkagulo 'yung mga estudyanteng babae ng campus, para salubungin ang pagdating 'nung gwapong nilalang na iyon." tila nagde-daydream na sabi nito, habang may papungay pungay pa ng mata.

Pero, napaisip din naman ako sa sinabi nya. Well, nagbabasa din naman ako ng wattpad, at karamihan nga ng story ay may ganoong eksena. Napaisip tuloy ako kung ganoon ba talaga ang nangyayari ngayon sa labas. Pero teka nga, "Wait lang, kanina pa tayo nag-uusap pero di ko naman alam ang pangalan mo." saad ko nang maalalang hindi ko pa naman sya kilala.

Mabilis naman itong umayos ng upo at ngumiti. "Oo nga pala, anyways, I'm Glenzyl Fernando, 18, from the beautiful subdivision where beautiful woman like me lives, Mahogany Subdivision." anito, kasunod ang paglahad ng kamay sa harap ko.

Pinipigilan 'ko namang mapangiwi habang inaabot ang kamay nitong nakalahad. "I'm Celestine Alexis Alonzo, 18 din." sagot ko naman, hanggang sa magdaop ang palad naming dalawa.

Magsasalita na sana ulit si Glenzyl nang sakto naming makarinig kami ng malakas na tilian sa labas ng cafeteria. Halos sabay kaming napatingin sa entrance, at sakto namang may isang gwapong lalaki na naglalakad papasok, na sinundan ng mga kababaihan.

Nakasuot ang lalaki ng uniform nang mga nasa IT course, at talaga nga namang masasabi 'kong ang gwapo nya. Dumiretso ito sa counter, at nakipag-usap sa isang tindera doon. Maya-maya, may inabot itong kulay itim na card sa tindera, at agad na 'ding kumuha nang tray, at nagsimulang lagyan iyon ng mga pagkain.

Hindi ko naman mapigilang hindi sundan ng tingin ang bawat kilos ng lalaki. At habang busy ito sa pagkuha ng mga pagkaing kakainin nito, hindi ko mapigilan ang mapa titig sa gwapo nitong mukha.

Well, may dahilan naman pala talaga 'yung mga babae dito na magkagulo, dahil sobrang gwapo nya.

Anang utak ko, at hindi ko na napigilan pa ang mapahalumbaba, habang ang mga mata ko ay para nang magnet na nakasunot sa bawat kilos nito. Hanggang sa natapos na itong pumili ng ulam, at naglakad na patungo duon sa may dulong bakanteng upuan.

At nang makaupo ang lalaki, para na namang mga nagu-unahang mga tigre ang mga babaeng nakasunod dito, at gusto atang makalapit sa kinaroroonan ng lalaki. Maya-maya ay medyo gumalaw naman ang table namin, nang may mga babaeng nagsiupo sa tabi namin ni Glenzyl.

"Shit! Sabi ko naman kasi sayo dito na lang tayo e. Edi sana, nauna tayo duon sa pinaka-malapit sa pwesto ni Xander. Aish!"

Rinig 'kong bwelta nung isang babaeng estudyante na kakaupo lang sa may tabi namin. Lihim naman akong napangiti, Hmmm, so Xander pala ang pangalan niya.

Anang isip ko, bago muling tinuon kay Xander ang tingin ko.

And that's when I first saw him, The handsome, Alexander Greek Velasquez.

***

You are Exclusively Mine ©2020 written by mizbrokenangel.

DISCLAIMER:

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, songs, places, events, and incidents are either products of the author's imagination or used in fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

PLAGIARISM IS A CRIME PUNISHABLE BY LAW.

A/N: New story alert. Kindly support.  💙

Lin Yi as Alexander Velasquez 💙

You are Exclusively Mine (Available On Dreame/Yugto)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon