HIVE's POV
~krrriiiiiiing~ RECESS
*TING TINIG TING*
Napatigil ako sa paglalakad patungong canteen ng mag tumunog yung phone ko.
Dad❤️
Good day son! Punta ka dito sa restaurant natin. Sabi sakin ng mom mo na di ka daw nag agahan? tsk tsk. Sabing wag magpapagutom eh! Punta ka na, kasi alam naming recess time mo na! Take care.Recieved: 9:15 am
Pagkatapos kong tignan yun ay ibinalik ko sa bulsa saka ako pumuntang parking.
"Pare! Saan punta mo?!" Malakas na sigaw ni Clint na sumalubong pa talaga sakin at may babae siyang kasama.
"Kailangan talaga naninigaw?! Sa resto pinapunta ako ni dad, sama kayo?" Aya ko sa kanila
"Ahh wag na pare tsaka may date—— ah! Muntik ko ng makalimutan! Siya nga pala pare, this is Khareine Zamora 3rd year siya and ahmmm baby? He's Hive Ren Quintos bestfriend ko at ka year ko lang" nakabungisngis niyang pakilala sakin.
'Sess kahit kailan talaga! Ano kayang nangyari sa kanila nung chic kuno niya na nasa section B? at saka ano daw? BABY?!HAHAHHA KADIRI amputs!'
"Ah Hi? Nice meeting you hehe" nakangiti kong sabi habang nilahad ang kanang kamay ko.
" HEHE nice meeting you too!" Natigilan ako nung nakangiting kuhanin niya ito.
'Parang may something na di ko ma explain para kasing,may kulang na biglang nabuo? Ay ewan ! Basta magaan sa pakiramdam yung presence niya!'
Maganda, makinis, di din masyadong payat saka ang aliwalas tignan ng batang mukha nito.
"Hey heeeeey HEY! Pare! She's mine and MINE only! Kung makatitig ka kasi eh! Gusto mong masapak?!" Galit kunwaring sigaw niya at inagaw agad yung kamay naming magkahawak.
'Tsk seloso HAHAHA'
"HAHAHHAHAHA don't worry pare I'm not interested saka mauna na ako sa inyo baka inaantay na ako nila mom, bye! Ahh Bye Khareine!" Nginitian ko sila pareho.
'Di ko talaga mawari kung ano tong naramdaman ko'
Pumunta nalang ako sa motor ko saka sinuot ang helmet nito at humarurot.
After 5 min. ay nasa resto na ako. Diretso akong pumasok at nakita ko naman sila mom at dad na nag uusap.
"Hi Guys!" Nakangiting bati ko habang papalapit sa kanila.
"Oh! Buti nandito ka na! Kumain ka na anak!Sigurado akong gutom ka na!" Sabi ni dad. Pumunta naman ako sa kanya at yumakap. Nasa kabilang side kasi siya sa table kung saan magkatapat sila mom."Oo nga dad! Gutom na talaga ako! May pinakilala kasi sakin si Clint kaya natagalan HAHA! Tsaka dalian ko lang po yung kain ko ah! Baka kasi malate pa ako eh! Hehe" sagot ko kay dad.Saka lumapit naman ako kay mom na nakangiti na sakin saka ako nagbeso.
"Hi Gorgeus!" Malambing kong bati kay mom
"Hahaha humanap ka na ng babae sweetie at tatawagin mong ganyan nang kiligin din" kinikilig na sabi niya. Saka ako pumunta sa upuan ko.
Nag umpisa na akong kumain kasi gutoman talaga ako ngayon! Tapos dagdagan pa ng stress na nangyari kaninang umaga!
'hay buhay parang life!'
Patapos na akong kumain ng may di ko inaasahang sasabihin si dad.
" Ah Ren? What course would you like to take in college?" Tanong niya.