Chapter 2
Tin's POV
"GLENZYL marrying! Marrying ang naka-post sa wall nya. Ano 'bang ibig sabihin 'non? Bakit ganon ang post nya? Ikakasal ba sya? Or, nagpaplano na ba siyang magpakasal? Sino? Sino ang papakasalan niya? Malabo namang ako, kasi hindi nya naman ako kilala, atsaka hindi pa naman sya nagpo-propose sa ak—araaay!" napaigik ako nang maramdaman ko ang malakas na pagbatok ni Glenzyl sakin.
Masama ang mukha nito habang nakatingin sa akin. "Naniniwala na talaga akong may saltik ka, Celestia. Ang adik mo rin na isipin na may tendency na ikaw ang pakasalan, eh hindi nga nya ata alam na may Celestine Alexis Alonzo na nage-exist sa mundo." masakit, ngunit totoong sabi pa nito. "Hoy, Celestia. Ito ha, advice lang, wag 'mong masyadong seryosohin iyang post ng future jowa mo, malay mo nai-post niya lang yan kasi nabasa nya, o may napanoon sya na tungkol sa kasal, or baka naman assignment lang nila yan." anito, na ikinasingkit naman ng mata ko.
"Assignment about kasal? Seryoso ka ba, Glenzyl? Remember, IT sya, hindi theology. Bat naman sya magkaka-assignment about kasal?" nakasimangot ko namang tanong, bago napatayo, at napanguso. "Baka naman talagang magpapakasal na sya." ani ko, bago nilingon ang kaibigan. "Baka naman totoong may girlfriend sya, tapos naisipan niya nang lumagay sa tahimik kasama ang babaeng iyon? Paano na ako? Paano 'yung nararamdaman ko? Ni hindi pa nga ako nakaka-amin tapos ganito na agad, ikakasal agad? No Glenzyl. Hindi pwede. Hindi ako papayag!" maktol ko, habang pinipigilan ang tuluyang pagbagsak ng luha ko.
"Hoy Celestia! Kung totoo man 'yang hinuha mo na ikakasal si Xander, walang silbi kung tutol ka o hindi. Hindi ka naman magulang ni Xander para pigilan sila, at mas lalong hindi ka rin pari na pwedeng wag ituloy ang kasal nila if ever. Stalker ka lang, sis. Stalker. Hanggang stalk lang. Hindi nya kailangan ang opinyon mo." may diin nitong sabi, na talagang nagpaluha na ng tuluyan sakin.
"Glenzyl naman e!" iyak ko pa, "Bakit ba ganyan kasakit magsalita? Kaibigan ba talaga kita, ha? Dapat kino-comfort mo ako , bat parang mas dinudurog mo pa ang puso ko?" may halong panunumbat 'kong tanong na ikinairap lang nito.
"Grabe 'yung durog ah. Mukha ba akong martilyo?" balik na asik naman nito, bago lumambot ang mukha, at agad na tumayo, at nilapitan ako. "Look, hindi pa natin alam kung totoo ba 'yong kumakalat na news regarding sa post ni Xander, kaya wag muna tayong mag-conclude. Madami 'pang possibilities na pwedeng dahilan kung bakir sya nakapag-post ng ganon, kaya wag ka munang umiyak. Ang mabuti pa, imbes na yan ang inaatupag mo, bat di natin pag-usapan kung kailan ka..." huminto ito at luminga-linga sa mga kaklase namin, at lumapit sa tenga ko, para ibulong ang kadugtong ng sinasabi nito. "...aamin sa nararamdaman mo kay Xander." anito, at agad na lumayo.
Nagpunas naman ako ng luha, at muling naupo sa upuan ko, na nasa likod lang ng upuan ni Glenzyl. Mabilis din naman itong bumalik sa pagkakaupo, paharap sakin.
"Gusto ko na talagang umamin sa kanya this week, Glenzyl." panimula ko. "Gusto 'ko na maging vocal na ako sa nararamdaman ko sa kanya."
"Eh hindi ka ba natatakot na baka mabasted ka?"
Napanguso naman ako. "Natatakot, pero hindi naman pwede na matakot lang ako diba? Paano na lang 'kung hindi naman pala katulad ng kapalaran ng iba ang kapalaran ko? Paano pala kung matagal na din akong gusto ni Xander? At katulad ko, paano 'kung stalker ko din pala sya, diba?" paliwanag ko, na mukhang ikinairita ni Glenzyl kaya agad ako nitong tinalikuran. Napanguso naman ako lalo dahil sa ginawa nito. "Glenzyl~" tawag ko pa, pero hindi na ito muling lumingon pa, hanggang sa tuluyan nang nagsidatingan ang mga classmates ko, kasunod ang prof namin.
7:00 am ang klase namin, at 7:30 dumadating si Xander, kaya iyon ang time kung kailan magulo sa labas ng bawat classrooms. Gusto ko din sanang makigulo doon sa pag-aabang at pagsalubong kay Xander, kaya lang, syempre, hindi ko naman pwedeng ipagpalit ang subjects ko para doon.

BINABASA MO ANG
You are Exclusively Mine (Available On Dreame/Yugto)
Novela Juvenil[Completed ☑] Matagal ko na siyang gusto, at matagal tagal na rin akong hanggang tanaw lang sa kanya. Paano ba naman hindi? Sa oras na makikita ko siya, lagi siyang napapalibutan ng mga fangirls niya. Kapag naman makakasalubong ko siya, imbes na gum...