Chapter Three

356 15 6
                                    

A/N: Hello, Lylies ko! Thank you for waiting hihi. Ano namang masasabi niyo sa nagpapaka-tangang si Yvette kay Nathan? Do you think it is worth to love a person kahit na sinaktan na nila tayo? Because I honestly don't know— Anyway, enjoy reading! 🧸 Comments and votes are appreciated and are my motivations!

May secret akong sasabihin. Ewan ko bakit motivated akong magsulat. May crush kasi ako siguro? Idk haha. Malinaw naman sa amin na bffs lang kami, pero gusto ko parin siya. Bakit ba! Haha. Masama bang mangarap?! Haha!


NAKAUWI na si Yvette sa bahay nila at malapit na ang oras para sa  tanghalian, pero iniisip pa rin niya kung si Igo ba talaga ang nakita niya kanina.

"Ma'am Yvette, kumain na po kayo. Hindi raw po kayo nag-agahan kanina bago nag-jogging." It was one of their maids. Nasa kusina siya ngayon para uminom ng tubig at kumuha sana ng makakain sa ref, kahit yogurt lang, pero walang sila non.

"Kailangan kong mag-grocery ng pansarili kong kakainin."  sabi niya sa isip niya at isinara ang refrigerator matapos kunin ang malamig na tubig.

"Thank you, but I don't eat breakfast." she left the maid matapos uminom ng tubig atsaka nagpasyang bumalik sa kwarto niya. Ayaw niya ng kausap at naiiirita siya sa kumakausap sa kaniya.

Bago pa siya makapasok sa kwarto niya ay nahagip ng mata niya ang kwarto kung saan nags-stay si Nanay Yolly at Igo. It was their guest room, but Yvette's Mom they let Nay Yolly stay there with her son. She doesn't know why her Mom is being extra kind to them, dahil alam niya na strikta ang nanay niya. They even have seperate housing for their workers, but Nanay Yolly is an exemption.

Nagdalawang isip pa siya kung bubuksan niya ang pinto. It's been years since she last asked or even talked about Nanay Yolly and Iñigo Nathan's name. She never asked a thing about them mula nang umalis siya papunta sa States para sa trabaho niya.

Pero huli na dahil nahapit na niya ang door knob at akmang buksan na niya ito, but it won't open. Hindi ito mabuksan. It seems like it's locked mula sa loob, which is how?

Is Nanay Yolly still here?

'Yan ang tanong na naglalaro sa isipan niya na gustung gusto niyang itanong sa Mommy niya, pero sa tuwing susubukan niya ay hindi kayang lumabas sa bibig niya. Natatakot siya na baka sa tanong niyang 'yon, magtaka ang Mommy niya at halughugin ang nakaraan nila ni Igo.

"Yvette." Napapitlag siya nang marinig niya ang boses ng Mommy niya sa likuran.

"Mommy."

"Iniwan mo raw si Alberta sa ibaba nang hindi kumakain. Binilinan ko siya na kumain ka, pero hindi ka man lang—"

"Kakain po ako kapag gutom ako, Mom. Thank you po." Sagot nito atsaka pasimpleng naglakad papunta sa pintuan nito, ngunit pinigilan siya ng Mommy niya sa pagpasok niya sa kwarto.

"What were you doing?"

"I was about to look if may tao sa guest room, because I heard something inside." she lied, "Why?" She answered with a question.

"Wala naman tayong bisita..." Yvette's Mom checked and open the room herself, but it's lock, "It's lock from the inside. Ngayon ko lang nalaman..."

You Were Never MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon