CHAPTER 1

1 0 0
                                    

Ang guwapong lalaki na mula sa mayamang angkan sa San Miguel, Pampanga ay hindi pinapahalagahan ang kalikasan. Bukod sa pulitiko ang mga magulang, Nagmamay-ari sila ng sakahan ng bigas at taniman ng gulay.

Noon pa man mahilig na siya mangolekta ng mga lumang gamit at pag – aralan ang nakaraan kaya ang kaniyang trabaho ay isang anthropologist. Habang nananaliksik siya sa nahukay niyang kwintas na nagmula pa sa bansang Africa, sumagi sa isip niya ang lumang kama na nakita niya sa isang silid ng kanilang bahay. Nagniningning ito sa kagandahan ang mga disenyo nito pati ang mga materyales na ginamit at detalye ng bawat parte ay waring isang gamit na pupukaw sa atensiyon ng kahit sinuman. Lumaki lalo ang kaniyang interest kaya ipinalipat niya ang kama sa kaniyang kwarto.

Kinagabihan ng araw din na iyon, nahiga si Juanito sa kama at nakatulog. Sa nakakagulat na sitwasyon ay napunta siya sa nakaraan. Sa kanyang pagbangon nasa loob na siya ng isang silid na kaparehong-kapareho ng kanyang kama. Nakuha rin ng kaniyang atensyon na siya ay nasa panahong American colonization sa bansa. Ang bahay nito ay matatagpuan sa gitna ng kagubatan at ito ay tila nahahawig sa bahay kubo ngunit marangya ang pagkakagawa. Doon nga ay nadatnan niya ang nagmamay-ari ng silid. Nagulat sila sa isa't-isa dahil sa hindi maipaliwanag na kadahilanan.

"Sino ka at ano ang ginagawa mo sa aking silid?", sambit ni Gaia na may tingin tila may pagtataka.

"Ako ay si Juanito, hindi ko maipaliwanag kung bakit napunta ako dito, basta ang aking naaalala ay natutulog ako sa aking silid", sagot ni Juanito.

"Maaari ko bang itanong kung anong lugar ito?" tanong ni Juanito.

Hindi pa man nasasagot ng dalaga ang tanong ni Juanito, napansin niya na pamilyar ang lugar kung nasaan siya sa mga oras na iyon at iyon nga ay sa Mt. Maria Makiling.

Iyon nga ay nakumpirma naman ni Gaia sa binata.

Ang dalaga ay isang Primordial Goddess of Earth. Ito ay pinuno ng maliit na imperyo noong panahon na iyon na may hidwaan sa pinuno ng kabilang imperyo na pinamumunuan naman ni Perses - God of Destruction.

Ito'y may matinding pagmamahal sa kalikasan at mga hayop. Hindi nagtagal naging magkaibigan at madaling nagkapalagayang loob ang dalawa. Noong una ay napaghinalaan ni Gaia ang binata na isang espiya ng kabilang imperyo. Hanggang nagkausap ang dalawa. Sinabi niya na galing siya sa present life.

"Alam kong hindi madaling paniwalaan kung aking sasabihin na ako'y nagmula sa kasalukuyan." sambit ng binatang si Juanito.

"Wala kang dapat ipagalala, kung nais mo ng sabihin ang lahat ng katotoohan, narito lamang ako at handang making sa iyo." sagot ni Gaia.

Habang sila ay nag-uusap ay tila baga isang mahika ang naganap sa kama na kahawig ng kama na pagmamay-ari naman ni Juanito.

Nung una hindi naniwala si Gaia ngunit ng masaksikan niya na nagningning ang kama para bumalik sa kasalukuyan ang binata doon na nakumbinsi at napawi ang mga agam-agam ng dalaga ukol sa binata.

Kinagiliwan ni Juanito na mamalagi sa lugar. Marahil dahil na rin sa kagandahan ng mga tanawin sa paligid.

Sa kanyang pagmuni-muni at pamamahinga sa lugar, talaga naman naging mapayapa ang kanyang isipan hanggang nagbalik tanaw siya sa kanyang nakaraan na kung saan nasaksihan niya ang iba't - ibang illegal na gawain sa kanilang lugar gaya ng pang – aabuso sa kalikasan. Bigla sumagi sa kanyang isip at pinagdudahan niya na baka dahil sa kagustuhan ng kanyang ama na sundan ang kanyang yapak bilang pulitiko kaya lamang siya mahal o pinakikitaan ng maayos ng kanyang ama. Isang bagay na wala naman basehan ngunit laging gumugulo sa kanyang isipan. Malaki ang takot niya sa mundong kanyang ginagalawan.

Screaming Wilderness ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon