CHAPTER 3

0 0 0
                                    

"Nababakas sa iyong mukha na tila may dala-dala kang suliranin, may maitutulong ba ako?" tanong ni Gaia.

Doon na nga ikinuwento ni Juanito ang lahat ng pangyayari at gumawa ng aksiyon ang dalaga at tinulungan ang mga nasa kasalukuyan. Sandali lamang siyang naglagi kasama si Gaia at nagbumalik din agad si Juanito sa kasalukuyan para tulungan ang kaniyang kababayan at magulang.

Lumipas ang mga dalawang buwan, unti – unting nakakabawi at umangat ang buhay ng mga tao sa nangyari, ngunit niyanig naman ng napakalakas na lindol ang siyudad. Ito ay itinatawag na "The Big One" at sinundan ito ng mga malalakas na aftershocks sa loob ng dalawang linggo.

Makalipas ang panibagong unos na naganap, muli siyang inatake ng pagpapanic. Sa pagkakataon na iyon unti-unti ng nakakakitaan ng hindi pangkaraniwang kilos si Juanito na pinaghihinalaan ng karamihan na siya ay nababaliw. Mabilis kumalat ang balita, ito'y sa kadahilanan na kilala ang kanilang angkan sa kanilang lugar.

Ang mga kaguluhan at unos ay kagagawan ito ni Perses dahil inaatake siya ng mga alagad ni Gaia at dahil tinutulungan ng dalaga ang mga tao sa kasalukuyan. Pinuntahan ni Gaia si Perses sa kanyang imperyo upang makipag ayos, itigil ang gulo sa pagitan nila at itigil ang kagagawang trahedya sa kasalukuyan.

"Nais ko sanang ayusin na natin kung ano mang hindi pagkakaunawaan meron tayo" "Alam kong may kinalaman ka sa lahat ng nangyayari" sambit ni Gaia.

"Haha! Haha! Nakikita mo ba ang iyong sarili? Ngayon alam niyo na kung ano ang aking kakayahan at ang lawak ng aking kapangyarihan......Simple lamang ang gusto kong mangyari, itigil mo ang pagtulong sa kanila, dahil kung hindi may mas matinding unos na nagbabadya para kanila" nakakatakot na tugon ni Perses.

Hindi natakot ang dalaga sa pagbabanta ni Perses, patuloy pa rin ang pagtulong niya kay Juanito at sa mga tao sa kasalukuyan.

Nasagad ang pasensya ni Perses at itutuloy ang binabalak na plano. Sa kanyang palagay kapag nagtagumpay siya, siya na ang maghahari habambuhay at katatakutan siya ng lahat. Itinuloy niya ang kaniyang plano. Kasunod ng earthquake nagbabadyang nagkakaroon ng mga senyales na puputok na ang bulkan. Base sa report na ipinahayag ng Philvocs.

Screaming Wilderness ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon