Chapter 3

492 18 0
                                    

Chapter 3

Tin's POV

HUMAHAGULGOL na ako dahil halos kanina pa ako umiiyak dito sa ICT Garden, kasama si Glenzyl. Ilang minuto na din simula 'nung umalis si Xander, at iniwan akong luhaan dito. Hindi ko mapigilan ang pagtulo ng luha ko dahil sa mga masasakit na salitang sinabi ni Xander sa akin kanina, pakiramdam ko, pinira-piraso ng mga salitang 'yon ang puso ko.

"Celestia naman. Tama na." pang-aalo naman ni Glenzyl sakin,  habang marahan na tina-tap ang balikat ko. "Nasabi lang ni Xander sayo 'yon dahil nabigla lang sya. Look, hindi ka pa niya kasi kilala kaya iyon ang mga nasabi nya sayo, at expected naman natin 'yon diba, kasi unang beses mo pa lang umamin ngayon." dagdag nito, na mabilis 'kong ikinalingon.

"Unang beses nga, pero ganito na agad. Sabi nya wala syang pakialam sa akin, atsaka sinabi nya pa na may sayad ako. Glenzyl, masakit. Ayoko na. Dati naman, kahit na unang beses ko palang umamin sa mga crush ko, hindi sila ganito kasakit magsalita, pero si Xander, tagos hanggang buto 'yung mga sinabi niya." umiiyak 'ko namang sagot, bago pinunasan ang mga tumutulo 'kong luha gamit ang kamay ko. "Siguro, wala naman talaga akong pag-asa. Susuko na ako. I now believed that Xander will never be exclusively mine. Halata sa mukha at sa asta nya kanina na wala talaga siyang pakialam, kaya naman ayoko na. Susukuan ko na ang nararamdaman ko." puno ng emosyon 'kong sabi, habang patuloy pa rin ang pagluha.

Agad namang tumayo si Glenzyl mula sa pagkakaupo sa tabi ko, at nakapamewang na tumayo sa harap ko. "Hoy Celestine Alexis Alonzo! Unang beses mo pa lang umamin ngayon, susuko ka na agad? Halos magta-tatlong taon na kitang kaibigan at ngayon ko lang narinig ang salitang 'suko'  sa bibig mo. Pakinggan mo ako ha, ang Celestine na kilala ko, palaban. Hindi basta basta sumusuko. Remember, magta-tatlong taon ka nang nagtitiis na tignan lang si Xander mula sa malayo, pero noon nga hindi ka napagod sa kakasunod sa kanya, tapos ngayon na nagawa mo nang umamin at kausapin siya, sasabihin mo na susuko ka na? Celestia naman, wag mong sayangin lahat ng paghihirap mo. Tandaan mo na walang taong nagtatagumpay sa buhay na sumubok lang ng isang beses. Isipin mo na lang na dahil sa nangyari kanina, ngayon, kilala ka na niya. Alam niya na na may isang Celestine Alexis Alonzo na nage-exist sa mundo. O diba maganda yon? Anytime now, pwede mo na syang lapitan, nang hindi natatakot kasi naamin mo na ang nararamdaman mo." mahabang litanya ni Glenzyl, na tila nakapagpagising naman ng diwa ko. Tama siya. Hindi ako ang Celestine na 'to. Ang totoong Celestine, matapang at palaban. Hindi basta bastang susuko.

Napahugot naman ako ng malalim na hininga. "You're partially right." sang ayon ko naman, na ngayon ay medyo tumitigil na ang paghikbi ko. "Nasaktan lang siguro talaga ako, kaya puro negative ideas ang pumapasok sa utak ko." dagdag ko pa, bago muling bumalik sa pagkakaupo sa damuhan ng ICT Garden, at binigyan ng kemeng ngiti si Glenzyl. "Hindi ko rin naman sya kayang sukuan ng basta basta. Feeling ko, hindi ko lang basta gusto si Xander, Glenzyl. Kasi kung gusto ko lang sya, hindi ako ganito ngayon, na sobrang nasasaktan. Feeling ko, mas malalim pa sa 'gusto' ang nararamdaman ko." pag-amin ko, na agad ikinangiti ni Glenzyl.

"At sa wakas, nagbalik na ang Celestia na kilala ko! Hooray!" parang baliw namang ani nito, na ikinairap ko, bago agad na inangat ang relo sa pulsuhan ko. Agad na nanlaki ang mata ko nang mapagtanto ko kung anong oras na. "Glenzyl! Malapit nang mag 4 pm! Lagot na ako kay Daddy!!!" may bakas ng takot 'kong wika, at kaagad na tumayo, at sinukbit ang bag ko.

Ganuon din naman ang ginawa ni Glenzyl, at halos sabay kaming tumakbo papuntang Parking Lot ng Goldridge University. Shit! Lagot ako kay Daddy! I'm sure kanina pa 'yon nasa Parking! 

Dahil sa takot na nararamdaman ko, mas binilisan ko pa ang takbo ko, hanggang sa makarating kami ng parking lot. Agad naman nahagip ng mata ko ang pamilyar na kotse na palaging ginagamit ni Daddy, kaya duon ako sa tapat nun huminto, habang palihim na napapalunok. Goodness! Sana naman hindi sya galit. Huhuhu. Lihim 'kong dasal, bago tuluyang kinatok ang windshield ng kotse ni Daddy.

You are Exclusively Mine (Available On Dreame/Yugto)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon