CHAPTER 2

0 0 0
                                    

Sa kabilang banda, si Perses ay may matinding pagnanais na mamuno habambuhay. Nang malaman niya ang tungkol sa binata, nanggagalaiti ito sa galit dahil tinutulungan ni Juanito si Gaia na magapi ang mali at mga masasamang balak ni Perses. Sa kaniyang galit kinuha niya ang kaniyang kristal na bola na kung saan nakikita niya ang nangyayari sa kasalukuyan. Ginamit niya ang kaniyang kapangyarihan at lakas para magkaroon ng krisis at pagkakagulo sa kasalukuyang panahon.

"Anong nangyayari sa iyo Juanito?" tanong ni Gaia.

"Hindi ko alam ngunit kakaiba ang aking nararamdaman, bigla na lamang bumigat ang aking pakiramdam at tila bagang may hindi magandang nangyayari sa aking pamilya". Sagot ni Juanito.

Nakaramdam siya ng tuwa ng magningning bigla ang kama na nangangahulugan na kailangan na niyang bumalik sa kasalukuyan.

Sa kaniyang pagbabalik, nasaksihan niya ang Pilipinas ay nakaranas ng matinding krisis dahil binaha ang Pampanga, Tarlac at Zambales. Hindi inaasahan magkakaroon ng super typhoon na nagngangalang "Yondoy". Ito'y di inaasahan dahil ayon sa weather forecast ito ay isang tropical depression lang at hindi ito magiging ganap na bagyo. Ang sitwasyon ay nagliliparan ang bubong sa daan at nagbabagsakan ang mga puno dahil sa lakas ng hangin at naging dahilan para halos masira lahat ng kabahayan. Ang mg negosyo naman nalugi at nagsasara dahil sa matinding epekto nito. Dumating din ang pagkakataon na binabatikos na ang kanilang pamilya dahil sa kaunting tulong lang ang kanilang natatanggap galing sa gobyerno, nagkaroon ng nakawan, at libo – libong bangkay ang natagpuan sa paligid. Nanlumo si Juanito dahil sa nangyari, naapektuhan ang pamumuhay ng lahat ng nakatira sa nasabing lugar. Pansamantalang nanirahan ang pamilya ni Juanito sa evacuation center upang masiguro na rin ang kanilang kaligtasan.

Dahil sa mga nasaksihan na unos at iba't – ibang kaganapan sa kanyang paligid ay nagpanic si Juanito. Ang mga pangyayaring iyon ay hindi kinaya ng kanyang pag-iisip, Halos mag nervous breakdown siya at hindi makahinga. Hinagilap niya agad ang kanyang gamot na pampakalma upang maibsan ang nararamdaman.

Nang makabalik sila sa kanilang tahanan, mataimtim na nagdasal si Juanito sa Panginoon at unti – unting bumuhos na nga ang kanyang mga luha hanggang sa nakatulog siya ng di namamalayan. Sa pagkakataon iyon, nagningning muli ang kama at bumalik siya sa nakaraan. Napansin ng dalaga ang kalungkutan sa mukha ng binata.

"Nababakas sa iyong mukha na tila may dala-dala kang suliranin, may maitutulong ba ako?" tanong ni Gaia.

Screaming Wilderness ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon