LORWN's POV
~kriiiiiiinggggggg~ LUNCHBREAK.
10:45 A.M.
'haaaaay'
Nag inat ako ng braso sa kinauupuan ko,saka tinignan ko ang oras sa phone. Kailangan ko ng magmadali kasi di gusto ng boss ko ang late. Kung sino ng late siya ang muna ang hahatulan ng kapareho sa hinahatol sa bagong salta.'Tsk tsk!'
Nagpahuli akong lumabas ng room. Kakaiba kasi ang inasta nung classmate ko. Psh! Naasar siguro sakin.
'Mainam naman kung ganoon!'
Tinanaw ko ang kabuuan ng classroom at kami nalang dalawa ang natitira. Napailing nalang ako at lumabas ng room.
"Oh! hey there Ms. Snobber?" sabi ng isang lalaki. Tumigil naman ako sa paglalakad at hinarap siya. Naka lean siya ng konti sa pader at ang parehong kamay ay nasa bulsa habang nakangiti na parang model habang tataas taas naman ang kilay.
'Teka? Sino nga ba to? Ah!?'
Nanatili lang itong nakatitig sakin. Psh
"Wag mong sabihin di mo ko nakilala? O sige! Ako yung lalaking tumulong——"pinutol ko siya.
"Ang pakialamerong lalaki na pinakialaman ako na parang kung sino?" Sarkastikong sabi ko't nagpatuloy sa paglalakad. Pero sumunod parin siya sakin na nakatagilid kung maglakad habang kumukumpas ang kamay.
"Alam mo ba yung salitang 'nag aalala' miss snobber ha? Naawa kasi ako nung makita kitang natalisod sa bato nung paglapag mo sa lupa. Teka? Bakit ka nga pala tumalon don? Eh pwede ka namang lumabas ng maayos sa gate ah! At saka——"
"Teka! Pwede ba?! Ang dami mong tanong eh! Ano bang pakialam mo sakin ha?!" Sigaw ko sa kanya habang naka harap at pinanlakihan siya ng mata. Nakakairita na kasi! Di naman malakas ang pagkakakasabi niya pero di ko alam kung bakit pinagtitinginan kami ng mga babaeng ang aarte sa suot habang nagtataasan ng kilay. Tumingin ako sa kanya pero nanlulumo ang mukha niya."May pupuntahan pa ako, una na ako sayo." Sabi ko nalang. Kawawa kasi ang mukha niya, sarap sampalin.
Dumeretso ako sa gate kasi wala ako sa mood mag exhibition ngayon. Baka kasi matalisod na naman ako at may makilala na namang pakialamero.Agad akong pumara ng taxi at pumunta agad sa tagpuan namin. Sinabi ko ang street at agad namang tumalima ang driver.
"Manong dito nalang po" magalang na sabi ko ng makarating ako sa kanto. Di pa ito ang kanto patungo sa distinasyon ko pero pinara ko na ito.
'Mabuti naman at di tanga tong driver na sinakyan ko ngayon tsk!'
Tinakbo ko ang pasikot sikot na kantong yun hanggang makarating ako sa kantong tahimik at malawak, di katulad nung unang kanto. Huminto muna ako para pagmasdan ang kabuuan nito. Dito kasi, kapag tutungtong ka maamoy mo na agad ang panganib. Walang bahay, puro pader na kulay gray na lagpas ulo ko lamang ito at maalikabok. Kung titignan mo ang kalsada ay makikita mo ang mga bakat ng gulong ng ibat ibang uri ng sasakyan patungo sa nag iisang pupuntahan nito na siya ding pupuntahan ko
'Sa el Dungeon'
Maraming dahon ang nagliliparan galing sa mga puno na nasa labas ng pader habang binabayo ng di gaanong malakas na hangin. Tumingala ako. Ang tanging maganda lang siguro dito ay ang langit, kaya kapag pupunta ako dito ay maya't maya akong titingala, nakakakalma kasi ako kapag tinitignan ko ito.
"Beeeep! Beeeeep!" Napatigil ako sa pag iisip dahil sa businang yun.
"Kit! Bakit ka nakatayo lang dyan?Gusto mo bang maparusahan?" Psh. 'Kit' na naman?
