CHAPTER 4

0 0 0
                                    

Lumipas ang araw, dumadami ang mga lava na lumalabas galing sa bulkan. Ang mga hangin ay nahahaluan na ng mga abo at ito'y naging dahilan para unti – unting magkasakit ang mga residente dahil dito. Nang ito'y pumutok na, nagkalat ang mga lahar at napapalibutan ito ng mararaming tephra dulot nito. Ang buong lugar ay sinakop ng mga abo at karamihan sa mga libu – libong namatay sa pagsabog ay namayapa dahil sa bigat ng mga bubong.

Dahil sa matinding unos na tumama, tila isang bangungot para sa karamihan marahil talaga namang naapektuhan hindi lamang ang kabuhayan ng bawat isa pati na rin ang pagkawala ng mga mahal nila sa buhay na masasabi nating matinding dagok sa lahat.

Nang malaman ni Gaia na tinuloy ni Perses ang balak inihanda niya ang mga kawal at magkakaroon ng giyera sa pagitan nila ni Perses. Naglaban ng naglaban ang dalawang panig kasabay ng pagdanas ng mga tao sa trahedyang dinulot ng volcanic eruption ng Mt. Pinatubo. Sa digmaan ng dalawang panig napakaraming kawal ang nakitilan ng buhay, marami rin ang sugatan, waring ang bawat paglapat ng kani-kanilang espada at ito rin ang kasabay ng nararanasang kahirapan at unos ng mga tao sa kasalukuya. Ang lahat ng pananim at lupa ay unti-unti nasisira, natutuyot at kasabay nito ang kakapusan ng suplay ng tubig at mga pagkain na talagang dagok sa buhay ng mga tao sa kasalukuyan.

Tumagal ang digmaan nila at ang ganap sa mga residente ay napilitang lumipat ang mga ito sa Maynila. Nakipagsapalaran sila kahit mahirap ang buhay. Nahirapan si Juanito na makaahon muli ang kanilang pamilya. Naubos lahat ang kanilang kabuhayan.

Hanggang sa lumala ang kalagayan ng binatang si Juanito. Dahil sa hangad ng kanyang pamilya na mapasuri ang kanyang sitwasyon, gumawa sila ng paraan upang maisama si Juanito sa hospital.

"Juanito halika samahan mo ako dahil may nangyari daw sa iyong ina." Pahingal nasambit ng kayang ama.

Patakbo naman sumunod sa ama si Juanito at sumakay sa kotse.

Narating nila ang hospital at doon nga ay dinala siya sa isang Psychiatrist na kahit labag sa kanyang kagustuhan ay naisagawa nila ang iba't-ibang test.

Kinausap ng doctor ang pamilya ni Juanito at doon nga nalaman nila na may mental illness ang binata, Schizophrenia – isang uri ng mental disorder.

Screaming Wilderness ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon