CHAPTER 5 (END)

0 0 0
                                    

Sa kabilang banda, sa pagkatalo nito laban kay Gaia, nanghina ang kapangyarihan ni Perses at naging isa na lamang siyang kawal o tagapasunod ni Gaia.

Binigyan ng isa pang pagkakataon si Perses para magbago ngunit kailangan nitong tulungan ang dalaga sa pagpapa-unlad ng buhay ng mga tao sa kasalukyan dahil sa kagagawan niya.

"Nababatid kong may kabutihang loob ka pa rin naitatago sa iyong puso, bibigyan kita ng pagkakataon magbago at bumawi, ngunit kailangan mo makipag-isa akin para maibalik kung ano ang nasira at ibalik ang kaunlaran para sa mga tao sa kasalukuyan", sambit ni Gaia.

"Hindi ko inaasahan na ganito ang isusukli mong kabutihan pa rin sa akin sa kabila ng lahat ng aking ginawa" napakabuti mo at taos-puso ang paghanga ko sa iyong katatagan at kabutihang loob" mariing pahayag ni Perses habang nakayuko sa harap ni Gaia.

Pinagsama ni Perses at Gaia ang kanilang kapangyarihan para tulungan ang mga tao. Tinulungan nilang umayos muli ang kalikasan, nagkaroon na ng mga puno halaman at punong-puno ng kapayapaan ang lugar. Bumalik ang ibang mga residente kabilang si Juanito sa lugar. Nadatnan pa rin nila ang kanilang bahay ngunit nagkaroon lamang ito ng mga alikabok at dumi dahil na rin sa mga pangyayari naganap.

Isang banda, nakatulog muli ang binatang si Juanito at napunta muli sa nakaraan. Nagkaroon ng kapatawaran sina Perses at Juanito . Nagpasalamat din si Juanito sa dalawa dahil tinulungan sila na makaahon muli. Sinabi rin ni Gaia na hindi na maaring makapunta muli ang binata sa panahon nila, binilinan ni Gaia si Juanito na magiging tagapagpamgalaga siya ng kalikasan sa kasalukuyan. Muli na nga nakabalik sa kasalukuyan si Juanito na taglay ang kakaibang karanasan niya.

Nagpasya ang pamilya ni Juanito na dalhin siya sa Siargao upang doon ipagpatuloy ang kanyang papapagamot at para na rin mas mabigyan siya ng peace of mind upang makatulong sa mabilis niyang paggaling.

Naging mabilis para kay Juanito ang kanyang paggaling dahil na rin sa mga taong nagmamahal sa kanya na talaga naman tinulungan upang maibalik sa normal ang kalagayan ng binata.

Hindi nagtagal ay nakabalik na sila sa kanilang tahanan.

Tinaggap na rin niya ang alok ng kaniyang ama na sumabak sa pulitika at nanalo siyang alkalde. Ginamit niya ang kapangyarihan sa pwesto upang magpatupad ng iba't-ibang panuntunan ng mapangalagaan at mapagyaman ang kalikasan.

Ang iba't-ibang karanasan ng binata na pagtawid sa nakaraan mula sa kasalukuyan. Ang nakilala at nasaksihan niya na tao at pangyayari ay parte lamang pala ng pakikipaglaban niya sa kanyang karamdaman. Mga kaganapan na maaaring may koneksiyon man o wala sa kasalukuyan ay talaga naman hindi madaling maipaliwanag. Ngunit ito'y isang bagay na naging daan para mas mapahalagahan, maprotektahan at makita ng bawat isa ang kahalagan ng ating kalikasan.   

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 08, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Screaming Wilderness ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon